Nagsitakbuhan ang mga tao papunta sa kani-kanilang tahanan dahil sa nangyaring pag-atake ng lalaking iyon habang kaming mga sage ay nanatili sa lugar na iyon. Walang gumagawa ng hakbang palayo. Para bang hinihintay namin ang isa't-isa na gumawa ng first move.
"We should flee," sabay-sabay kaming napalingon kay Jacob nang sabihin niya 'yon, "Alam naming may hindi magandang nangyayari sa mga realm. You owe us an explanation. Sa ngayon, umalis na muna tayo. Mas malayo sa mga tao, mas mabuti."
Bigla kong naalala si Athena. Nasan nga pala ang kwagong 'yon? Hindi ko na maalala kung kailan siya huling pumatong sa balikat ko. Kung saan-saan lang naman 'yon napupunta.
"Mady, right?"
Liningon ko si Ethan nang lumapit siya sa akin at nagtanong. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
"Pwede ka bang lumikha ng portal sa kung saan man na malayo sa sibilisasyon?" nag-puppy eyes siya at nagpa-awa sa harapan ko.
Kahit naman hindi niya 'yon gawin ay gagawa pa rin ako ng portal. Aaminin ko, naging cute siya sa paningin ko. Nakadagdag kasi ang glasses niya kaya mas nagmukha siyang cute. Lels XD
"Okay," nagbukas ako ng portal papunta roon sa kwebang pinagtaguan namin ni Han at ni Chris noong hinahabol kami ng black servants.
"Saan 'yan?" sumilip si Amelia at si Ethan sa loob ng portal para makita ang loob ng kweba.
"It's a long story. Pasok na muna tayo at diyan namin ipapaliwanag kung ano ang nangyayari," pumasok na ako sa portal at sumunod naman sila.
Pagkapasok naming lahat, sinarado ko na ang portal at dumiretso sa loob ng kweba, "Come."
Naglapitan sila at umupo sa loob. May mga bato naman sa paligid, 'yong tipong sakto lang ang laki para maging upuan.
"Ano na ang nangyayari? I'm hoping you can give us the answer we need," sabi ni Ethan.
Ako ang nasa harap at ang iba naman ay nakaupo sa mga bato sa paligid. Since ako ang nasa harap at ako ang nag-gather sa kanilang lahat dito ay ako na lang ang mag-eexplain. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"I came from a family of clairvoyants. Meaning, we can see visions about the future. I had this vision. Four birds were flying in circles. Obviously, those birds denote each realm. Nagbanggaan sila and a flamingo emerged out of that collision. Meaning, magkakaisa ang lahat ng mga realm and a new world will rise just like what's happening right now. Hindi na gumagana ang mga portal kasi hindi na natin sila kailangan. We can go to another realm without using the portals since nagkaisa na ang lahat ng mga realm. Then, a raven came. Ravens symbolize destruction kaya alam ko na agad na may masisira. Inatake ng raven na 'yon ang flamingo. Ibig sabihin, masisira ang buong mundo."
Saglit akong huminto upang hintayin ang reaction nila. Si Chris pa lang at si Han ang nakaka-alam nito kaya ang iba ay medyo naguguluhan pa. Sinalasyasy ko ang buong pangyayari sa kanila. Mula sa pag-uusap namin ng moon goddess hanggang sa pag-iisa ng mga realm. Pagkatapos kong magsalita, walang kahit ni isang taong umimik.
"So 'yun ang nangyari," I gave them a small smile. Kita ko sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang nangyayari pero wala kaming magagawa.
"Kailan natin pupuntahan ang moon goddess na sinasabi mo?" seryosong tanong ni Jacob. Napaiwas ako ng tingin sa tinanong niya.
"Actually, hindi ko alam kung saan nakatira ang moon goddess," napakagat ako ng labi ko.
"What?! So paano natin siya pupuntahan kung hindi natin alam kung saan siya nakatira?" pasigaw na tanong ni Jacob.
Hindi ako nakapagsalita matapos niya akong sigawan. My encounter with Selemene can be considered as luck. Siya na isang diyosa na mismo ang bumaba mula sa tinitirhan niya para lang kausapin ang isang tulad ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Why does this have to happen?
YOU ARE READING
The Seven Sages (On-going)
FantasíaThe seven sages are people destined to keep the balance between the realms of life. For many years, walang nagtangkang galawin ang balanse ng buhay dahil sa pagbabantay ng mga sage. Paano kung may isang kalaban na magtangkang sirain ito? An opponent...