Chapter 5

16 2 0
                                    

Mahigpit kaming nakakapit ni Chris sa balahibo ng kwagong ito. Pa'no ba naman kasi, ang lakas ng hangin. Kapag bumitaw kami ay siguradong mahuhulog kami mula rito, ang taas pa naman ng lipad namin.

"San mo ba nakuha ang ibong 'to?" sigaw ni Christoff para marinig ko siya. Dahil nga malakas ang hangin ay hindi kami magkakarinigan kung hindi kami sisigaw.

"Galing 'to sa moon goddess," sigaw ko pabalik.

"Hindi mo ba siya kayang pababain muna?"

As soon as Chris shouted those words, nag-dive pababa ang owl and that made us tighten our grip sa mga balahibo niya. Nang medyo malapit na kami sa lupa ay binuka ng kwago ang mga pakpak niya at safe kami na nag-landing.

Nakababa na ako mula sa likod ng kwago pero parang naiwan yata ang kaluluwa ko dun sa ere.

"Huy, ayos ka lang?" nag-snap si Chris sa harap ko and that made me blink my eyes.

"I-I'm sorry. Nagulat lang," I took a deep breath bago ko hinarap ulit 'yung kwago. Nakatingin lang ito ng taimtim sa akin, "Can you shrink?"

Para namang na-gets ng kwagong 'yun ang sinabi ko at unti-unti siyang naging maliit ulit.

"Wow, ang galing naman niyan. Sana may ganyan din akong alaga," manghang-mangha si Chris habang pinagmamasdan ang kwago na lumilipad na ngayon sa ere.

"Mag-gagabi na, Chris. I think we need to find a place to stay," sabi ko. Pumatong sa kanang balikat ko ang kwago at pumikit, parang natutulog lang.

Tinignan namin ang paligid. Mga matataas na puno lang ang nakikita namin sa paligid.

"Dito na siguro tayo magpapalipas ng gabi," sabi niya at hinubad ang backpack na dala niya. Binaba ko na rin ang bag na dala ko at tinignan kung may dala ba akong mahihigaan. Nakita ko namang nagsisiksikan ang mga gamit ko sa loob.

"Si mama talaga," napangiti ako sa naisip ko. Hindi talaga marunong mag-impake ng mga gamit si mama. Linabas ko muna lahat ng gamit na nasa loob ng bag bago ko pinasok ang kamay ko dun. I focused my power and in an instant ay nagkaroon ng malaking space sa loob ng bag ko. Magkakasya na yata ang kama ko rito eh. Binalik ko sa loob ang mga gamit ko at itinira ang isang sleeping pad na manipis, para lang sa isang tao, at ang cloak ko, pang-kumot kasi maginaw.

"Good night, Mady," lumingon ako kay Chris na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakahiga. I smiled to him and bid him good night. Humiga na ako at natulog.

We still have a long way tomorrow.

*****

"Ayos na ba lahat?" tanong ko kay Chris habang liniligpit ang hinigaan namin.

"Yeah, I'm good," sinuot niya na ulit ang backpack, "Makakaabot siguro tayo sa portal this afternoon kung lilipad tayo."

Tinignan niya ang kwago na nakapatong sa balikat ko. Feel na feel ng kwagong 'to gawing patungan ang balikat ko ha.

"Natutulog pa eh. Ayaw ko namang gisingin. Baka napagod sa lipad niya kahapon," tinitigan ko ang natutulog na kwago sa balikat ko. Nocturnal animal ang owl kaya hindi siya natulog kagabi. Instead, nag-hunt lang siya ng makakain niya kaya siguro natutulog siya ngayon.

"Sige. Hanap na lang tayo ng ibang bayan. Kailangan nating kumain," sabi niya at nag-simula nang maglakad. Agad akong sumunod sa kanya.

Naglakad kami palabas ng gubat. Naka-abot kami sa isang maliit na bayan. May mga tindahan na maliliit. 'Yung tipong nagtitinda lang ng mga basic needs ng mga tao gaya ng mga gulay, prutas, isda, at mga simpleng damit.

"Bili na lang tayo ng mga prutas," sabi ko kay Chris. Sumang-ayon naman siya kaya agad kaming lumapit sa babaeng nanininda ng prutas. Pagkalapit namin ay agad na napatakip ako sa ilong ko. Pa'no ba naman kasi, ang mga prutas nila ay malapit nang malanta. Tinignan ko ang ibang paninda nila at pareho rin ang kondisyon nun sa mga prutas.

The Seven Sages (On-going)Where stories live. Discover now