"Saan moko dadalhin? Hindi ito ang daan papuntang bahay!" Ani ko ng mapansing iba yung dinadaanan namin.
"Gagamutin lang kita." Mahinahong saad niya habang nagdadrive. Hindi na ako nakatanggi kanina ng hatakin niya ako papasok ng sasakyan niya.
"Kaya kung gamutin ang sarili ko! Iuwi mo na ako!" Sigaw ko dito.
"Pano kung ayaw ko?" Nakangising sabi nito.
"Arrgg!! I hate you!" Inis na sigaw ko.
" I love you." Saad niya na ikinatahimik ko.
Bakit ba siya I love you ng I love you pagsinabihan ko siya ng I hate you? Grabe yong trip niya.
Imbis na sungitan siya,tumahimik nalang ako.
Ilang minuto ang lumipas ng inihinto na niya yung sasakyan. Bahay ba to? Ang laki,mansiyon na ata to eh.
Malaki naman yung bahay namin ngunit mas malaki to. SMITH HOME, yan yung nakasulat sa gate na may dalawang gwardiya. Agad na binuksan ng mga ito ang gate.
Pagkapasok namin sa loob ng garage nila,agad na lumabas si Christian sa kotse sa pinagbuksan ako. Okay. Gentleman.
"Let's go inside." Sumunod lang ako sa kanya habang naglalakad. Bakit niya ba ako dinala dito?
Mas lalo akong namangha pagkapasok namin sa loob. Ang ganda at ang lawak ng espasyo. Ang ganda ng pagkakaarange ng mga gamit.
"Kuya!!!" Sigaw ng isang batang lalaki papalapit kay Christian. Banta ko,nasa walong taong gulang na ito. May kapatid pa pala sila ni Cheska? Ang cute cute niya. Ang sarap kurutin ng matatabang pisngi niya.
"Don't shout Cain." Ani ni Christian dito.
"Si ate Cheska kasi inaaway na naman ako. Wait kuya,who is she? Girlfriend mo kuya?" Baling nito sakin.
Wait. Girlfriend?
"No she's not. But I think soon." Ani ni Christian na ikinataas ng kilay ko sa kanya.
Soon? Ano?
" Hi ate ganda I'm Cain. Pwede bang wag mo nalang sagutin si kuya pag liligawan ka niya? I can be better than him,mas gwapo naman ako sakanya,diba ate ganda?" Kung may kinakain lang siguro ako,naibilaukan na ako panigurado dahil sa pinagsasabi niya.
Napansin ko rin na sumama yung tingin ni Christian kay Cain.
"I'm Jelliane, sa sinasabi mo. Tama ka Cain mas gwapo ka sa kuya mo." Sakay ko sa trip niya. It's time para inisin si Christian. At kita ko nga na nagsalubong ang kilay nito.
"Oh diba kuya? I'm more handsome than you. Teka ate! Ba't may pasa ka?" Sabay hawak saking kamay na agad namang tinabig ng kuya niya.
"Wag mong hawakan!" Kumunot ang noo ko sa kanya. What's with him?
"I-I mean wag mong hawakan baka masasaktan ate mo. Lalampalampa kasi kaya ayan tuloy." What the! Gumanti ba siya? Lampa?
"Hoy! Hindi ako lam-.."
" Ang ingay-ingay niy- OMG! Jelliane!" Tili nito sabay dalidaling pumanaog ng hagdan. At niyakap ako.
"Ang ingay mo ate!" Napasimangot na sabi ni Cain .
" Nagsalita ang hindi. Che!" Hahaha ang cute nilang magkakapatid. Sana may kapatid din akong kagaya ni Cain.
"OMG!! Anong nangyari sayo? Ba't may mga pasa ka?"
Napansin kung umalis si Christian.
"Dinumog ako ng mga hipon. Sina Liezel. Pwedeng paupo muna? Nangangalay na paa ko kakatayo eh.hehe" suhistiyon ko dito. Totoo,promise kanina pa ako ngalay dito. Hindi man lang ako pinaupo ng Christian na yun.
Umupo nga kami sa malaking sofa nila dito sa sala. Sumunod din si Cain sa amin.
"Walang hiyang Liezel na yun! Gaganti tayo jell." Ngising sabi nito.
" What kind of revenge?" Ngiting tanong ko dito.
" You'll see. Akong bahala."
Di nagtagal nakabalik din si Christian. Pansi kung nakabihis na ito at may dalang box. I think it's a medicine.
"Kuya ako na magagamot kay ate ganda." Kukunin na sana ni Cain ang box na hawak ni Christian ng ipinaibabaw niya ito.
"Oops! Magkaribal brothers na pala kayo ngayon? " Tukso ni cheska dito.
"Tss!" Christian
"Ang daya mo kuya. Makaalis na nga dito! Bye ate ganda. Basta ate ganda ah,wag mong sasagutin si kuya pag niligawan ka niya. Dapat ako lang." Pipingutin na sana ni Christian si Cain ng kumaripas ito ng takbo.
"Ehem! Mukahang makakaistorbo lang ata ako sa inyo. Bye jell may lakad pa ako. Bye kuya! Take good care to Jelliane ah. Babush!!" Walangyang Cheska! Kumaripas din siya palabas.
Teka. Pansin ko lang bat parang wala ata parents nila? Mga maids lang nila yung nakikita ko eh.
Sisimulan na sana ni Chris ang paggamot sa sugat ko ng pinigilan ko siya.
"No need. Kaya ko na." Kukunin ko na sana yung hawak niya.
"Ako na." Saad niya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung Ano ba tong nararamdaman ko. Parang may kuryenteng dumadaloy ng nagdikit yung mga balat namin. And I felt an unexplainable feeling inside my stomach.
Whats with me?
Di ko lang pinansin yung nararamdaman ko hanggang sa matapos na niyang lagyan ng cream yung mga pasa ko. Ramdam ko rin yung pag-iingat niya habang dumadampi ang gamot dito.
" Ayan. Hindi na yan magkakapeklat." Ngiting banggit niya.
" Ah, thanks. Kailangan ko nang umuwi."
"Okay. Hatid na kita."
"Commute nalang ako."
" I insist." Hindi talaga siya magpapatalo. Okay. Bahala siya, total siya naman nagdala sakin dito eh.
Minutes pass at nakarating na kami sa bahay. Kumunot ang noo ko ng may black na kotse sa harap ng bahay namin at pansin kong may taong prenteng nakasandal dito?
Wait. He looks so familiar. Pagkahinto ni Christian ng kotse niya agad agad na akong bumaba.
He's here
Unti-unti siyang humarap at...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Surprise!"
"Oh my! Wahh!!Sungit!" Agad agad ko siyang niyakap.