Chapter 2: Le Garçon dans le Parc

52 2 0
                                    

Samuel POV

Biglang nag-init ang ulo ko sa nakita kong nilalang, ugh, hininto ko na ang bisikleta.

"Oh, bakit na naman?" Mali pa ang pinuntahan ko rito, hindi si Idol ang nakita ko, kundi si hinayupak, "Akala ko kasi si idol makikita natin dito eh yung asungot pala ang makikita natin dito." Inis kong saad.

"Sandali, ano na namang problema mo sa kaniya eh, wala na iyon sa kaniya?" Bumaba ako sa bisekleta, at nilakad ko siya gamit ng bisekleta.

"Malaki ang problema ko sa hinayupak na iyan, baka nakakalimutan mo, sinira niya ang natural kong anyo, na hindi lang basta basta nakukuha ng sino man!" Bahagya siyang natawa, "Bibili lang ako ng mangga diyan, oh baka naman pati pag-upo LANG sa bisekleta ko 'di mo rin kaya? ahh." Saad ko rito. "Tiya, magkano po sa mangga nin'yo?" Tanong ko sa matandang babae na nagbabalat ng mangga.

"Diyan sa balat na 45, sa kilo naman 60. Boi, bili kana boi." Sabi ni Ale, tumingin ako kay Pasquale, nagsign siya ng 5 plastic nung mga walang balat nang mga mangga. "Sige oh, pagbilan niyo oh ako ng limang plastic nitong balat nang mangga." Saka ko inabot sa Ale iyong 250 pesos na pera "Ahh, saka pahingi narin oh ako ng maanghang niyong asin at dalawang plastic po ng bagoong nin'yo." Pakiusap ko sa Ale.

"Iho oh, salamat, may dagdag narin 'yan." Inabot niya sakin iyong sukli 25 pesos nalang. "Nako, maraming salamat po.." Magalang kong saad.

"Sakto, paborito ito ng Ate mo 'di 'ba, siya nalang kaya puntahan natin, ilang linggo narin natin siyang hindi nabibisita, dahil kakatapos lang nitong 3rd semester." Ay oo nga pala, Nadiagnosed si Ate ng cancer, Cardiac Tumorsabi ni Papa, gusto naman ni Ate na huwag na kaming mag-alala, dahil kaya naman niyang lumaban.

Nagsimula ang sakit niya ng dahil sa depression, stress, at heart-break, kasi sabi ng doctor, primary hindi napapansin iyon, dahil nga sa mga naiisip ni Ate hanggang sa isang araw nalang malalaman mo na delikado kalagayan ng buhay niya kasi sa kapababayaan niya, nasa lahi iyon ni Daddy, hindi na si Daddy nagulat nang nalaman niya iyon, pero sobra parin kaming nalulungkot na sana hindi nalang dumating ang ganyang karamdaman sa Ate ko, 5 kaming magkakapatid dalawang babae at tatlong lalaki... Kaso hindi kami mas'yadong close ng kuya ko, galit iyon sakin lagi, hindi na muna iyon mahalaga.

Nakaconfine siya ngayon sa isang hospital diyan sa Cubao, sasailalim si Ate sa isang surgery ngayong buwan, dahil handa na siyang tanggalin ang kaniyang tumor sa puso, maliit pa naman ang tumor na nakita ng mga doktor, kaya naman pwede siyang magpasurgery.

Dumiretso kami kay Idol ng ilang sandali at umuwi muna para magpalit.

"Pasquale, kung pumalya man ang surgery ni Ate, pwede atin atin lang ito muna, gusto kong idonate ang puso ko sa kaniya, saka gusto kong humaba pa ang buhay ni Ate." Nagulat siya sa sinabi ko, talagang hindi siya makapaniwala.

"Hoy! Huwag ka ngang ganyan mawawalan ako ng sponsor ng pagkain uy!" Natawa nalang ako pero sinabi kong seryoso ako don, ayun na nga, iniwas niya yung topic, kasi di siya komportable sa ganong usapan, matapos nun, bumili muna kami ng bulaklak at mga prutas para naman makakain at makaamoy naman si ate ng sariwa, dahil alam kong buryong buryo na iyon sa kwarto niya sa hospital.

"Hello, Ate Monica!" Sabay yakap dito, saka binigay ko iyong dalawang boquet ng iba't-ibang bulaklak, nakakatayo si Ate siya nga nagbukas ng pintuan para pagbuksan kami. "Napadalaw ka bunsoy! Nako, hindi mo talaga makakalimutan ang mga bulaklak na gustong-gusto ko." Nilapag namin ang mga dala namin sa lamesa.

"Kumusta ka naman 'te, mukhang tumataba ka dito ahh, walang valentine?" Saad ko sa kaniya, maganda si Ate, Sexy, makinis, saka matalino, siya rin ang Ms. University noong college life niya, at siya rin ang nag-Suma Cum-Laude sa course niyang Environmental Science niya sa University of the Philippines Diliman, "Kaya nga ehh, sa totoo lang ayoko magdextrose, dito kasi ako natataba ehh, yung totoo wala ahaha, di naman mahalaga sakin ang valentine." Sabay amoy ni Ate ng bulaklak na rosas. "Ate Opaline, binilhan ka niyan ng manggang hilaw sa kalye, 3 plastic yung dala niyan, saka may saging at rambutan din kaming dala diyan, hindi na kami bumili ng grapes siguradong may magbibigay sayo niyan eh hahaha" Opaline ang nickname ni Ate, saka siya rin naman nagbigay ng pangalan ko na Samuel Claws, kakaiba ano, saka tawag sakin niyan Claws rin, hindi Samuel. Kainis.

RelationShit (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon