Chapter 1

1K 17 2
                                    

CHAPTER 1

Tienna's POV

Ayan, malapit nanaman ang pasukan. Amboring dito sa bahay. Hindi naman ako sinasama ni Unique kapag may gig sila. Hay nako. Wala akong magawa dito sa bahay. Grabe no? Pinsan niya nga ako pero hindi niya talaga ako pinapasama sa gig nila.

"Tienna! Gising na! Kumain na tayo dun sa baba! Naka-handa na ang pananghalian!" Sigaw ni Tita Coco.

Hala. late nanaman ako nagising...

"Opo Tita! Bababa na po! Sandali lang!" Sambit ko kay Tita Coco.

Pumunta naman ako agad sa cr ko sa kwarto at nag-toothbrush, at inayos narin ang sarili.

Nang bumaba na ako para pumunta sa hapagkainan, nakita ko si Tita at si Unique na kumakain na at hinihintay ako...

"Aga mo magising ah!" Biglang sabi saakin ni Unique.

Hindi ko nalang siya pinansin, at saka inirapan, sumandok nalang ako ng kanin at kumain na.

//Fast Forward//

So ayun na nga, nagstart na ulit ang pasukan, July na at hindi ko pala nasabi, nag-aaral ako ngayon sa BCI Marikina. Medyo marami naman akong kaibigan sa school pero si Ashanti lang yung lagi ko talagang kasama saka kaclose. Pero ako lang kaibigan niya. Kasi mahiyain naman siya sobra. Actually, mas bata siya sakin kasi nagjump daw siya nung Grade 1 siya kaya ayun, Kasalukuyan nga pala kaming nasa Senior HS. ABM yung Strand namin.

"Tienna."

"Paturo naman ako sa Math, Algebra.."

"Hay nako Ashanti Mitchell Silonga! Hindi ka talaga nakikinig kay Sir!"

"Nakikinig kaya ako! Si sir lang naman talaga tong magulo magturo!"

Agad ko naman siyang inirapan at sinabing "hayyy! Sige na nga!"
At agad naman itong ngumiti saakin..

Maya maya, tapos na ang klase. Agad na kaming nagsi-uwian at bigla naman akong tinanong ni ashanti.

"Tienna, pwede ka bang pumunta sa house namin?"

"Huh? Bakit naman?" Pabalik kong tanong.

"Kasi gusto ka daw makita at makilala nila mama, ikaw lang naman daw kasi friend ko dito. Okay lang ba?"

"Ah eh.. Hindi ko alam kung saan bahay niyo?"

"Edi sumabay ka nalang sakin pauwi!"

At pumayag naman ako kay shanty... Nag-text nalang ako kay Tita na baka late na ako makauwi dahil pupunta sa bahay nila shanty..

maya't-maya, nakarating na kami sa bahay nila shanty, kinakabahan ako hahaha. At agad ko naman siyang tinanong...

"Uy, nakakahiya. Nandyan ba sila lahat?"

"Uhmmm... Nandito sila lahat except lang kay kuya blaster. May gig kasi."

"Ahh okay"

Nabanggit ko lang din kasi kay shanty na yung pinsan kong si Unique, nagbabanda. Tapos sabi niya same daw sa kuya niya...

Ng makapasok na kami sa bahay ni shanty, nandun ang parents niya at kapatid. Kilala ko yung mga kapatid niya kasi sa BCI din nagaaral. Mas matanda saakin ng isang taon si kuya dave. At pinakabata sakanila, si Alleinah.

Bigla naman akong nilapitan ni Alleinah..

"Ay! Si ate Tienna! Hello ate Tienna!"

At agad ko namang yinakap si Alleinah.

At sumalubong din naman sakin si Tita Maritess at Tito A. Nakipagbeso beso saakin.

"Oh Hello...nice to meet you iha.."
Sabi ni Tita Maritess

"Nice to meet you din po, Tienna nalang po.. Hehe."- Sabi ko

"Oh sige na Tienna, kumain na kayo dun ni shanty at may hinanda ako sainyo."- Tita Maritess

"Ay sige po salamat po.." Sambit ko

Kumakain na kami ni shanty at nakikisalo din sila tita at tito habang si alleinah naman at kuya dave ay nasa sala lang.. Tapos na daw sila kumain...

Maya't-maya, napapansin kong panay ang tingin sakin ni kuya dave habang kumakain. Tila may gusto bang ipahiwatig na hindi ko maintindihan.

Hindi ko nalang pinansin yun at pinagpatuloy ang pagkain...

Ng matapos na kami kumain, agad ma akong nagpaalam kila shanty at uuwi na.. Sabi nila ihahatid nalang daw ako ni shanty at ni kuya dave pero sabi ko wag na.. At sabi ni shanty..

"Sige, hindi ka na namin ihahatid? Tignan ko lang kung alam mo yung daan pauwi."

At agad ko namang naalala yun na hindi ko pala alam ang lugar dito. Kaya pumayag na ako. Si Dave ang nagdadrive at magkatabi kami ni ashanti sa passenger seat.

Ng makauwi na ako, nagpasalamat ako kay shanty at kay kuya dave.

"Nako wala yun Tienna! Sige bye na!" At bigla namang nakipagbeso beso sakin si shanty.

"Haha w-wala y-yun tien-na." Napansin kong tila parang kabadong kabado ito kung magsalita. Ngunit, di ko nalang ito pinansin at pumasok na sa bahay..

Nagpapahinga na ako at nagrereview nalang para sa nalalapit na exam.

Biglang may kumatok at inuiluwa naman ng pinto si Unique...

"Oh! Bat ganyan suot mo?! Hi Tita!"
Sabi ko. Pano ba naman kasi! Nakasuot ng pang 70s or 90s hahaha! Mukhang tita.

"Grabe ka naman maka-tita."- Unique

"Eh bat nga ganyan kasi suot mo?"
Sabi ko.

"Malamang pupunta ako sa gig."- Unique

"Hah? Seryoso ka ba magpeperform kayo dun ganyan suot mo?" Sabi ko

"Baliw! Ganito kasi kami magstyle. Ganon yung parang ano namin sa banda, Retro Style."- Unique

"Ahh okay, oh bat ka nga pala pumasok dito?"- ako

"Wala ipapakita ko lang" at bigla nang lumabas si unique. Kahit kailan talaga! Istorbo eh! Magpapabibo lang naman.

Ahh, nga pala. Matagal na siyang nagbabanda pero hindi ko alam na ganyan pala style nila. Kasi nakikita ko siya minsan papunta siya sa gig tapos naka pang-alis lang siya ng normal. Yun pala, dun siya mismo nagbibihis pagdating niya dun. Wala akong update gano sa buhay niya. Wala kaming pakialam sa isa't-isa. Ni-hindi ko nga alam mga kanta nila eh at di ko din kilala ka-band mates niya.

Tahanan at Mundo | Blaster SilongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon