Chapter 13

480 11 2
                                    

CHAPTER 13

//Kinabukasan//

"Kriingg! Kriingg!"

Nagising naman ako sa aking alarm. 7:00 na. Kailangan ko ng bumangon at mag-ayos.

Naglagay ako ng liptint, powder at konting eyeshadow sa mata & syempre contact lens.

Hehe syempre inspired si ate niyong girl kaya nagaayos siya di tulad ng dati bwahaha.

Ang ganda ko...

Pag naiinlove..

Charot hahaha!

"Nak! Baba ka na! Nakahanda na ang almusal!" Sigaw ni tita coco mula sa baba.

"Opo tita! Bababa na!" Bumaba na ako at kinuha ko narin ang bag ko.

Pagkababa ko..

Blaster?

"Tienna napakatagal mong kumilos." Reklamo sakin ng pinsan ko. Tinarayan ko nalang siya ng mata at bumaling sa kanyang katabi.

"Hi Love!" Bati sakin ni blaster.

Hinawakan ko nalang ang ulo niya at ginulo ang buhok.

"Bat ka nandito? Hindi mo man lang sinama sina shanty, eh sinong maghahatid dun?" Tanong ko sakanya.

"Ayaw mo? Si dad na daw maghahatid sakanila. Ihahatid na nga kita eh para sabay na tayo." At nagpout siya. Hay nako. Cuteeee.

"Psh. Arte mo" sabi ko sakanya

Tapos na kaming kumain, nagpaalam na kami kila tita at sasakay na sana ako sa kotse ni blaster pero bigla niya itong binuksan. Isa to sa mga nagustuhan ko sakanya. First impression ko sakanya, loko loko, masungit, mayabang. Pero nagkamali ako. Kabaliktaran lahat ng expected kong ugali niya. Gentleman, caring, sweet, humble, loving.

Nagdrive na siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito, habang ang isang kamay niya naman ay nasa manibela. Tumitingin siya sakin.

"Focus on your driving Mr. Silonga." Sabi ko

"Opo mam, ganda mo po kas--- teka? Bat ka nakamakeup? Ngayon lang kita nakitang ganyan na papunta sa school ha? Wag ka magpaganda, masyadong nakakaakit eh, dapat ako lang titingin sa kagandahan mo. Pero di mo na kaylangan magmakeup, maganda ka na." Seryoso niyang sabi.

"Hahahaha! Nang bola na nga nakuha pang magselos!" At kinurot ko ang kanyang pisngi. Hihi siopao na siya! Este kami.

"Aray koooo!" Angal niya.

Tumawa ako at nandito na nga kami sa school. Bumaba na ako ng kotse at naghiwalay na kami ng room kasi hindi naman kami magkaklase. Ahead siya sakin ng 2 years.

Pumasok na ako sa klase at umupo na sa chair katabi si shanty.

"Shanty!" Tawag ko sakanya

"Tienna ano yan? Hahaha nakamakeup ka? Porket kayo na ni ku--" sabi niya

"Shhh! Baka may ibang makarinig sayo!" Pagputol ko sakanya. May mga kaklase kasi akong mga chismosa na hindi ko ininvite sa party ko. Eh hindi pa nila alam yung tungkol samin kay ter except lang sa mga nakapunta.

Nagstart na ang klase namin. Ngayon last day ng classes kasi syempre magpapasko and new year, pero after nun, back to school ulit tsk.

"Tienna, san ka ba magpapasko?" Tanong sakin ni shanty.

"Hmm... Di ko pa alam eh, kasi kawawa naman sila tita coco kapag hindi ako nagpasko sakanila." Sabi ko

"Hmm... Mas maganda siguro kung sama sama tayo lahat. Ahm may naisip sana akong idea kaso baka hindi gusto nina tita and syempre ng iba." Pagaalangan niya

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon