Chapter 25

360 11 2
                                    

CHAPTER 25

Tienna's POV

Nakarating na kami dito sa coffee shop.

Visual:

It really looks special

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It really looks special. Kaming dalawa lang with good music.

Nagbihis nalang ako ng medyo matino naman kahit papano.

Visual:

Pinaupo ako ni kev at umupo na din siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinaupo ako ni kev at umupo na din siya.

Nag-order na siya at naghihintay nalang kami na dumating yung order namin.

"Tienna" sabi niya

"Yes kev?" Sabi ko at kumunot ang noo.

"Can we dance?" Pag-tatanong niya. Tila naalala ko yung date night namin ni blaster noon, sinayaw niya din ako.

"Y-yeah, sure." Sabi ko at nginitian ko naman siya.

"Tienna.."

"Hmm?"

"Tienna, i do really like you. Everytime na kasama kita, masaya ako. Pero di ko alam sayo, kasi everytime din naman na magkasama tayo, lagi mo nalang binabanggit si blaster." Sabi niya

"K-kev?" sabi ko

"Now, i realize that napakaswerte ni blaster. Hindi ka niya dapat sinaktan. You deserve to be loved. Pero lumipas ang isang taon, mahal mo padin pala siya. Akala ko natulungan kita para mag-move on pero hindi pala. Feeling ko mas bumigat lang yung nararamdaman mo. Thank you tienna for the friendship. Treasure yun para sakin. Basta nandito lang ako." Sabi niya

"Thank you din kev. I'm sorry because hindi ko kayang suklian ka ng pagmamahal na binigay mo sakin. Hindi mo pinabigat yung nararamdaman ko. Kasi after ng nangyari, ikaw lang yung napagsabihan ko agad ng mga sakit na nararamdaman ko. Sorry kev, alam kong hindi lang saakin iikot ang mundo mo. Marami pang babae dyan oh, and i think i don't deserve your love. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita habang patuloy mo lang akong minamahal. Ayokong umasa ka sakin dahil ayokong masaktan ka. But look, i know that right now, nasasaktan kita dahil sa sinasabi ko. I'm sorry kev."

"You don't need to say sorry tienna. It's my fault." Sabi niya at yinakap namin ang isa't-isa.

......

Nakarating na ako sa bahay at pinapark ko nalang tong kotse ko.

Hayyy, luha tama na please. Bakit ayaw mo pading tumigil..

Matapos kong ipark yung kotse ko ay papasok na ako sa bahay namin.

Pinunasan ko ang aking luha at

Binuksan ko ang pinto..


At bumungad sakin sina unique, zild, badjao...



At blaster...

Nang makapasok ako ay parang biglang nanigas yung buong katawan ko at nanikip naman ang dibdib ko...

I missed his long hair, his face, the mysterious eyes of him, the childish, sweet, caring, and loving blaster.

Bigla nanaman tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita ko na siya o malulungkot ako dahil maalala ko nanaman yung past...

Napatayo si blaster at sinabing..

"Tienna.."

"Tienna, i'm sorry kasi akala ko mamaya ka pa uuw--" hindi ko na pinatapos si unique at agad na akong umakyat sa kwarto ko.

Blaster's POV

Matagal na ang panahon na lumipas ngunit wala pa din, ganun padin ako. Mahal ko padin siya. Namimiss ko na siya sobra.

Nandito kami ngayon at nagjajamming nina unique sa sala nila.

"Ter! Focus na please" sabi ni zild at nawala naman yung pagkalutang ko.

At biglang may pumasok sa pinto...

"Tienna.." Sabi ko at biglang tumulo ang luha ko ng makita siya.

Nakita ko na din ang babaeng gustong gusto ko na makita matapos ang 1 taon.

Walang nagbago sakanya. Ganon padin siya kaganda. Ganon parin siya kung umasta. At ganon parin yung pagmamahal ko sakanya.

"Tienna, i'm sorry kasi akala ko mamaya ka pa uuw--" sabi ni unique ngunit bigla nalang umakyat sa kwarto si tienna.

Agad ko naman itong hinabol.

"Tienna? Mag-usap tayo please.. Tienna, please.. Mahal pa din kita" sabi ko ngunit isinara niya na ang pinto.

"Unique.. Bakit hindi mo sinabi?" Sabi ko habang humahagulgol.

"Pasensya na ter..." Sabi ni unique

"Bakit hindi mo sinabing nandito na pala si tienna?!" Sigaw ko at umalis na ako sa bahay nila at tuluyang umuwi.

"Ter.." Sabi ni zild

"Blaster" sabi ni badjao ngunit umalis na ako.

Tienna's POV

"Blaster..." Sabi ko sa sarili ko habang nagmumukmok dito sa kwarto.

"Bakit ansakit sakit padin.."

"Bakit tuwing makikita kita, maalala ko yung nakaraan.."

"Bakit kumikirot parin yung puso ko hanggang ngayon.."

"Tienna.." May kumatok, nabosesan ko naman ito at alam kong si unique.

"Unique, just please leave me alone!" Sabi ko

"Bling.." At tinignan ko naman yung phone ko kung sino nagtext...

Si Blaster...

"Albertiene, ngayong nakauwi ka na, hindi ko hahayaang hindi tayo makapag-usap. Tienna, i just want you to know that i still love you. I really really love you and hindi ko makakayanang gawin yung nangyari dati. Hindi ko hahayaang mawala sakin yung babaeng minahal ko ng lubusan. Mahal na mahal padin kita tienna. Tell me, ano pa bang dapat kong gawin para mapatunayan kong mahal parin kita? Lumipas ang isang taon ngunit mahal pa rin kita. Gusto kong mag-usap tayo bukas. Let me explain. Vintage coffee shop at 5 PM."

Hindi ko na ito rineplayan.

Ako rin naman blaster eh

Mahal pa rin naman kita..

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon