Cossete's POV
"Greetings, my lady! We are here to prepare you for the banquet." isang blonde na lalaki ang bumungad pagbukas ko ng room namin nila Icia. Napakadami niyang bitbit kaya kaagad ko silang pinapasok. Dalawang babae ang kasama niya. By the looks of it, mukhang magkambal ang dalawang babae. The two must be his assistants.
"My name is Percival, and I am your makeup artist!" despite Percival's macho appearance, he wore makeup fearlessly. His outfit is tailored in a conventionally male way. And he is wearing a bright pink coat, along with cream-colored pants. I am confused. Lalaki ang tono ng pananalita tapos pink na pink manamit.
"And we are your stylist, My Lady!" Pakilala naman nung kambal. They said their name is Csilla and Cisne. Magkamukhang-magkamukha sila, wala akong masabing pagkakaiba. Kung maisipan nilang manloko, they would likely be easily decieved.
"Your skin is glowing and flawless, Lady. You look like you don't even have pores. So fetch!" sabi ni Percival habang inilalabas ang mga gamit nila.
Inaasahan ko ang pagdating nila dahil mamaya na ang welcoming banquet. Yung tatlo nag aayos na din sa sari-sarili nilang kwarto.
"We won't have any trouble getting you ready." Sabay na sabi naman ng kambal.
Well, my skin is like this because, before today, the three had me soaking in the bathtub. Kung ano-anong pinaglalagay nila mapalambot lang ang kutis ko.
Hindi ko alam kung paanong natagalan ko ng ilang oras na nakatunganga lang doon at inaayusan nila. Nakita ko na lang ang sarili ko sa harap ng salamin.
I am wearing a silver sequin-draped gown with an asymmetrical off-shoulder neckline. Fresh and natural vibe lang yung makeup ko, soft pink flush, and glittery champagne eyeshadow. Light makeup lang kasi ang bagay sa'kin, nagmumukha akong ewan kapag makapal. My brows are gently groomed, at dahil natural na mapula ang labi ko nude gloss lang ang ipinalagay ko dahil ikakain ko din lang mamaya. As for my hair, they decorated it with radiant stones.
Magaan lang din ang alahas na ipinahiram sa'kin nila Dannica. Makakalakad ako pabalik-balik para kumuha ng pagkain ko mamaya.
"You are so gorgeous, my child! Mana sa mother." biglang sumulpot si Icia habang nagsasalamin ako, mukhang tapos na din ito. Napalingom ako sakanya nang halikan niya ako sa pisnge.
Yuck! May laway pa!
Natawa naman si Dannica at Xia nang punasan ko ang pisnge ko. At ang bruhang si Icia, humalik pa ulit sa kabila. Tibay!
"Great job, you three. She looks stunning." puri naman ni Dannica sa tatlo nang makita ako.
"Oo nga. Pero mas bilib ako sa makeup artist nitong isang ito." tukoy naman ni Xia kay Icia. "Nagmukhang matalino eh, oh." Inginuso niya pa si Icia na ngayon ay kinikilig naman sa sinasabi niya. "Huwag niyo lang pagsalitain yan mamaya. Masisira 'yung image niyan."
Icia is wearing a baby blue evening gown adourned with silver sequin fringe. Yung buhok niya, naka-braid na parang crown sa ulo niya, tapos yung upper part, loose at textured yung pagkakabraid. The rest of her hair falls in soft waves. As for her makeup, icy look naman ang babae, kumikinang na blue and silver ang eyeshadow niya, then glossy pink lips aand softly flushed cheeks.
Nature-inspired naman si Xia. She's wearing a green dress with a delicate touch of gold. Yung buhok niya, naka-waterfall braid and it's giving off a soft pero elegant vibe. May futuristic na dating naman ang makeup niya, may pearl embellishments, soft flushed cheeks, faux freckles, metallic gold eyeshadow, at glossy nude lips.
Si Dannica naman, sobrang sexy sa black na sequin dress niya. It is a body-hugging dress kaya litaw na litaw ang curves niya. The strapless top encircles the chest, sculpted in a rose that flowers just above the heart. There's also a sharp cut out at the waist, tapos yung skirt ang ganda nung bagsak, hapit sa katawan bago bumuka sa dulo, at may trail sa likod. Soft glam look naman ang make up niya. Glittery silver eyeshadow, long, wispy lashes, and subtle winged liner. Flushed pink cheeks and highlights on the high points of the face, then velvety, muted red lips.
Panigurado madaming magyayaya sa kanila sumayaw mamaya. Kapag ganon, kakain na lang ako ng kakain. Ayoko naman mag mukhang loner.
Sakto lang ang oras na ginamit namin sa pagpapalit. Alas sais na ng makarating kami sa event center ng school.
Pagdating namin ay napakadami ng students. Ang gaganda at ang popogi nilang lahat, halata mo din na sobrang yayaman nila sa ganda at kinang ng mga suot nila. I'm so lucky talaga na may nag sponsor for me.
"Oy, look."
"It's her, what is her name again?"
"Which family is she from?"
Napalingon-lingon ako nang mapansin ko ang mga matang nakatingin saamin.
"Ang dami namang tumitingin sa inyo!" reklamo ko sa tatlo habang naghahanap kami ng magandang pwesto malapit sa pagkain
"What they are looking at is not us, but you, sweetie." sabi naman ni Dannica.
"Me?!" turo ko sa sarili ko at tsaka ulit lumingon sa mga estudyante, na mukhang nakatingin nga saakin! Kaagad naman akong nataranta. "Hala! Eh paano na 'yan?!"
"Anong paano na yan?" Si Icia.
"Paano ako makakasibat ng madaming pagkain nyan?!"
"Isahan mo ng kunin. Hahahahahahahahahaha!" tawa ni Xia. Napasimangot naman ako. Hindi yun ganon kadali?!
We found a spot near the food table at doon pumwesto. It has eight seats. Puro walo ang upuan ng mahahabang table, at yung maliit naman ay apat na chairs lang. At dahil nga apat lang kami there's still room for four more people.
"Oh, you're fine now." sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking dumating. Kung hindi ako nagkakamali, Red ang pangalan niya at kaklase namin siya. Red din ang buhok niya.
"If I were there, I would have toast it. How dare that monster make a lady cry?!" tila galit pa na sabi niya.
"The crown prince saved you sabi nila Icia. Is he really handsome?" napatingin naman ako sa kasama nung si Red. Kung hindi ako nagkakamali ay James ang pangalan nito, at siya yung hinampas noon ni Dannica ng stick.
Hindi ba nila alam ang itsura ng crown prince? Bakit sila Dannica alam nila?
"Idiot! Don't speak like that—someone might hear and accuse you of treason!" pabulong na sigaw sa kanya nung Red.
"I was just asking..." kunot noo na sabi naman nung James at tsaka nilaro-laro ang hawak niyang ice cream cone gamit ang dila niya. Huh? Why is he already eating while we aren’t?!
"Oh, wanna lick?" alok niya saakin sabay lapit ng ice cream niya sa akin. Bigla naman siyang napayuko nang binatukan siya nung si Red.
"Bastard! Don't give him what you've already licked!"
"Is that so? ...But man, that hurts."
"You deserved it!"
"He's really an idiot." napatingin ako kay Dannica at natawa nang makita ko na umiiling-iling siya habang nakatingin sa dalawa naming kaklase.
Maya-maya pa ay biglang nag iba ang atmosphere sa paligid, pagtingin ko sa entrance ay kaagad akong nagtago sa likod nila Dannica.
He's looking! He's looking directly at me!
The Crown Prince!
BINABASA MO ANG
Skyler Academy
FantasyCossete was just a normal girl. While looking for her mother, who had walked away from home, she accidentally entered another world where magic existed. In this weird world, she was told she was a princess. Not believing it, she found herself enro...
