Chapter 14

14 2 2
                                    

Iniluwa ng portal sina Jacob at Madeline sa isang lugar na may maraming tao. Para silang nasa siyudad ng mystical realm dahil sa kasiglahan ng lugar. Hindi sigurado ni Madeline kung tama ba ang napuntahan nilang lugar kaya nagtanong siya kay Jacob.

"Is this the spectral realm?" tanong ni Madeline kay Jacob.

"Yeah," sagot ni Jacob at nagsimulang maglakad papunta sa loob ng siyudad. Sumunod sa kanya si Madeline at pumasok na rin siya papunta roon. Habang naglalakad silang dalawa ay panay ang tawag sa kanila ng mga nagtitinda roon.

"Hija, may mga item kami rito."

"Bili na kayo rito ma'am. Mura lang."

"Magical items po para sa epektibong pakikipaglaban."

Ngumiti lang si Madeline saka magalang na tinanggihan ang mga panindang inaalok ng mga nagtitinda. Hindi kasi ito pinapansin ni Jacob kaya siya na lang ang tumatanggi sa kanila. Patuloy lang itong naglalakad papunta sa kung saan mang dako ng realm. Ilang minuto pa silang naglakad hanggang sa makarating sila sa isang malaking bahay. May kulay red itong gate at ang mga gusali nito ay pininturahan ng asul.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ni Madeline nang makita niyang binubuksan ni Jacob ang gate ng bahay.

"Mine," binuksan ni Jacob ang gate at pumasok siya sa loob. Nang mapansin niyang hindi sumunod sa kanya si Mady ay liningon niya ito saka tinanong, "Hindi ka ba papasok?"

"Anong gagawin natin diyan?" tanong sa kanya ni Madeline pero hindi ito sinagot ni Jacob at naglakad ito papunta kay Madeline.

"Sumunod ka na lang," hinawakan niya ang kamay ni Madeline at hinila ito papunta sa loob ng bahay. Nang maglapat ang kanilang mga palad ay parang nakuryente si Madeline. Alam niya sa sarili niya na naa-attract siya kay Jacob pero naiisip niya minsan na kailangan niyang isantabi ang mga nararamdaman niya dahil hindi ito ang tamang panahon para isipin ang mga ganoong bagay. Nang marinig niya na silang dalawa ni Jacob ang magkasama sa paghahanap sa mga relic ay tututol sana siya pero inisip niya na lang na para ito sa ikakabuti ng lahat.

Nakapasok na sila sa loob ng bahay. Pinaghalong kulay itim at puti ang loob nito. Pagkasarado ni Jacob ng pinto ay agad niya itong ini-lock kaya hindi napigilan ni Madeline ang kaniyang sarili na magtaka sa inaasal ni Jacob.

"Why'd you lock the door?" tanong ni Madeline kay Jacob. Liningon siya ni Jacob na naka-poker face pa rin saka sinagot.

"Mukhang wala kang alam sa kung anong nangyayari rito sa spectral realm sa gabi," sabi ni Jacob at humalukipkip, "Mag-gagabi na at hindi mo gugustuhing lumabas. Believe me."

Lalo namang nagtaka si Madeline sa sinabi ni Jacob. Napaisip siya kung ano nga ba ang nangyayari sa tuwing sasapit ang dilim sa loob ng spectral realm. Magtatanong pa sana siya ulit nang mapansin niyang wala na si Jacob sa may pintuan. Nakarinig siya ng mga yabag ng paa sa hagdan. 

"Ang sungit naman," Madeline murmured. Hinanap niya na lang kung nasaan ang kusina para naman maka-inom siya ng tubig. Naglakad-lakad siya sa loob ng bahay para hanapin ang kusina. Habang nalalakad siya ay may nakita siyang bintana. Sumilip siya roon at nagtaka siya sa kaniyang nakita.

"Bakit ganito?" tanong niya sa kanyang sarili. Ang kaninang maaliwalas na lugar ay nababalutan na ngayon ng kadiliman. Nagmistulang ghost town ang siyudad ng spectral realm dahil sa walang naglalakad sa mga kalsada. Sinuri niya pa ang paligid at may nakita siyang isang lalaking maputla na nakatayo sa harap ng bahay.

*Tok tok tok*

Napatingin si Madeline sa pinto nang makarinig siya ng mga katok. Kinakabahan man sa mga nangyayari ay naglakad pa rin siya papunta sa pinto at binuksan iyon ng dahan-dahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Seven Sages (On-going)Where stories live. Discover now