Chapter 22

299 8 0
                                    

CHAPTER 22

Tienna's POV

Nakarating na ako dito sa airport at saka ko kinuha ang aking gamit.

Bago ako pumasok ay tumingin muna ako sa mga bituin. Napabuntong hininga nalang ako..

Pumasok na ako sa loob..

.....

Pumunta sa immigration...

Nang makarating na ang aming airplane, agad na akong sumakay at tumungo sa aking pwesto.

Hindi ko maiwasang umiyak. Nag-uulit ulit lang sa utak ko yung mga nangyari kanina.

Blaster's POV

Dumating na kami rito sa bahay nila unique. Agad ko namang tinawag si tienna..

"Tienna! Tienna!" Sabi ko habang umiiyak

Binuksan ni unique ang gate at pumasok kami para hagilapin si tienna.

"Ma! Nasan si tienna?!" Sabi ni unique

"Tita please, sabihin niyo na po kung nasan si tienna" sabi ni shanne at aimee

Hindi sumasagot si tita coco.

"Tita please let me explain, gusto ko pong makausap si tienna" pagmamakaawa ko kay tita coco..

Tila bigla siyang tumingin sa may pinagpaparkingan ng kotse ni tienna. Tumingin din kami..

Nakita kong wala na ang kanyang kotse...

Tila napaluhod ako at umiyak...

"Ma.. Please. Alam kong alam mo kung nasan si tienna. Makonsensya ka naman ma please" sabi ni unique

"Umalis na si tienna. Pumunta na sa new york. Dun na siya magtatrabaho..." Sabi ni tita

Ngayon lang ako umiyak ng ganto dahil sa isang babae. Tila nanghihina na ako sobra.

Iniwan mo ako tienna?

Akala ko ba walang iwanan?

Umakyat kami nina unique sa kwarto ni tienna upang matiyak nga na wala siya dun.

Pagka-akyat ko ay sumalubong sakin ang salamin na may makeup at nasa gilid nito ang bangle na puno ng charms at singsing...

Agad ko naman itong hinawakan...

Parang nagunaw yung mundo ko ng makita kong pati iyon ay iniwan niya..

May nakita akong note na katabi nito...

"I know that this goodbye might be painful but this is the end.

I hope you're happy with Crystal.

Goodbye Blaster, till we meet again...

-Albertiene"

No tienna! Don't say goodbye...

Linukot ko ito at inipit lang sa aking kamay.

Tinignan ko pa yung board na punong puno ng pictures namin...

Punit punit na din ito...

Bakit ganyan ka tienna? Iiwan mo din ako? Hindi ko kayang mawala ka sakin...

humahagulgol na ako habang si zild naman kinocomfort ako.

"Bakit mo ako iniwan!!!" Sabi ko at hinagis yung singsing..

"Ter tama na.." Sabi ni unique

"Tienna... Bakit mo ako nagawang iwanan?!" Sigaw ko habang humahagulgol padin..

"Tara na ter. Magpahinga ka na. Iuuwi ka na namin." Sabi ni zild at tumayo na ako.

Unique's POV

Umalis na si Tienna ng biglaan. Naawa na ako sobra kay ter. Lagi nalang siyang iniiwan ng walang paalam. Kasalanan ko to eh, ako nagpumilit kay blaster na uminom.

"Sige na badj, aimee. Si zild na bahala sainyo. Sasabay na kayo ni shanne at zild. Ako na maghahatid kay chy" sabi ko

"Di na wag mo na ako ihatid. Sasabay nalang ako sakanila. Try to communicate muna with tienna." Sabi ni chy at pumayag nalang ako.

"Ihatid niyo na si ter." Sabi ko habang si zild ay inaakay na si blaster.

Umalis na sila at nagusap na kami ni mama.

"Ma, bakit mo naman hinayaan na umalis si tienna? Ano? Tinuloy niya yung offer sakanya sa new york?" Sabi ko at tumango si mama.

"Ano bang nangyare nak? Hindi niya sinabi sakin ang dahilan. Basta ang sabi niya lang si blaster daw.." Sabi ni mama

"Kasi ma, Inaya namin siya uminom tapos napadami yung inom. Sabi niya bat daw wala siyang girlfriend, Eh parating palang nun si tienna. Tapos biglang may humalik sakanyang babae... Si crystal pala. Yung ex girlfriend niya na nangiwan sakanya" pagpapaliwanag ko kay mama

"Walang kasalanan si blaster. Nak, im sorry. Hinayaan kong umalis si tienna ng basta basta.." Sabi sakin ni mama

"Basta ma, ang mahalaga ay magkaron tayo ng communication sakanya.." Sabi ko

"Yun na nga ang problema nak. Hindi ko siya matawagan. Minsan binababa niya o minsan hindi niya sinasagot. Nak, sa tingin ko kailangan niya muna makapag-isip isip. Alam kong nasaktan din sobra si tienna" sabi ni mama at napabuntong hininga nalang ako.

3rd Person's POV

Nakarating na si ter, zild at shanne sa bahay nina tito allan. Nahatid na nila sila chy, badj at aimee.

"Oh nak anong nangyari?" Pagaalala ni tita marites kay blaster.

"Zild, ano nangyari?" Tanong ni tito allan kay zild.

"Uhm tito, tita. Siguro po mas maganda kung si blaster na lang magsabi sainyo. Sa ngayon po, hayaan niyo po muna siyang magpahinga." Sabi ni zild

"Oh sige zild. Maraming salamat sa paghatid kay blaster ha?" Sabi nila tito allan at tita maritess kay zild at tumango nalang si zild.

Umalis na si zild at shanne at umuwi na.

.....

Si tienna, ay nakarating na sa new york. Nag check-in nalang siya sa isang hotel. Hindi niya mapigilang umiyak sa bawat oras na naaalala niya si blaster.

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon