KALAYAAN

19 0 0
                                    

KALAYAAN 9-17-18

Naiinggit ako sa mga kaibigan ko
Bakit? Kasi sila kaya nilang ipagsigawan yung taong mahal nila
Yung tipong hindi pagsasabihan ng mga magulang na,
"Anak mag-aral ka muna bago ka mag-boyfriend"
Kasi ako bawal, bawal akong mag-boyfriend
Miski nga magkaroon ng crush, idol bawal
Masyadong istrikto yung mga magulang ko pagdating sa ganoong mga bagay
Sa sobrang istrikto nila school-bahay ako lagi
Ni hindi nila ako pinapayagang bumili sa tindahan kahit malapit lang naman
Kailangan kasama ko pa si kuya
May mga panahon na gusto ko silang tanungin ng,
"Anak nyo ba talaga ako? Kung anak nyo ako bakit kailangan nyo akong tratuhing parang isang preso?"
Hindi ko kasi kayo maintindihan, masyado na kayong nakakasakal
Bakit ba ayaw nyo akong magdesisyon para sa sarili ko? 
Hindi na ako bata na kailangang bantayan palagi
Nasa tamang pag-iisip na po ako
Kaya nakikiusap po akong bigyan nyo ako ng kalayaan
Kalayaang magdesisyon para sa sarili ko
Kasi pati sa pagkain istrikto kayo
Na kahit yung mga turo-turo ay bawal
Gusto ko lang naman na huwag kayong masyadong mahigpit
Dahil konting konti na lang talaga at maglalayas na ako sa puder nyo
Tsaka kung tratuhin niyo ako parang hindi nyo ako anak kundi isang preso na kasama nyo sa bahay
Ni minsan hindi nyo ako nagawang masabihan ng, "anak mahal ka namin"  "anak mag-iingat ka"
O ni maparamdam man lang kahit sa simpleng yakap
Pero hindi! Hindi! Hindi nyo ginawa! Wala kayong ginawa!
Kakausapin nyo lang ako kapag tungkol sa school tulad ng,
"Kamusta ang grades mo?" ,  sa loob-loob ko *buti pa yung grades ko kinakamusta nila, ako kaya kailan nila kakamustahin?* *kailan kaya sila magkakaroon ng pake sa akin?* *kailan nila ipaparamdam na mahal nila ako?* *kailan nila ipaparamdam na mahalaga ako kasi anak nila ako?* *kailan nila maalala na may anak silang kailangan ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang?*
Noong elementary ako tuwing family day malungkot ako
Dahil ako lang ang bukod tanging walang kasamang magulang sa klasrum namin
Yung mga magulang ko kasi nasa trabaho, puro nlang sila trabaho
Parang yung pera ang kanilang anak at ako ang hindi
Oo nga at natatanggap ko ang mga bagay na gustong makamit ng ibang bata
Pero hindi luho ang nakakapagpasaya sa akin kundi ang kalinga at pagmamahal ng aking mga magulang
Noong graduation naman namin nangako silang pupunta sila
Sobrang saya ko nun kasi sa wakas aakyat ako ng stage kasama sila
Yung ngiti ko sobrang lawak halos umabot na nga sa langit e
Pero alam nyo? Yung ngiti kong yon biglang napalitan ng mga libo-libong luha
Dahil hindi sila pumunta! Hindi nila tinupad yung pangako nila! 
Kaya ngayon gusto ko ng humiwalay
Gusto ko ng bumukod kasi habang tumatagal lalo akong nasasaktan
At habang tumatagal lumalaki yung sugat dito sa puso ko
Nalulungkot ako para sa sarili ko
Kasi hindi ko man lang naranasan yung mga ginagawa ng mga normal na studyante
Kaya ngayon pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para magkaroon ako ng kalayaan na matagal ko ng gustong makamit!

~09-17-18~

Poems For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon