Chapter 23

322 7 0
                                    

CHAPTER 23

Blaster's POV

//kinabukasan//

"Tienna.. Please wag mo akong iiwan.. Tienna.."

At bigla akong nagising mula sa aking mga panaginip ng may luha sa aking mga mata. Ang sakit ng ulo ko mula sa pagkalasing ko kagabi.

Tila napaginipan kong iniwan na talaga ako ni tienna. Hindi, hindi iyon panaginip. Isa iyong bangungot.

Di ko maiwasang umiyak ng maalala ko nanaman siya.

Tumayo na ako at bumangon mula saaking kama.

Naalala ko yung note na isinulat niya kagabi na katabi ng singsing at bracelet.

naiwan ko to sa aking bulsa at ng nakita ko ito ay agad kong binuklat.

"I know that this goodbye might be painful but this is the end.

I hope you're happy with Crystal.

Goodbye Blaster, till we meet again...

-Albertiene"

3rd Person's POV

Ng mabasa muli ni blaster ang note ni tienna ay humagulgol nanaman siya. Sumandal siya dulo ng pader at napaupo habang umiiyak.

"Bakit ba ako nagpakalasing?!"

"Bakit ba hinayaan ko siyang mawala saakin?!"

Sabi ni blaster sa kanyang sarili habang inuuntog ang ulo niya sa pader.

Blaster's POV

"Nak? Pwede ba akong pumasok diyan sa kwarto mo? Kausapin mo kami ng papa mo" at narinig kong biglang kumatok si mama sa pinto ng kwarto ko.

Binuksan ni mama ang pinto.

"Nak! Ano bang ginagawa mo? Wag mong gagawin yan" sabi ni mama sabay takbo sakin ng makita niyang inuuntog ko ang ulo ko.

Niyakap ako ni mama at tinanong ako "nak? Ano bang nangyare? Kagabi pa kami nag-aalala sayo" sabi ni mama

"I-iniwan na ako ni tienna...kasalanan ko ma" sabi ko habang umiiyak.

"Nagkayayaan kaming uminom kagabi nina zild. Tapos biglang may humalik sakin sa foodpark. Si crystal. Then biglang dumating si tienna, akala niya niloloko ko siya" pagpapaliwanag ko kay mama

"Walang hiyang crystal na yan! Napakadesperada talaga! Iniwan iwan ka tapos babalikan ka na parang walang nangyari?!" Sabi ni mama na galit.

"S-si tienna ma.. P-pumunta na siyang new york.." Sabi ko habang umiiyak parin

Niyakap ako ni mama't papa.

"Wag kang mag-alala nak. Itatry naming makausap si tienna" sabi ni papa

Tienna's POV

Araw araw, gabi gabi. Lagi akong umiiyak.. Bakit ba hindi kita makalimutan ter? Pinipilit ko yung sarili ko upang makalimutan ka, pero mas lalo yata akong nahihirapan kung malayo ako sayo, kung malayo ako sa mga minamahal ko.

Tinignan ko ang aking wallpaper at yun padin, yung picture naming dalawa.

Umupo ako at isinandal ang aking ulo sa aking tuhod. Nang biglang may nag-text sa aking phone..

"From Love.." Hindi ko mapalitan yung nickname niya, eh totoo naman diba? Siya padin ang mahal ko?

Agad ko namang binuksan ang text message at sabi niya..

"Never say goodbye because saying goodbye means going away and going away means forgetting..."

Tila nabasa niya ata yung note na iniwan ko para sakanya.

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon