CHAPTER 18: Unknown

521 12 0
                                    

Guys gusto ko lang pong sabihin na putol po ito dahil di po na save yung ibang tinype ko. Kainis yun! Ang sakit na ng kamay ko kakatype tapos at the end di man lang nasave. Hindi maintindihan kung bakit nangyayari ang ganitong kamalasan sa akin..sniff!..Echos lang po. Pero inis na inis na talaga ako! Ilang beses na tong naulit.

Umabot na sa punto na naihagis ko yung Cellphone ko dahil sa inis. Buti nalang at di nasira. Eh kasi nga sa kama ko Lang naman inihagis.hehehe para siguradong di mabasag. Psh! Kabaliwan ko.

#BADTRIPANGAUTHORNIYONGAYON
NAIINTINDIHAN NIYO?!!!

Pagtiyagaan niyo nalang po to.

Cleah Mae and Jelliane above👆

____

Jelliane's POV

Nasa elevator na ako ngayon paakyat sa unit ni Luke. Remember kanina nag-aya siya na pumunta sa unit niya dahil ipagluluto niya ako?

Wala pa ako sa unit niya parang natatakam na ako sa mga luto niya. Masarap magluto si Luke, sobra! Di ko pa nasabi sa inyo na pamilya siya ng mga taong may mga restaurant na sikat dito sa Pinas pati na rin sa ibang bansa. Ang yaman ng best friend ko.

"Buti naman at nakarating kana."bungad niya sakin sa pinto at agad naman akong pinapasok. Naka apron siya ngayon at parang patapos na siyang magluto.

"Matitiis ko ba naman yung mga luto mo? Pakibilis! Nagugutom na ako." Birong Sabi ko. Parang senyorita akong naupo sa sala niya dito sa unit niya habang nanunuod ng TV.

Aaminin Kong sobrang namis ko ang mga moments namin noon. Yung tipong ipagluluto niya ako pag malungkot ako tapos pinagtatanggol niya ako sa mga babaeng nang-aaway sakin nung highschool palang kami.

Naalala ko pa nga non ng panahong dinalaw ako ng regla tapos di ako nakapagdala ng napkin. Umiyak lang ako ako ng umiyak non sa CR dahil pinagtawanan ako ng mga kaklase kung lalaki pati narin yung mga nasa hallway na madadaanan ko.

Flasback!

"Eww! May red spot siya. Nakakahiya!" Dining kung bulong- bulungan ng mga kaklase ko.

"Hahaha! Tol si Liane oh. May red spot!" Pinagsigawan pa talaga Yun ni George ang ultimate bully sa paaralan namin. I'm a first year highschool student.At magkaiba kami ng section nina Cleah at Luke.

Kinakabahan akong tumingin sa palda ko at ayun nga! May red spot nga,naririndi na ako sa mga tawanan nila at tumakbo nalang ako sa cr at don umiyak ng umiyak.

"L-luke,C-cleah-na-nasan na k-kayo?huhuhu." Patuloy ko sa pag-iyak. Mag-isa lang ako sa cr dahil class hours na ngayon.

"Jell, Jell! Nandiyan kaba?" Parang sumigla ako ng marinig ko ang boses ni Luke. Binuksan ko ang cubicle at sinalubong ko siya ng yakap.

"Sniff L-luke!"

"Tahan na,may dala ako dito. Bumili ako niyan sa Canteen kanina. I'm sorry at di agad ako nakarating. Ayos ka lang ba ha?" Nag-aalalang aniya sa akin. Siya pa talaga ang bumili ng napkin para sa akin.

Flashback end.

Take note! Lalaki po siya tapos binilhan niya ako ng napkin. I'm so thankful to have a best friend like him.

"Food is ready!" Nabalik ako sa ulirat at agad akong tumakbo patungong kusina ng marinig ko ang boses ni Luke.

"Hmm,mukhang masarap lahat ah." Napa-amoy amoy pa talaga na sabi ko.

"Syempre! Ako pa!" Pagmamayabang naman niya. Edi shing!

Nagkwuentuhan lang kami ng nagkwuentuhan ni luke habang kumakain. Inaalala namin yung dati na palagi kaming magkasama. Sayang at wala si Cleah,pero okay na dahil masusulo ko best friend ko. Yiehh...

"Namiss ko to." Nakangiting salita niya.

"Yeah..me too. Ikaw kasi umalis kapa." napapout na ani ko sa kanya.

"Pag nagstay ba ako may tiyansa na magkaroon ka ng feelings para sa akin?" Seryoso siya habang tanong niya iyon at natahimik lang ako.

May tiyansa nga ba?

"I-I don't know." Naiilang na sagot ko sa kanya. May feelings pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon?

***""

Continuation sa next chapter. Sorry dahil sa sobrang ikli.

#beastmood

I Hate You I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon