Chapter 7

22 2 0
                                    

Gabi na at nandito pa rin kami ni Chris at ni Han sa loob ng kweba. Napagkasunduan namin na dito na muna magpalipas ng gabi. Kumuha ako ng panggatong sa paanan ng bundok. Madali lang para sa akin kasi kaya kong mag-teleport kaya nag-volunteer ako na ako na lang ang kukuha. Gumawa si Han ng apoy kaya hindi na namin kailangan gamitin ang sinaunag paraan ng paggawa ng apoy.

"Gaano ba kalayo ang south portal dito?" tanong ko kay Han habang nakaupo katapat ng apoy. Actually, kaming tatlo ang naka-upo katapat ng apoy. Ayaw naman naming mamatay sa ginaw 'no.

"Medyo malayo rin. Kung maglalakad tayo, maabutan tayo ng isang linggo," sabi ni Han habang nakatingin sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Kung lilipad kami, sigurado akong makikita kami ng black servants. Wala kaming ibang choice kundi ang maglakad. Sure akong ito rin ang iniisip ng dalawang 'to, para rin kasing pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha nila. Sino ba naman ang matinong tao na magiging masaya kung puro bad news na lang ang sasalubong sa'yo.

"Come on, guys. What's with those faces? Ngiti naman kayo diyan. Let's just be strong, okay? Kakayanin natin 'to," pag-eencourage ko sa kanila. Tumingin sila sa akin at ngumiti. Bakit parang ngayon ko lang na-realize na ang gwapo pala nilang dalawa? Si Han ay chinito, may matangos na ilong at maliliit na labi. Si Chris naman ay may mapupungay na mga mata, makapal na kilay at mapupulang-labi. Ano ba naman 'tong iniisip ko. I just smiled back before shifting my gaze to the stars.

"I'll just go outside," hindi  ko na hinintay ang sagot mula sa kanila at lumabas na ako mula sa kweba.

Gusto ko lang tignan ang mga bituin ngayong kaya ko pa itong tignan. Habang tinitignan ito ay bigla na namang naiba ang nakikita ko. I am now seeing five golden rings. Isa sa mga ring ay unti-unting nasisira. Then, naging mga bituin ulit ang nakikita ko. Bumalik sa dati ang paningin ko.

"Another vision," I murmured to myself. I'm sure those rings are months. I sighed. Hindi ko maiwasang hindi ma-frustrate. Lately, nagiging delayed ang mga visions na natatanggap ko. Una, dun sa field. Second, dun sa bahay ni Han. Hindi naman ito ganito dati.

"What's on your mind?"

Liningon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yun at nakita si Chris. Nginitian ko lang siya bago ko binalik ang tingin ko sa langit. Kung nakikita ko lang ang mga vision na 'to ng mas maaga, siguro hindi kami napapahamak.

"You can talk to me," umupo si Chris sa tabi ko. Hindi ako nagsalita. As much as possible, ayokong may madamay sa kadramahan ko.

"I'm fine. Matulog ka na. Maaga pa tayong aalis bukas," tumayo ako at bumalik na sa kweba. Inayos ko ang hihigaan ko at humiga na.

"Good night, Mady," sabi ni Chris bago siya humiga sa sarili niyang sleeping pad.

"Night," I replied bago ako natulog. How I wish lahat ng 'to ay isa lang bangungot. Na sana walang gulong nangyayari.

*****

Naglalakad kami ngayon pababa ng bundok. Si Athena, heto at natutulog habang nakapatong sa balikat ko. Hindi yata naaalog ang utak nito kahit na sobra ako kung gumalaw.

"Malapit na tayo sa bayan," sabi ni Han nang makababa na kami ng bundok. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang bayan. Nagpatulot kami sa paglalakad. Unlike sa mystical realm, maraming tao ang nagkalat dito sa elemental realm. Napatingin naman kami ni Chris kay Han nang bigla itong nagsalita.

"Kain muna tayo," sabi ni Han at hinawakan ang tiyan niya. Napangiti naman ako sa naging gesture niya. Para nga siyang bata. Kaya pala grabe kung makabilin ang nanay niya.

"Okay," sabi ko at kumuha ng pera sa bag ko. Konti na lang pala ang perang meron ako. And we still have five months to spend bago ang prophesied day. 

The Seven Sages (On-going)Where stories live. Discover now