Chapter 1: Première Rencontre

165 5 0
                                    

Samuel POV

"Bato, bato, pick!" Huh! Ako ang taya! "Kita mo na, ikaw ang taya, ikaw ang mang libre." Sabi ni Pasquale, narito kami ngayon sa Krispy Kreme, sa SM Mall of Asia, dito kasi namin napiling magpatanggal stress ni Pasquale, at s'yempre mang-hunt ng mga Hunk diyan sa gilid.

"Miss, 4 na box ng Assorted Dozen niyo, at saka, isang dozen nitong glazed doughnut niyo, huwag niyo na pong ibalot iyong isang assorted, dito kami kakain..." Pucha, gumaganti 'to! Sabay tingin nito sa akin, alam ko na ang ibig sabihin nito "Akin na iyong pera." Potah! Parang may ipiatago ahh, inabot ko sa kaniya iyong bayad. "Saka padagdag naman ng drink, 'yung caramel iced coffee niyo isa lang at isang frozen vanilla latte 'yun lang."

Inulit nung nagka-cashier iyong sinabi ni Pasquale, binigay ni Pasquale iyong gift card niya sa nagka-cashier.

"Samuel, balita ko, si Alaine sila na raw nung sikat na taga Bulacan nung huli nating punta sa Danzen, iyong lalaking katabi niya, sila na raw!" Hindi na ako dun nagtaka kasi nakikita naman ang chem nila at pati iyong closeness isama mo na pati yung sweetness nila.

"So??" Saad ko nalang, kaaway kong karibal si Alaine, mabuti't nakaalis siya ng Andrella dahil, ang mga alipores niya, hindi ako tinatantanan hangga't may Alaine, may Samuel, sinuot ko ang aking earphone nang hindi ko marinig ang mga sasabihin ni Pasquale dahil naiinis ako, hindi ko kaklase si Alaine, mas matanda ako sa kaniya siya ay high school at ako college naman, saka pala-away ang baklang iyon.

"Hindi mo man lang iko-congrats? Na nakabingwit iyon ng lalaking matso at gwapo? Speaking of gwapo, may fafa na lumalapit sa atin, kayabangan nga lang." Hindi ko iyon naintindihan ang mga sinabi ni Pasquale, nang mailagay na ng kahera yung in-order kinuha ko na ang 2 box ng dougnut at iyong caramel iced coffee ko, nang tumalikod na ako't aksidente kong natamaan ang lalaking nasa aking likod, hindi ko iyon napansin, "Putang ina!" Sabi nung lalaki sa gulat ko, nasapak ako ng lalaking natapunan ko ng iced coffee ko!

Sakit, ang sakit ng pisngi ko, parang matatanggal ata itong utak ko, hindi ko naman sinasadya eh!

"Ugh! Ang sakit!" bumagsak ako't nabitawan ang hawak kong coffee at box ng doughnut, napaluha ako, hindi ang intense, hindi ako sanay ng suntukan, wagwagan sanay ako, pero iyong sapakin ka hindi!

"Ayshet! Samuel ayos kalang?! Ikaw na hinayupak ka, nakita mong hindi niya sinasadya sinapak mo agad!" To the rescue si Pasquale sa akin, at dumating ang manager, guard at isang witness na nakakita ng pangyayari, napayuko nalang ako't tinakpan ang aking mukha habang lumuluha.

Grabe, nakakatroma ang sapakin!

"Samuel, uy!"

"Sir, ayos lang po ba kayo?" tanong ng manager na babae sa akin, nguni't wala ako sa katinuan.

Pakunwari kong kumuha ng kung ano sa bulsa ko at sinuot ko ang dala kong knuckles dito sa bulsa ko't, alam na ito ni Pasquale, lumayo si Pasquale at pumunta sa gilid ng lalaking nanapak sa akin, sa galit ko, at sa lakas ng pagkakatama ng sapak ko sa kaniya, nawalan siya ng malay at umalis kami sa lugar na iyon, kinuha muna ni Pasquale ang mga binili namin, nguni't nauna na ako, pumunta sa seaside.

Potah! ang pangit ng mukha ko, nang makita ko ang mukha ko sa camera ng cellphone ko, pati itong asul kong damit namantsahan rin.

Tatanga-tanga kasi ni kuya, ang lapit sa gilid ko tapos siya pa may ganang manapak, tss, buti nga sa kaniya, bago siya manapak suriin ang mga kakalabanin niya!

Dahil sa walang kabastosan ko, dito na ako nagpalit ng damit, black na may supreme na nakasulat sa gitna ng tshirt, at sinuot ang salamin na transparent, at cap, para hindi ako mapansin na may sapak sa mukha.

RelationShit (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon