Chapter 4

66 7 0
                                    

-Chapter 4-

Chrysler's POV

Nandito na ako ngayon sa bar ng tropa ko. Galing pa ko nito sa practice namin ng basketball, biglaan naman kasi nagpatawag si coach eh. Buti nalang at maaga natapos yung practice so nakaabot pa ko dito sa bar. Medyo marami-rami ng tao dito. Mukhang di pa nag-uumpisa. Nakita ko kasing nagseset up palang sila.

Teka, parang namumukhaan ko yung isang babaeng nagseset ng gitara nya? Hmm, baka kamukha lang nya siguro. Yaan na nga. Tapos bigla akong nilapitan ng tropa ko, si Nash, sya yung sinasabi kong may-ari ng bar.

"Oh Rys. Kamusta tol? Buti nakapunta ka. Kala ko iindyanin mo nanaman ako eh."

"Uy pre. Ikaw pala, ayos lang naman. Pinagbigyan ko lang request mo. Kinukulit mo na kasi ako eh. Ayan ha tinupad ko na yung promise ko!"

"Nice! haha! Alam ko naman yun eh. Napakabusy mong tao eh. Kelangan mo rin naman kasi gumimik minsan. Ayan nga pala yung sinasabi ko sayong banda, antayin nalang natin matapos mag-set." Tinuro nya saken yung bandang tinutukoy nya.

"Ah. yan ba?? Ok."

After 5minutes natapos na silang mag-set. Mag-uumpisa na sila. Nakaspotlight yung vocalist ng bandang yun. Wait?? sya yung nabangga ko kanina sa mall ah? Tiningnan ko sya ng mabuti.

Oo sya nga yun! Sabi na nga ba di ako nagkamali. Akala ko kamukha lang nya, sya pala talaga yun. Vocalista pala sya? Ayos ha. 

Bago sila mag-umpisa, nagpakilala muna sila. So Rhian pala ang name nya. Now i know. 

Nag-umpisa na syang kumanta. Naghihiyawan na yung mga tao sa loob. Napabilib ako sa pagkanta nya. Pang lalaki kasi yung kanta tapos babae ang kumakanta ng ganung klaseng kanta? Ang astig!

Tinititigan ko sya. Ang ganda nya talaga, first time kong makita syang naka ngiti kaso nung naalala ko yung nangyari kanina, ang amasona nya masyado, nakakatakot.

"Ang galing nya noh?" biglang sabi ni Nash.

"Oo nga eh. nakakabilib. Ang galing sobra. And she's so beautiful."

"Yeah, you're right! Kaso mataray nga lang. Amazona! Hindi ko nga yan mahawakan eh. Hindi ako makachansing."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Nash. Langya talaga tong tropa ko, manyak talaga. Haha. Nagpaalam na saken si Nash, punta lang daw muna sya sa loob ng office nya, may irereceive lang daw syang call.

After ng ilang sets nila. They were done performing. Naghiyawan nanaman mga tao dun. After that, umupo na siya with her bandmates. Gusto ko sanang lumapit sa kanya kaso hindi naman kami close para lapitan sya. Next time hahanap ako ng paraan para malapitan at makausap sya. Kaso baka tarayan lang nya ko, maalala pa nyang ako yung nakabangga sakanya at nakatapon ng drinks. Ok lang sana yung nabangga ko sya. Pero yung natapon sakanya yung drinks ko, yun ang mali. Kaya lalo syang nagalit. Hanggang tingin lang muna ako sakanya. Psh! 

Bumalik na ulit si Nash marami raw syang kinausap over the phone kaya napatagal sya masyado. at ayun nag-iinuman kami ngayon, kasama rin namin yung ibang tropa.

Maya-maya naramdaman kong nagvibrate ang phone ko, nagpaalam muna ko sakanila na lalabas ako saglit dahil may sasagutin lang akong tawag.

Nung nasa labas na ako para sagutin yung tawag, may nakita akong nag-aaway na magsyota or ewan ko kung magsyota nga ba. Inaaway nung babae yung lalaki.

Naririnig ko yung sigawan nila. Biglang hinawakan ng lalaki yung magkabilang braso nung babae parang nasasaktan yung babae. Ayoko sanang makialam sa away nila kaso nakikita kong nasasaktan na yung babae sa higpit ng hawak sakanya. Ayoko kasi nakakakita ng babaeng nasasaktan.

How Can I Unloved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon