Paalam

5 0 0
                                    

Patawad? Matatanggap ko sana
Kaso nga lang ilang beses mo ng inulit
Nagsasawa na ako sa kakulitan mo
Mahirap para sa akin na makita kang ganyan
Dahil isa ka lang naman sa mga taong naging mahalaga sa buhay ko
Sabi nga nila, "wag mong kunin ang isang bagay na kailaman ay hindi mo pag-aari"
Alam ko na ginamit mo lang ako para sa kanya
Pero tiniis ko parin para sa pagmamahal ko sayo
Pero habang tumatagal pa sakit ng pa sakit ang nararamdaman ko
Sa kaalamang hindi mo maibabalik sakin ang hinihingi ko
Nagsawa na ako kaya titigil na ako
Masyado ng malaki ang sugat na ginawa mo sa puso ko
Siguro nga hindi talaga tayo ang nakatadhana
Kaya aalis na ako at hindi ko na kayo guguluhin
Pero minsan ba minahal mo ako?
Wag mo ng sagutin baka masaktan lang ako lalo
Minsan ba pinahalagahan mo ako kahit bilang kaibigan man lang?
Sa huling pagkakataon nais kong sabihin na
Mahal na mahal kita, paalam.......

/7:51/pm/04-01-18/

Poems For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon