Sabi Nila Kapag

10 0 0
                                        

Sabi nila kapag may umalis
May biglang dadating
Pero bakit ganun
Simula ng umalis ka
Walang dumating na bago
Minsan nga naiisip ko nalang na
Baka na-traffic lang sa EDSA
O baka naman mas mabagal pa sya sa pagong
Kaya hanggang ngayon wala paring dumadating
O baka naman hindi pa ipinapanganak
O baka naman wala talagang dadating
At ang mas masaklap
Baka hindi ka na rin bumalik
Pero alam mo?
Kapag naiisip ko yung pinangako mo
Yung pangako mong magbabalik ka
Kaso labindalawang taon na
Ngunit hindi ka pa rin bumabalik
Siguro nga kinalimutan mo na ang pangako mo
Na babalikan mo ako
Kaya panahon na rin siguro
Upang ibaon ka sa limot
Paalam kung sino ka man

Poems For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon