Mula ng Dumating ka

17 0 0
                                    

Mula ng dumating ka
Buhay ko ay nagbago
Lagi na lang, araw araw na lang
Sawa na ako kaya pwede ba
Lubayan mo na ako pakiusap
Tigilan mo na ang pagpapansin
Dahil wala kang mapapala
Ano ba ang kailangan mo?
At masyadong kang papansin
Nang dahil sa dulot mo
Nagulo ang tahimik kong buhay
Sabihin na nating
Simula pa lamang ay agaw pansin na ako
Ngunit ito'y nagdagdagan ng panunukso
Nang dahil sayo nasira ang buhay ko
Ang kagaya mong papansin
Ay di dapat nabubuhay
Dahil paninira lang ang alam nyo
Dahil sa masyado kang papansin
Hindi na naging maayos ang buhay ko
Bakit nga ba ganoon ang trato mo sakin?
Na para bang isa akong mamahaling babasagin
Gano ba ako kahalaga sayo?
Ni kahit isang alikabok
Ayaw mong ipadapo sakin
Dati na ba tayong magkakilala?
Pero saking pagkakaalam
Ngayon lang tayo nagkita
Sino ka nga ba talaga misteryosong nilalang?

Poems For All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon