-Chapter 6-
Rhian's POV
Sa wakas natapos narin ako sa pagtuturo. Nakakapagod.
Isa-isa narin nagpaalam saken yung mga batang tinuruan ko. Oo mga bata tinuturuan ko. Kasama naman nila mga parents nila. Kahit mga parents nila nakikigaya din sa tinuturo kong sayaw sa mga anak nila. Nakakatuwa sila.
Naalala ko tuloy mom ko. Ganyang-ganyan din sya nung may dance lesson ako sa school nung elementary pa ko. Maliit pa lang ako sumasayaw na ko. Sinanay kasi ako ni mom eh. Sya may pakana kung bakit magaling ako sumayaw. Haha!
Anyway, nagpahinga muna ko saglit. Ako nalang mag-isa dito sa loob ng studio. 10:30pm na. Makapag-ayos na nga ng gamit.
Nang matapos ko na maayos mga gamit ko, Nilabas ko from my pocket yung phone ko, may nagtext kasi, sinuot ko narin yung cap ko kasi mukhang umaambon sa labas wala pa naman ako dalang payong, lumabas narin ako ng studio.
Paglabas ko ng studio, may biglang bumangga saken, nalaglag tuloy phone ko, pati phone din nya.
Bwiset naman oh bakit ba lapitin ako ng bangga?
"Ano ba! Marunong ka bang tumingin sa dinadaanan mo?!"
"Sorry po." sabi nung bumangga saken. Sabay namin pinulot yung phone namin na nalaglag.
Pagtayo ko, nagkatinginan kami. Pusang gala nga naman oh. Sya nanaman?? Tanga talaga nito! hindi marunong tumingin sa daan. Tss!
"YOU AGAIN??!!" sabi ko sakanya.
"Yeah. me again?! Hi! ^_^v" leche plan! nakangiti pa!
"Ba't ang tanga-tanga mo?!! Hindi marunong tumingin sa dinadaanan! Bwiset!!"
"Sorry naman. Hindi kita napansin eh."
"Hindi napansin? Ang laki-laki naman kasi ng hallway bakit sa gilid ka pa dumadaan. Next time nga tumingin-tingin ka sa dinadaanan mo ha ng hindi ka nakakabangga! Tss!"
"Sorry na. Please."
"FINE!!!" tumalikod na ko at umalis. Pinakiramdaman ko kung sumusunod ba sya. Mukhang hindi naman. Good!
Subukan nya lang sundan ako tatadyakan ko pagkalalaki nya.
Nung nasa labas na ko ng building, nagpunta ako ng waiting shed. Nag-aantay nang masasakyan. Tricycle man o taxi.
Tinatamad na kasi ako maglakad lalo na't pagod na ko. Ang sakit narin kasi ng mga paa ko. Di ko matawagan driver ko kasi walang signal. Badtrip!
Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko na matulog. Tss! Sana may dumaan ng taxi or tricyle nang makauwi na ko! Medyo masama narin pakiramdam ko. Magkakasakit pa ata ako.
Maya-maya may dumaan na dalawang lalaki. Mukhang mga lasing. Medyo pagewang-gewang na kasi maglakad. Napatigil sila sa harapan ko.
"Uy! Pare may chicks oh! Ang ganda."
"Oo nga noh. *hik* mukhang haponesha."
Biglang lumapit yung isang lasing. "Hi mish! Shino hinihintay mo? *hik*" Hindi ko nalang pinansin. Aalis din naman siguro tong mga toh kung hindi ko papansinin.
"Hang ganda moh naman mish biyutipul! *hik* Ang kinis kinis mo. May kasama ka ba? *hik*" sabi naman nung isa.
"Shamahan ka namin gushto mo? *hik*"
Hindi ako umiimik. Leche! Sana umalis na tong mga pangit na toh! tatadyakan ko na tong mga toh eh. Mga manyak. Mga mukha pang di naliligo. Tss!
Hindi pa nakontento tumabi sya saken.
BINABASA MO ANG
How Can I Unloved You
Teen FictionMahirap mamili. Mahirap Magdesisyon. Ano ba ang tamang gawin? Loved him? or Unloved him? This is my 1st story. Hope you like it. :) Saranghae ^_^