CHAPTER 12: Nangangamoy Selos

574 21 1
                                    

Jelliane's POV

"Jell may naghahanap sayo sa labas." Ani ni Angelica habang papasok,kablockmate namin siya.

"Sino daw?"

"Nahihiya akong magtanong,ang gwapo kasi. Baka boyfriend mo?" Napailing nalang ako dahil sa sinabi ni Angelica.

"Oy Chris,baka manliligaw yun ni Jell." Baliw talaga tong si Loue. Kumunot lang ang noo ko ng Makita ang reaksiyon sa mukha ni Christian. Nakasimangot kasi.

Sino naman kaya yung naghahanap sakin? Makalabas na nga lang. Wala pa naman yung prof namin. Kakatapos lang kasi naming maglunch.

Paglabas ko ng pinto. Nakita ko si sungit na printing nakatayo habang may airphone sa ulo. Ang hilig niya talaga sa music.

"Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?" Wag kayong ano, bago ako nagsalita tinanggal ko muna Yung airphone sa tainga niya.

"Psh! Sinabi ko naman sayong pupunta ako dito right?"

"Mamaya pa yung uwian. Baka mainip ka kakaintay. Baliw kadin eh no." Sabi ko dito.

"Namiss kita eh." Napapout na sabi niya. Kaya kinurot ko yung pisngi niya. Ang cute talaga ng best friend ko.

"Excuse me." What the! Problema nun? Sa gitna pa talaga namin dumaan?

Halata din naiinis si luke dahil sa ginawa ni Christian.

"Nagseselos lang yun." Binaling namin ni Luke yung tingin namin sa pinto.

The hell,kanina pa sila nakasilip diyan?

"Patay! Nahuli tayo." Jade

Sinamaan ko sila ng tingin.

"My God! Lukeyy..." Tili ni Cleah sabay bigay ng pinakamahigpit na yakap kay Luke.

Napangiwi naman si Luke dahil sa yakap ni Cleah.

May napansin din ako o kami na kakaibang aura. Tuluyan na Kasi silang lumabas.

At ayun,si Jade ang sama ng tingin kina Cleah.

"Namiss kita lukeyy.."

"Tsk! Lukey again." Inis na sabi ni Luke. Natatawa nalang ako dito. Lukey kasi tawag ni Cleah sa kanya.

"Tama na nga yan!" Jade sabay hablot Kay Cleah.

"Nagseselos ang kuya niyo." Sabay sabay naming sabi.

"Siya ba si Luke? Yung best friend mo?" Bulong ni Lalaine sakin. Tumango lang rin ako.

"Guys! Si Luke nga pala,best friend ko." Pakilala ko sa kanila.

" Best friend lang ba talaga?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng kakarating lang na si Christian.

"Kung makapaglambingan kasi parang magjowa na." Dugtong niya pa. Ano bang ibig niyang sabihin?

"So? What's the matter?" Luke. Ramdam ko rin ang cold ng aura nila sa isat-isa.

"What's the matter your face!" Christian. Ano bang nangyari sa dalawang to? Bakit parang ang init ng dugo nila sa isat-isa?

"Problema mo dude?" Mukhang nainis na rin si Luke dahil sa sinabi ni Christian. Nagsusukatan na sila ng tingin. Yung dalawang lalake naman parang wala lang sa kanila. Parang nag eenjoy pa nga silang manood eh.

"Problema niyong dalawa?!" Sabay pingot ng mga tainga nila. Narinig ko rin ang natatawang mga barkada namin.

"Aray jell!" Sabi nila. Namumula yung tainga nila nang nilubayan ko na ito.

"Para kayong mga bata!" Singhal ko sa kanila.

"Ikaw Luke,umuwi kana! Kayo naman pasok! Lalong lalo kana Christian!" Kumaripas ng takbo yung apat habang si Christian naman ay masama paring nakatingin kay Luke.

"Gusto mo sipain pa kita papasok?" Nakataas kilay na sabi ko sa kanya. Tigas ng ulo.

"Tse! Sumunod ka." Lintaya niya bago umalis.

Hindi ko talaga sila maintindihan.

"At ikaw naman,umuwi kana!" Baling ko naman kay Luke.

"Hihintayin kita sa labas."

"Matagal pa nga labas namin." Magpapalangaw ba siya sa labas?

"Nah. Kaya kung maghintay." Ako lang ba o sadyang parang dalawa talga yung meaning ng sinabi niya. Ay iwan.

****

Sorry po dahil short apdate lang po ito.

Please read my new story FAN GIRL.

SALAMAT!!

I Hate You I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon