See Andrew Martin above👆👆
_____
Jelliane's POV
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway ngayon ng may tumawag sakin.
"Miss?"
"Yes?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Actually,he's a good looking guy. Bago ata to,ngayon ko lang nakita eh.
"Can I ask?" Tanong nito na halatang nahihiya pa.
"Ano yon?" Tanong ko dito.
" Alam mo ba kung saan ang room #17? Kanina pa kasi ako naghahanap dito. Baguhan Lang kasi ako." Medyo nahihiya pang ani nito.
Sinuklian ko naman siya ng ngiti.
"Sa 2nd floor pa yon. Samahan na Kita. Don din kasi ako papunta." Alok ko dito na ikinangingiti niya.
"Okay. Salamat. By the way I'm Andrew. Andrew Martin." Aniya sabay abot ng kanyang kamay upang makipagshake hands.
"Jelliane. Jelliane Yales." Sabay shakehands sana ng may humablot sa kamay ko.
"Samahan moko." Mukhang nadismaya naman si Andrew dahil sa inasta ni Chris. Aminin ko naiinis ako sa ginawa niya. Pinahiya niya yung tao eh.
Tututol na sana ako kaya lang hinila niya na ako. Nilingon ko nalang si Andrew na may sincere na pagpapaumanhin.
"Nice meeting you Jelliane." Nakuha pa nitong ngumiti sabay kaway sakin. Pilit ko rin siyang nginitian dahil sa higpit ng hawak ni Christian sakin at ang bilis niya pang maglakad.
"Wait." Sabi ko dito at tumigil naman siya. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"What is your problem?" Gigil na tanong ko dito. Nakakainis siya!
"Nothing." Maikling sagot nito sabay pamulsa Lang.
"Nothing?! Eh kinakaladkad muna ako eh. Ang bastos mo! Kita mo namang may kausap pa ako! Pinahiya mo yung tao" Singhal ko sa kanya sabay pigil ng hininga.
Tahimik parin siyang nakatayo. The hell! Ano ba talagang problema ng argg!!
"Wala kang sasabihin? Bahala ka diyan!" Tatalikod na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm hungry." Nilingon ko naman siya at isinawalang bahala ang paghawak ng kamay niya sa kin.
"So? Alangan naman ako ang kainin mo?" Ani ko sa kanya at tinaasan ng kilay.
"Pwede rin." Aniya at ngumisi. Ngayon lang nag sink in sakin ang sinabi ko. Wahhh! Napaka green na pala ng mga tao ngayon. Ba't di ko yon naisip?
"Manyak!" Singhal ko sa kanya. Ngumisi lang siya.
Wala din akong nagawa at sinamahan nalang siya dito sa canteen. Mamayang 9:00 pa naman klase namin. Wala pa nga dito yung iba eh.
"Hinay hinay. Ginutom kaba sa bahay niyo?" Aniko dahil sa malakas na kain niya na hindi naman halata sa pangangatawan niya.
"Tss! Hindi kasi ako nakakain kagabi pati na sa breakfast." Napangiwi ako dahil sa sagot niya. Olcer labas mo tsong.
Hindi nalang ako sumagot at tahimik na pinanood na lamang yung paligid.
"Sasagutin mo ba siya?" Nilingon ko naman siya ng muli siyang magsalita.
"Ha?" Kunot noong tanong ko.
"Si Luke. May balak ka bang sagutin siya?" Natigilan naman ako dahil sa tanong niya.
"Why did you ask?" Takang tanong ko sa kanya. Hindi alam kung ano ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
I Hate You I Love You
Roman pour Adolescents"Wag kang mag-a " I love you" kung di mo naman kayang panindigan!" ~Jelliane I hate you, I love you Written by ruby_gail