Chapter 10

10 2 1
                                    

Sa ngayon, inaalam pa namin kung bakit hindi gumagana ang mga portal. Nandito kami ngayon sa loob ng isang gubat, nag-uusap. Kanina pa hindi maganda ang nararamdaman ko kaya hindi ako sumasali sa pag-uusap nila. Para kasing exposed na exposed ako sa buong paligid.

"There must be a reason kung bakit hindi na gumagana ang mga portal," sabi ni Chris habang nakahawak sa chin niya.

"Of course, there is. There should be," Amelia said.

"Pero ano? Hindi pa ito kailanman nangyayari kaya wala tayong idea kung ano ito," sabi ni Han na napakamot na lang sa ulo niya.

Hinawakan ko ang sentido ko at hinilot-hilot. Sumasakit na naman ang ulo ko. Maybe another vision is coming.

"She holds the answer," sabay na sabi ng kambal. Lumingon ako sa kanila just to see that they are staring at me.

What? Anong ibig nilang sabihin na nasa akin ang sagot? Wala nga akong alam dito eh.

"What do you mean?" tanong ni Chris na nakakunot ang noo.

"What do you see?" sabay na tanong ng kambal. Lumingon silang lahat sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko.

Teka, bakit napunta sa akin ang issue? At anong ibig nilang sabihin? Biglang may nag-pop up na naman na picture sa isip ko. It was the flamingo again. Katulad ng naktia ko kanina. Ano ba ang ibig sabihin ng ibong ito?

"What do you see, Mady?"

Lumingon ako kay Chris. He held my hand and stared at me. Kung wala lang kami problema ngayon, siguro ay kinilig na ako. Gwapo naman si Chris at higit sa lahat ay maganda ang ugali. He is kind, caring, at napaka-responsable niya. I remember one time na nadapa ako. Siya lang ang nakakita sa akin noon kasi nasa field ako, malayo sa bayan. Agad niyang ginamit ang ability niya at binuhat pa ako papunta sa bahay namin. Hay. Umiwas ako ng tingin saka nagsalita, "It was a flamingo."

Bumakas ang pagtataka sa mga mukha nila maliban sa kambal. It was like they expected my answer.

"That's it," sabi ni Lyla sabay ngiti.

"That bird is the answer," dugtong ni Lyra.

Huh? Hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin ng ibong 'yon eh tapos sasabihin nilang 'yon ang sagot? Pa'no naman nila nasabi?

"A flamingo denotes balance and harmony," sabay na sabi ng kambal.

Eh ano naman kung ganoon nga? Akala niya ba hindi ko alam? Ano naman ang kinalaman ng flamingo sa hindi pag-gana ng mga portal?

"I don't get what you mean," seyoso kong sabi sa kanila habang hinihilot-hilot ang sentido ko.

"There is a big possibility that all the realms are becoming one," sabay na sabi ng kambal.

Ano raw? The realms are becoming one? Is that even possible? Come to think of it, bakit nga ba divided ang mga realms? For the past years, walang ibang taong nagsabi sa akin kung bakit nahati ang mundo sa apat na dimensiyon.

"The pegasus did not cross the portal. The world was too wide for it. It was lost," sbi ng kambal.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig ko. Hindi ba't--

.

Wait, oo nga 'no?! That's it!

"Sa tingin ko, alam ko na kung bakit hindi gumagana ang mga portal," masiglang sabi ko sa kanila. Napalingon naman silang lahat sa akin at bakas sa kanilang mga mukha na curious sila kung bakit nga ba. Nginitian ko sila bago nagsalita.

"I had this vision. There were four birds, and I am sure that each bird symbolizes a realm. They were just flying together nang bigla silang lumipad papunta sa isa't-isa. They collided and out of that collision, a flamingo appeared. Akala ko wala lang 'yon but it seems tama ang kambal. The realms really are becoming one. Kaya hindi gumagana ang mga portal is because hindi na natin sila kailangan."

The Seven Sages (On-going)Where stories live. Discover now