Chapter 12

11 2 1
                                    

"So what's our plan?" tanong ni Amelia sabay kagat sa apple na hawak niya.

Nandito kami ngayon sa isang kuwarto sa loob ng isnag hotel. Occupied naming walo ang isang kwarto lang since hindi rin naman kami magtatagal. Nag-tanong pa nga 'yong landlady kung bakit iisang kuwarto lang ang kukunin namin eh ang dami namin. Obvious na obvious, gusto niya lang kumita ng mas malaki. Hindi ko alam kung saan ito specifically pero sure ako na parte ito ng illusory realm. Pa'no ko nalaman? May mga tutubi kasi rito na mukhang kuneho. Para silang maliliit na kuneho na may mga pakpak ng isang tutubi. Gets niyo?

"We have to find leads kung saan natin hahanapin ang demon queen," sabi ni Chris habang nakahawak sa chin niya.

Naka-upo sina Lyla, Lyra, Chris at Ethan sa kama habang kami naman nina Jacob, Amelia at Han ay naka-upo sa sahig. Nag-iisip kami ngayon kung papano namin mahahanap ang isang taong hindi namin alam kung nasaan. Iniisip namin na baka nasa spectral realm siya since isa siyang demon and most of the demons live in there.

"Hindi ko alam kung nandoon ba siya sa spectral realm," sagot ni Ethan nang tanungin siya ni Han kung nasa spectral realm ba ang demon queen. Siya talaga ang unang pinagtanungan namin since he is a summoner and lahat ng creature sa spectral realm ay alam niya.

"Pa'nong hindi mo alam? Hindi ba kaya mong mag-summon ng mga spectral creatures?" tanong naman ni Han sa kanya.

Kinuha ni Ethan ang tome niya na naglalaman ng mga pwede niyang i-summon. Kusa iyong nagbuklat ng mga pages kahit hindi niya fini-flip ito at kusa rin itong tumigil. May lumitaw na summoning circle sa harapan niya at may lumabas na isang gwapong lalaki. As in gwapo talaga XD The problem is that may mga pakpak siya ng isang paniki at buntot. Obviously, he's a demon.

"Siya kaya ang pagtanungan natin nang malaman natin kung totoo ba ang sinasabi ko," sabi ni Ethan at bumaling ng tingin doon sa demon, "Hi, may itatanong sana kami."

"Go on," tumabi 'yong gwapong demon kay Lyla at nginusuhan ito. Parang nang-aakit. Si Lyla naman ay parang wala lang sa kanya na ina-akit siya ng demon.

"Helios, behave," ma-otoridad na sabi ni Ethan at na siyang naging dahilan para umayos ng upo si Helios, 'yong demon. Nag-pout lang 'yong demon kay Ethan. Childish masyado XD

"Alam mo ba kung nasaan ang demon queen?"

Sumeryoso ang mukha ng demon pagkarinig niya sa sinabi ni Ethan, "Bakit?"

Nagkatinginan kaming walo dahil sa naging sagot ng demon. Obviously, may alam siya. Pero mukhang confidential ang information na gusto naming makuha. Napaka-seryoso ng mukha niya and all those playfulness from his voice earlier was erased.

"We have to talk to her," sagot ni Ethan sa kanya in his serious tone. Parang hindi nagustuhan ng demon ang sinabi ni Ethan dahil napangiwi siya. 

"Kahit pa master kita ay bawal pa rin naming sabihin kung nasaan ang demon queen. May rules ang mga tao na sinusunod and so do we. May mga rason kami and hindi namin ito pwedeng ipaalam kahit sa mga master namin," pagpapaliwanag ni Helios while crossing his arms.

"Can you at least give us a clue?" napalingon ang demon kay Lyla nang siya na ang nagsalita. Kita namin ang pag-galaw ng lalamunan niya. I smirked at what he just did. He obviously can't resist Lyla.

"Pasensiya na pero hindi talaga pwede eh," napakamot ang demon sa batok niya.

I sighed. Akala namin ay bibigay na siya kay Lyla. Mukhang 'yon din ang nasa isip ni Lyla kaya siguro siya na ang nagtanong pero hindi talaga siguro iyon mangyayari. Hindi basta-basta sumusuway sa mga batas ang isang demon unless kailangan.

"If that's the case, then we have no choice," sabi ko sabay tayo. Pagtayo ko ay may naramdaman akong pagyanig sa lupa. Kita kong napatigil rin silang lahat dahil sa nangyari. Ilang saglit pa at tumigil din ang pagyanig. Was that an earthquake?

The Seven Sages (On-going)Where stories live. Discover now