-Chapter 7-
Rhian's POV
Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Mukhang di ako makakapasok nito ah.
Itetext ko nalang si May na di ako makakapasok ngayon. Buti nalang wala ako tuturuan sa sayaw today. Bukas pa.
Makapag-CR nga. Pilitin ko makakilos.
Pag dilat ko, nagtaka ako bakit iba yung kulay ng kwarto ko? nang kama ko? Pati damit ko?
Teka hindi ko toh kwarto ah.
Asan ako? Kaninong bahay toh? o.O
Ang huli ko lang naalala eh may tumulong saken kagabi. Kamuntikan na ko ma-rape.
Buti nalang may tumulong saken sa mga panget na yun. Hindi ko namukhaan yung tumulong saken kasi madilim. At habang naglalakad kami, yung paningin ko umiikot.
Pagkatapos nun hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.
Biglang bumukas yung pinto. May matandang babaeng pumasok.
"Oh gising ka na pala iha. Kamusta ang pakiramdam mo?" Nakangiting bati nya saken.
"Ah eh medyo hindi pa po ok. Teka po asan po ako? Kaninong bahay toh?"
"Magpahinga ka lang muna iha. Kay Rys na bahay ito. Maya-maya andito na sya. May binili lang. Antayin mo nalang sya."
"Ah sinong Rys po? Pano po ako napunta dito?"
"Si Chrysler. Hindi ba kayo magkakilala? Sya nagdala sayo rito. Inaapoy ka nga ng lagnat kagabi eh."
"Ah ganun po ba?"
"Oo iha. May gusto ka bang kainin? o may kailangan ka ba? Sabihin mo lang."
"No, no. Salamat nalang po."
"O sige. Dito ka na muna ha."
Lumabas na yung matandang babae.
Rys?? Chrysler?? Ahhh! yung Chrysler na bumangga saken. Yung feelingero. Tss!
Yung Chrysler na yun. Sya nagdala saken dito? Edi sya pala yung tumulong saken kagabi? Tss!
Hinanap ko yung gamit ko. Nakita ko din naman agad dahil nasa tabi lang ng kama. Pumunta ako sa loob ng CR para makapagshower muna.
Buti nalang may extra shirt akong dala. Nilapag ko muna yun sa may kama.
Dadalhin ko nalang tong pinasuot saken at ako nalang magwawash. Nakakahiya naman sa nagpahiram. Ibabalik ko nalang.
Gusto ko na rin umuwi at dun nalang ako sa bahay ko magpapahinga.
Hindi kasi ako comfortable pag nasa ibang bahay ako, lalo na't hindi ko pa kilala at lalaki pa.
Pagkapasok ko ng CR. Nagshower ako. Makikishower ako dito. Pakapalan na ng mukha. Haha.
Eh sa ayaw kong magpalit ng hindi nagshoshower muna. Maselan kasi ako.
Habang nagshoshower ako, pinagmasdan ko ang loob ng banyo. Maganda at maaliwalas. Parang Mini room sya.
May mahabang upuan na gawa sa kahoy. May mini tv, flat screen pa. Ayos yung may idea nito ah. Kakaiba.
Well furnished ang CR. Masarap tumambay at parang pwedeng matulog dito. ^_^
After ko magshower, lumabas na din agad ako ng banyo.
Pinupunas-punasan ko pa ang basa kong buhok nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako bigla sa nagbukas.
Si Chrysler.
BINABASA MO ANG
How Can I Unloved You
Teen FictionMahirap mamili. Mahirap Magdesisyon. Ano ba ang tamang gawin? Loved him? or Unloved him? This is my 1st story. Hope you like it. :) Saranghae ^_^