JANUARY 2, 2018
Sana pala di na lang kita nakilala
Bat nga ba kasi pinag tagpo pa tayo ni tadhana
Ayan tuloy ako'y nasaktan
Sa di inaasahang pagkakataon
Dapat nung una palang
Akin na itong itinigil
Ngunit di ko ginawa
Sa pag-aakalang pareho tayo ng nararamdaman
Sa isa't isa ngunit ako'y mali na naman
Bat ba kasi ang sweet mo sa akin
Ayan tuloy ako'y nahulog ng walang sumalo
Akala ko ako yung nagpapatibok
Sa iyong puso ngunit mali na naman
Sana di ka na lang dumating sa buhay ko
Nang sa ganon di ako nasasaktan
Minsan na nga lang mag mahal
Nabigo pa
Sinubukan ko namang maglibang sa iba
Ngunit di ko magawa
Sadyang ikaw lang talaga
Ang tanging tinitibok ng aking puso
Gusto ko na lang mawala ng parang bula
Nang sa ganon di na ako mahirapan at masaktan
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Puso ko'y na wasak
Sa di inaasahang pangyayari
Puso ko'y iyong winasak
Ng walang pag-aalinlangan
Nahulog ng walang sumalo
Wala ba akong karapatang mag-mahal at mahalin
Lagi na lang ba akong sawi sa pag-ibig
Hanggang na-bu-buhay pa'ko
Mananatili pa rin ang sakit
Na iyong dulot
Sa pang-habang-buhay akong magiging sawi
Ng dahil sa dulot mo