(JANUARY 15, 2018)
Oo mahal ko sya
Pero noon yon
Iba noon, iba ngayonNgayon ikaw na
Ikaw na ang nag-papatibok
Ng puso ko
Ikaw na ang nagpapasaya
Ng buhay ko
Ikaw na ang rason kung
Bakit gumigising ako
Ikaw na ang mahal koHindi kita lolokohin
Katulad ng ginawa ko sa kanya
Iba sya, iba ka
Magkaiba kayoSya ang una
Pero ikaw ang huli
Kahit anong mangyari
Ikaw at ikaw parin ang
Pipiliin ko sa bandang huliNakaraan na lamang sya
Hindi ko na sya sasaktan
Tama na ang isang pagkakamali
Sapat na iyon para matuto akoBumalik man sya
Ikaw parin ang pipiliin ng puso ko
Dahil ikaw na ang mahal ko
Mali, ikaw lang ang minahal koIniidolo ko lang sya
Na akala ko pagmamahal
Ang tawag dun
Syang dahilan kung bakit nangyari yunWag kang mag-alala
Di kita sasaktan
Tulad ng ginawa ko sa kanya
Dahil mahal na mahal na mahal kitaNagbago na ako
Natuto na ako
Sa mga pagkakamaling nagawa ko
Sa mga pagsisinungaling koHindi na ako yung dati
Na ginagawang biro ang lahat
Ngayon seryoso na ako
Seryoso na ako sayoNang dahil sayo
Nang dahil sa pagmamahal mo
Nagbago ako
Natuto akong mag-seryosoSalamat sa iyo
Kasi ikaw lang
Ang nakapagpabago sakin
Sayo ko naranasan mag mahal ng seryoso