Chapter 17

368 13 0
                                    

CHAPTER 17

//Fast Forward- A year later//

Tienna's POV

Ilang years na kami ni blaster. Siguro.. Almost 5 years? Hindi ako sure ha. Pero hindi naman kasi namin talaga yun binibilang. Eto masaya padin kami... Wala namang nagbabago. Ganun padin siya, napaka-sweet and caring. Alam padin naman namin yung priorities namin. Sinasama niya din ako lagi sa gigs. Tapos na kami sa pag-aaral. Nagtatrabaho na din ako.

"Kringgg.. Kringgg!"

Binuksan ko ang phone ko para makita kung sino ba ang tumatawag.

"Love is calling..." Ah si blaster.

"Yes love?"

"Love i miss you.." Sabi niya na parang matamlay ang boses.

"Love? Bakit ganyan boses mo? Masama ba pakiramdam mo?"

"Umm.. Yes love.. Pwede ka bang pumunta dito? Ako lang mag-isa. Wala sina shanty umalis kasi sinama nina mama't papa sa province." Sabi niya at tinignan ko ang oras. 5:38 pm na pala.

"Okay. Sure, i'll go then wait for me" sabi ko at kinuha yung susi ng sasakyan ko, nagdrive na papunta sa bahay nina blaster.

Nasa biyahe ako habang napag-isipan kong dumaan muna sa botika para bumili ng gamot. Dumaan nadin ako sa jollibee para bumili ng meal at sa savemore para bumili ng fresh na fruits.

Ng makabili ako ay sumakay na agad ako sa kotse ko at saka nagdrive papunta sa bahay nila.

....

Nakarating na ako sa bahay nila blaster, pumasok na sa gate at agad na umakyat sa kwarto niya.

Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ay bumungad sakin ang matamlay na blaster habang natutulog.

Umupo ako sa kama niya at hinawakan ang kanyang noo. Mainit nga...

Agad naman akong pumunta sa cr para kumuha ng palanggana at bimpo para mapunasan.

Habang pinupunasan ko siya ay kinuha ko na din yung thermometer para tignan kung gano kataas yung lagnat niya.

"Shocks. Antaas ng lagnat mo.." Sabi ko, bigla naman siyang nagising...

"Ay.. Sorry nagising kita love.." Sabi ko, tumayo siya at bigla niya nalang akong yinakap.

"Kumain ka muna" sabi ko at inabot sakanya yung meal ng jollibee

"W-wala kang food?" Sabi niya

"No its okay. Kumain na ako sa bahay." Sabi ko at kinuha niya na yung food. Nanginginig siya

"Ako na" sabi ko at sinubuan siya. Hayy ayokong nakikita kang ganyan ter..

"Thank you Tienna." Sabi niya at nginitian ko siya

After niyang kainin yung food na inorder ko from jollibee, kinuha ko na yung apple, grapes at pineapple na binili ko.

"Hala.." Sabi niya at nagpout

"You need to eat fruits blaster. An apple a day, keeps the doctor away. Eat well. I don't want to see you again na may sakit." Seryoso kong sabi habang naghihiwa ng mga fruits

"Hehe sige na nga po. Mahal kita eh. Love you mrs. Silonga, thank you for taking care of me." Sabi niya

"Love you too silonga.." At nginitian ko siya, agad konamang binigay sakanya ang prutas na hiniwa ko kanina.

.....

Naubos niya na ang prutas na binigay ko sakanya. Pinainom ko na siya ng gamot. Eto ako ngayon, nanunuod ng tv habang nakaupo sa sofa ng kwarto niya habang siya rin naman ay nakasandal sa headboard ng kama niya at nanunuood din.

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon