Chapter 14

496 15 0
                                    

CHAPTER 14

Tienna's POV

Nanuod lang kami ng tv ni ter habang kumakain ng chocolates... Linipat ko yung channel, napunta sa net25..

"Oh diba kayo yan love?" Sabi ko

"Oh yes, pogi ng boyfriend mo dyan oh" sabi niya, wow.

"Oo nalang" sabi ko sakanya

.....

"Limutin na ang mundo.."

"Ng magkasama tayo.. "

"Sunod sa bawat galaw.."

"Hindi na maliligaw"

Yan yung mga lines niya sa mundo... Pinapanood namin sa net25

"I love your voice darling" sabi ko sakanya

"Thank you" at sumandal siya sa balikat ko habang hinihimas ko yung buhok niya

"Ang haba na ng buhok mo" sabi ko sakanya

"Kasing haba yan ng pagmamahal ko sayo" sabi niya. Nako puro kalokohan tsk tsk!

"Ano ba? Hahaha" sabi ko. Tama na ter, di na nakakatuwa. Nakakakilig na hahaha

"Bakit? Kinikilig na po ba misis ko? Pano yan? Masanay ka na, habang buhay kita pakikiligin" sabi niya at mas lalong namula yung pisngi ko. Ano ba silonga! Ang lakas ng tama mo.. Sakin.

"Psh. Kung di lang kita mahal" yun nalang ang nasabi ko hahaha

At mas lalo siyang sumandal sakin at yumakap na rin.

"Love nakapagcheck-in na nga pala sina mama sa resort. I'm sure magiging masaya pasko and new year ko kasi kasama kita." Sabi niya

"Oh yun naman pala. 13 lang naman tayong lahat diba?" Sabi ko

"Yes" sagot niya

"Kailan tayo pupunta dun?" Tanong ko

"I think sa december 23?" Sabi niya

"Oh edi bukas na"

"Weh? 23 na pala bukas? Hehe" sabi niya. Hahaha di siya updated kung anong araw na.

"Tok tok..." At narinig kong may kumatok sa pinto.

"Oh unique?" Sabi ni ter

"Baka gusto mo nang mag-ayos tienna. Diba may dinner pa tayo?" Sabi ni unique

"Ay oo nga pala." Sabi ko at tumayo na

"Ter, Labas ka muna mag-aayos pa ako." Sabi ko

"Bat kailangan ko pa lumabas?" Sabi niya

"Hoy hoy hoy! Umayos ka nga blaster! Lumabas ka muna!" Sabi ni unique at sumunod nalang si blaster haha

Ng makalabas sila ay nagbihis na ako at nag-ayos..

After kong mag-ayos ay agad na akong bumaba sa sala. Nakita kong nandun na si chy..

"Oh tara na?" Sabi ko at sumakay na kaming apat sa kotse ni ter.

Si chy at unique ay nasa likod at kami naman ni blaster ang magkatabi habang siya ay nagdadrive..

"San sila shanne?" Tanong ko

"Dun na daw sila makikipagkita sa restau. Magkakasama na sila nina aimee, zild at jao." Sabi ni unique

"Ah okay" sabi ko

Ilang sandali ay nakarating na kami dito sa restaurant. Nakita ko na sila shanne at nagbesobeso kami.

Magkakatabi kaming mga babae at magkakatabi din naman sa harap namin sila ter.

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon