Chapter 5

474 11 0
                                    

CHAPTER 5

Tienna's POV

Nag-grab nalang ako papunta sa bahay nila. Medyo malayo din kasi.

Di rin nagtagal at dumating na ako sa bahay nila shanty. Kumatok naman ako at binuksan ni shanty ang gate. Pinapasok siya ako at nakita ko sila Tito at Tita. Nagbeso-beso ako at nagbless naman kay tito.

"Oh sa wakas kumpleto na tayo. Shanty, tawagin mo na ang kuya mo."

"Sige po mama." Sabi ni shanty

"Uhm mauna na kayo kumain dun Tienna. Sunod nalang ako." Sabi ni shanty

"Ah eh sige." Sabi ko.

Hindi rin naman pala ganun kadami ang bisita. Akala ko andami hahaha

Umupo na ako sa upuan sa may lamesa. Kumuha na din ako ng pagkain.

Biglang may nagsalita.

"Ma andito na po si kuya blaster." Sabi ni shanty

At bigla kong nakita yung kuya niya. Tumingin sakin at parang nagulat. Bakit parang familiar?

"Ah eh kuya, eto nga pala si Albertiene. Bestfriend ko." Shanty said

OMG! SIYA PALA YUNG NAKABANGGAAN KO! HALA! NAKAKAHIYA! SIYA PALA YUNG NAGIISANG BLASTER SILONGA NA KAPATID NI SHANTY!

"ahmm.. Tienna, this is kuya blaster." Dagdag ni shanty

"U-uhm. N-nice t-to m-meet y-you p-po...k-kuya?" Sabi ko na kabado.

"Ahm. N-Nice to meet you den."

At nagpatuloy na kami sa pag kain.  Grabe. Nakakahiya talaga. Ang awkward tuloy.

....

Tapos na kami kumain. At bigla akong binulungan ni shanty.

"Dun tayo sa kwarto ko. May tatanong lang ako! Hahaha!"

"Ahm okay" sabi ko

At nandito na kami sa kwarto ni shanty. Ang ganda.

"Anong meron?" Sabi niya

"Anong anong meron?" Me.

"Bat parang super awkward niyo ni kuya?" Shanty

"Ah eh... Naalala mo ba yung kanina?" Sabi ko

"Anong kanina?" Sabi niya

"Yung nakabanggaan ko..." I said

"Omg! Don't tell me si kuya yun?!" Shanty

"Ah eh. Pero ganun na nga?" Me

"OMG HAHAHAHAHAHA SI KUYA PALA YUN HAHAHAHA!" at patuloy akong pinagtatawanan ni shanty.

"Please. Ayoko na makipagkitadun sa kuya mo... Kahihiyan talagaaaaa!" Sabi kong may halo ng pagmamakaawa

"Hahaha hayaan mo na yun si kuya. Ganun talaga yun" shanty

At biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Tita Coco...

Sinagot ko naman...

"Tienna. Pwede bang umuwi ka muna dito sa bahay? Kailangan natin maglinis darating yung mga kabanda ni Unique. Nakakahiya naman. First time nila dito sa bahay tapos magulo." Sabi ni Tita

"Ahmm sige po tita! Punta na po ako dyan!" Sabi ko at inend na yung call.

"Ahmmm... Sorry shanty ha, kailangan ko na umuwi, may darating kasi na mga bisita eh may kasamang bisita, sor---" pagpapaalam ko kay shanty

"No no. Okay lang Tienna. I understand. May pupuntahan din kasi kami ni mama't papa." Sabi ni shanty

"Ahh okay... Thank you shantyyyy!" At bumaba na kami para makapagpaalam na ako kila tita.

"Bye po tito, tita.. Thank you po" sabi ko

"Nako walang anuman iha. Basta pag ano iiinvite ka lang namin, pwede ka namang bumisita dito anytime.." Sabi ni Tita

"Okay po sige po thanks po ulit" at lumabas na ako sa gate nila. Hinihintay ko yung grab para makauwi na ako. Ng biglang may lumabas na kotse sa bahay nila shanty.

"Beep! Beep!" At napalingon naman ako sa bumukas na bintana sa kotse...

Si kuya blaster?

"U-uhm, A-albertiene. Sumabay ka na sakin." Sabi niya.

"Ay nako k-kuya hindi na po mag-grab nalang ako..." Pagtanggi ko

"Hindi na. I-cancel mo na yan. Sumabay ka na." Sabi ni kuya blaster

"Ahm... Sige po." Pagpayag ko.

Sasakay na sana ako sa bandang likod at pinigilan niya ako. Sabi niya...

"Wag ka na dyan. Dito ka na sa tabi ko." Pagpigil niya.

At agad naman akong tumabi dun sa may driver's seat.

"Ituro mo nalang sakin ang bahay niyo." Sabi ni kuya blaster

"Ahmmm.. Sige po kuya.."

"Wag nang kuya. Ter nalang. Wag ka na din mag-po." Sabi niya.

"Okay k- ter." Sabi ko.

Tahimik lang yung biyahe namin ng bigla siyang ulit nagsalita...

"Sorry Albertiene"

"Hala.. Bat ka nagsosorry ter?" Pagtataka ko

"Y-yung kanina?" Sabi niya

"Ay. Okay lang yun. Kasalanan ko na--"

"Hindi. Kasalanan ko din yun. Hindi rin naman ako nakatingin sa dinadaanan ko eh. Tapos sinisi pa kita." Sabi niya.

"Ah okay..pero, wag mo na akong tawaging Albertiene. Tienna nalang" i said

"Ahh. Pero ang ganda kasi ng name mo. Alber--- ay este Tienna." He said

"Ahm thanks..." Sabi ko

Napansin kong parang kakaiba yung suot niya ngayon. Naka retro style. Tapos sa likod merong mga amplifier tapos electric guitar.

.....

Nakita ko na yung papasok sa may village namin. Kaya itinuro ko naman ito sakanya. Medyo nagulat yung itsura niya. Bakit kaya?

"Dito ka din pala." Sabi niya

"Ahm. Oo bakit?" Ako

"Dito rin ako pupunta eh. Sa village na to."

Tinuturo ko sakanya yung mga papaliko papunta sa bahay namin. Bat parang alam niya naman yung dito?

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon