Chapter 6: Frenny and the Destiny

18 1 0
                                    


Samuel Claws POV

Hindi ko naman aakalain na, magiging caring itong si Aleks? Hindi halata, dahil sa dami ng tropang tambay nito.

Nakakalungkot lang, dahil may gf pala 'to.

Bumisita noong may sakit ako, ang bait ng girlfriend niya, as in! Hindi mo mapipintasan, dahil simple, at mukha pang anghel, dahil sa ugali nito.

Minsan nagkausap kami, at nagtanong kung paano kami nagkakilala, ang sabi ko...

"Naging kaklase ko siya noong Third Year ako, isa sa mga sikat na estudyante sa 'min, mahirap kalabanin ang kasikatan, kaya, lahat ng kaya ko, mapantayan lang, nagawa ko, pero hindi rin nagtagal, siya ang hinirang na Kind and Prnce noong JS Proms namin." Sagot ko sa kaniya

"Actually, may picture kaming dalawa noon, nakalagay 'yun sa account niya, hanapin mo sa fb niya." Saad ko dito.

"Nakakaproud naman, Kind and Prince pala siya noon." Sabi niya, halatang kinikilig. Napakasimpleng babae nga, at dudang, magtatagal sila.

"Kapag, nag-away kayo, akong bahala sa'yo ah? Makita lang niya kapag sinubukan ka niyang break-an, nako, kamay lang niya walang latay." Saad ko dito at tumango siya.

"Siya nga pala, kayo? Paano kayo nagkakilala?" Tanong ko dito

"Nasa mall ako, bumibili ng mga gagamitin sa school. Tapos, hindi ko naman inaasahan na, magkabungguan kami, ayon, natapon yung dalahin ko, eh papunta akong counter noon, ako kasi dere-deretso ako, eh siya hindi nakatingin sa dinadaanan kaya, ayun, nagkabungguan." Natatawa niyang kuwento.

Kung ganon, maganda na rin ang pinagsamahan nila. Masaya na ako para sa kanilang dalawa, lalo na kay Aleks, he made a rightful decision.

Ngayon nasa boarding house ako. Nagpapahinga alam na nila Mama at ni Pasquale ang nangyari sa'kin.

Pagaling na ako, saka hindi ko na kailangang magpa-alaga. Bigla tuloy akong natawa, 'yong kanina lang...

*FLASHBACK*

"Maswerte ka ahh, mabait na, at maganda pa ang girlfriend mo" Saad ko dito

"Kaya nga ehh, pero ayaw pa niyang magpakasal kaming pareho, masyado pang maaga sabi niya."

"Wag mo kasing apurahin! Inaapura mo, mamaya niyan, mawala rin pala." Saad ko rito

"Sus, hugot mo, walang pinaghuhugotan!" Sabay batok sakin,

Luminya tuloy ang mga kunot na balat sa aking noo.

"Kanina pa ahh!" Atungal ko dito.

"Oh? Baka maging iyakin ka ahh? Pagmay kidlat at kulog na naman." Natatawa kong sambit habang nasa biyahe kami.

"Ako? Iyakin? Tss. Tignan mo nga, ang laki ng muscle ko para matakot pshh." Sabay flex ng muscle niya sa braso at himas nito.

"Ay sus! Hindi nadadaan yan sa muscle!" Sagot ko dito, sabay kurot sa braso niya.

"Aw! Kita mo nagdadrive ako dito ohh!" Reklamo niya, nasa front seat ako, para hindi siya magmukhang driver haha.

"Aww, sarreh not SORRY" Sabay kurot ulit.

*END OF THE FLASHBACK*

Ano ba 'to, natatawa tuloy ako. AKala ko talaga, yung pinaka-last moment namin ay yung nasa arena kami pareho, hindi pala, naging matagal din ang moment namin.

"Hays, hindi ko gustong magkaroon ng lovelife!" Sabay kuha ng tubig sa ref.

Nag-alarm ang aking cell, baka may text ako.

RelationShit (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon