Chapter 3

6.4K 134 4
                                        

Elixiar's Point of View

"Wala akong makita!" naiiritang bulalas ko habang nakatingin sa monitor kung saan kami nanonood.

"Ako may nakikita. Puro alikabok nga lang." sabi naman ni Icia.

Walang nagtanong.

"Pfft!" Sinamaan ko ng tingin si Dannica na nagpipigil ng tawa.

"Okay lang naman si Kylee noh?" bakas ang pag aalala sa tono ng boses ni Icia. Hindi niya bagay magseryoso. Nakakatawa ang itsura niya!

"We are not sure on that." sabi naman ni Dannica sakanya. "We don't know what she can do, but we know what Sir Kumamoto can do. He's watching the match from outside, so he knows every move Cosette makes. It'll not be easy for her." Sabi niya at sang ayon ako.

Hindi ko maiwasang maibagsak ang sarili ko sa malaking sofa na nandito.

Hindi ako mapakali!

Clone ang kapangyarihan ni Sir Kumamoto. Kaya niyang gumawa ng clone kahit ilan depende sa lakas niya. Syempre mas malakas ang clone kapag iisa. At iisang higante lang ang kalaban niya ngayon.

"T-tubig!" gulat kaming napalingon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Tinignan namin siya mula ulo hanggang paa.

Burado ang ilong. Magulo ang buhok. Marungis. Madaming gasgas. Punit-punit ang damit. At hingal na hingal!

"K-kylee!"

"Are you okay?" Si Dannica na pabalik-balik ang tingin sa mga gasgas sa katawan at mukha ni Kylee.

"Anong nangyari sa exam mo?" tanong ni Icia at tsaka inabutan siya ng nagyeyelong tubig.

"I barely passed. Ano ba yan, ang lamig abot hanggang utak ko." reklamo niya sa tubig na inabot ni Icia.

"I know it's hard but, you did your best... Your wound is the evidence." hinawakan siya ni Dannica sa balikat para ipakita ang pagdamay niya dito.

"Magpalipat nalang kaya tayo sa block niya para magkakasama pa din tayo?" suhestiyon ko naman.

"Oo nga, baka ma-miss mo ako doon... Hehe!" si Icia.

"I passed though???" sabi naman ni Kylee at nagtataka pang itinuro ang sarili.

KATAHIMIKAN.

Nalaglag ang panga.

Takip sa bibig.

"EEEEEHHHHHHH??!" reaksyon namin.

"Mga OA." si Kylee at tsaka lumabas ng monitor room.





Cossete Yaslee's POV (Kylee)

"Mga OA." sabi ko at tsaka lumabas ng monitor room.

Hindi ko masabi sakanila na..

tumakbo akoooo!!

Oo, tumakbo ako, papunta sa exit. Hahahahahahahahahaha!

Asa naman na labanan ko yung giant na yun noh. I just rescued the dog and then ran off to the exit na. I told you people, mabilis akong tumakbo. Even the old man was impressed. I used the alikabok para hindi niya ako makita that's why nakuha ko yung aso at nagawa kong tumakbo doon sa exit. He told me that I had completely tricked him. Enebe, this is me lang!

KINABUKASAN.

"Isn't this a bit short?"

I couldn't help but frown when I saw my reflection in the mirror after putting on my uniform. Kahit anong baba ko sa palda ng uniform ko, it's still too short!

Skyler AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon