-Chapter 8-
Rhian's POV
Aaaarrrrggghh!!!! Nakakainis yung Chrysler na yun! Manyak! Bastos!
Ayaw pa amining may pagkamanyakis sya. Denial pa. Tss!
Ayan hinampas ng hinampas ko sya. Pati yung ilong nyang may band aid piningot ko. Buti nga sakanya. :p
Siguro kung hindi pa ko lumingon nun baka nakita na nya yung katawan ko.
Kasalanan ko rin naman, di ko kasi nailock yung pintuan. Nasanay na kasi ako sa bahay ko na hindi naglolock ng pintuan. Ako lang naman kasi sa bahay. Yung driver ko naman kasi kapitbahay ko lang. Madali kong puntahan if ever kailangan kong magpahatid or sundo.
Lumabas na ko ng bahay nung lalakeng yun. Nakakainis talaga!!! -_-
Wait.
Saang lugar pala toh? Baka malayo pa toh ah. Maligaw pa ko dito.
Balik. Balik.
Ah teka tatanungin ko ba?
Wag nalang kaya.
Aish!! Sige na nga! Baka magkanda ligaw ligaw ako dito.
Paglingon ko nakasalubong ko sya. Mukhang sinundan pa ata ako nito ah. Tss! -_-
"Bakit? May naiwan ka ba? Ako nalang kukuha." tanong nya.
"Anong lugar toh?!" tanong ko naman sakanya.
"Ah Queensville Subdivision po. Bakit?"
"Okay."
"Teka hatid na kita."
"Hindi na, malapit lang ako. Wag mo kong susundan."
Queensville Subdivision?
Malapit lang toh sa Springville sa lugar ko.
Tinalikuran ko na sya.
Habang naglalakad ako feeling ko si sinusundan nanaman nya ako kaya tumigil ako.
"Sinabing wag mo kong susundan eh!" sabi ko ng hindi lumilingon. Nakakainis na eh.
Nagcontinue ako sa paglalakad. Nararamdaman kong parang sinusundan parin nya ako.
Aba ayaw akong tantanan nitong lalakeng toh ah. Gusto nanaman atang masapak nito. Teka nga.
Huminto ako. "Diba sinabi ko nang wag mo kong susundan? Ba't ba ang kulit kulit mo?!!"
Lumingon ako para harapin sya. Kaso nagulat ako sa nakita ko.
"Hi bhessy!" ^_^v
Si May.
"O-oh bhessy! A-anong ginagawa mo dito? Hindi ka pumasok?"
"Eh galing ako dun sa classmate ko. May kinuha lang. Hindi ako pumasok. Tinatamad ako eh. Hehe. Ikaw? Pumasok ka ba? Sabi na nga ba ikaw yung nakita ko sa may kanto eh. Kaya sinundan kita. :)"
"Ah okay. Hindi rin ako pumasok. May kailangan kasi akong asikasuhin." Nakita kaya nyang kausap ko yung Chrysler na yun?
"Ganun ba? Eh teka saan ka ba galing? Napansin ko kanina parang may lalake kang kausap. Sino yun? Mukhang papable ha. Hihi. ^_^"
Sasabihin ko ba? Tss. Baka asarin lang ako nito. Wag nalang.
"Ah eh may pinuntahan lang din. Kung ano man yung nakita mo wala lang yun."
Ayoko kasing malaman ni May na galing ako dun sa bahay nung Chrysler na yun.
"Ganun ba? Eh bakit parang galit ka? Sabi mo pa nga 'Diba sinabi ko nang wag mo kong susundan? Bakit ba ang kulit kulit mo?' Sinusundan ka ba nung kausap mong lalake kanina?"
BINABASA MO ANG
How Can I Unloved You
Teen FictionMahirap mamili. Mahirap Magdesisyon. Ano ba ang tamang gawin? Loved him? or Unloved him? This is my 1st story. Hope you like it. :) Saranghae ^_^