CHAPTER 7: Date?

681 21 0
                                    

" Anong gagawin natin dito?" Nakakunot na tanong ko sa kanya.

Akala ko ba pupuntahan namin si Janna? Bakit kami dito sa sementeryo?

" Follow me." Okay?

Janna Antonette Froz

Born: January 7, 1998

Died: June 6,2013

Nasakabilang buhay na pala siya? Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kung sino ba siya? Kung bakit ako sinama ni Christian dito?

" Magandang araw sayo magandang Janna." Masiglang bati niya dito at umupo sa damo. Sinama niya din ako sa pag-upo.

" Pasensiya kana at wala akong dalang bulaklak. Dinalaw ka rin ata ni Cheska kahapon dito no?"

Sabi niya parang kinakausap yung puntod ni Janna. Tatakbo talaga ako pag sumagot yan sa kanya.

" Siya nga pala,kasama ko si Jelliane. Iwan ko ba kung magkaibigan kami niyan. Multuhin mo nga yan mamaya ng wag niya na akong sungitan."

Di ko napigilang mahapas yung likod niya. Takutin daw ba ako? Medyo lumakas din yung hangin.

"A-ah, Janna kung sino kaman. Wag mo naman sana akong multuhin ha." Tsk. Nahawa na ako kay Christian na kinakausap yung puntod.

"Haha,joke lang. "Tawa niya.

" Can I ask?" Tanong ko sa kanya ng makarating kami sa sasakyan niya.

Nakatayo muna kami sa labas. Tumango lang siya.

" Who's Janna? "

" Kababata namin siya ni Cheska. She's our best friend. Mabait yang si Janna at palatawa. Palagi kaming magkasama niyan noong Elementary at pagtungtong namin sa highschool." Masayang agkukwento niya.

"A-anong kinamatay niya?" Di ko maiwasang magtanong sa kanya.

Nakita kung lumungkot yung mukha niya. This time parang may namumuong luha sa mata niya.

"S-sorry for my question. Okay lang kung hindi mo sagutin."

"No. It's okay. Nakakalungkot lang isipin noong mga panahong saksi kami kung paano siya naghirap upang malabanan yung sakit niya para mabuhay at makasama pa kami. She have a leukemia that time. Sa kabila ng sakit niya noon. She didn't stop putting a smile on her face. Many people admires her. Iwan ko ba kung bakit siya pa nabigyan ng sakit na yun, palagi pa naming sinasabi na sabay kaming gagraduate. But kinuha siya noong unang araw ng klase namin bilang 2nd year high school."

Nalulungkot ako para sa kanila ni Cheska. Di ko alam na sinapit pala nila ang ganitong bagay. Ang mamatayan ng minamahal. Hindi naman natin mapipigilan ang ganitong bagay dahil Diyos lang ang nakakaalam ng maaaring mangyari sa hinaharap.

" But I know that she's happy wherever she is right now. Kaya kita dinala dito dahil yun ang sabi niya."

Napakunot noo akong tumingin sa kanya.

" Di nga? Nakakausap mo siya? May third eye ka?" Walang prenong tanong ko sa kanya.

Then I heard his Chuckling.

" Hindi yan ang ibig kung sabihin. Nakita mo naman ata na dalawa lang mata ko."

Medyo natatawang sabi pa niya.

" Eh. Ano nga?" Kinurot ko yung tagiliran niya. Pagtatawanan daw ba ako.

"Sakit ha. Tse! May hawig nga kayo magkaiba naman ng ugali."

This time tumaas na talaga yung kilay ko sa kanya.

" What do you mean?"

"Sinabi niya noon pag may nakita akong kahawig niya. Dadalhin ko dito sa puntod niya. At ikaw nga yon."

I Hate You I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon