FEBRUARY 07,2018
Kailan ba magsasawa
Paulit ulit na lang
Nasasaktan ang iyong puso
Diba napapagod kaka-hintay
Sa taong walang kasiguraduhan
Kung babalik pa ba
Malay mo may iba na
Pinagpalit ka na
Nang dimo namamalayan
Pero naniniwala ka paring
Di ka nya kayang ipagpalit
Na mahal ka nya
At di magagawang saktan ang iyong puso
Ang iyong ngiti ay abot langit
Nang siya'y makita
Ngunit biglang nawala
Nang marinig mo ang kanyang sinabi
Na syang nag-paguho sa iyong mundo
Tila ba nasa masamang bangungot
Muntik mo na syang isumpa
Ikaw ay nagbago
Lagi kang nagkukulong
Walang ganang kumain
Tinanong mo sa Maykapal
Kung bakit winasak ang iyong walang kamalay-malay na puso
Bakit naging malungkot ang iyong buhay
Nang maalalang may rason ang lahat
Ikaw ay nagpakatatag
Itinuloy ang iyong buhay
Na may ngiti sa labi
Dumating ang syang nararapat sayo
Tinanggal nya ang galit sayong puso
Pinatunayang ikaw ay mahalaga
Na may nagmamahal sayo ng tunay
