Samuel POV
Kasama ko si Manuel, kuya ko, nauna lang sakin ng isang minuto, labing-isang segundo lamang, oh di ba SM kami stands for Samuel-Manuel, at ang panganay namin ay si Kuya Menandro, suplado at matapang pero kamukha ko.
Pareho lang ang sex preferrence namin ni Manuel, kaso siya naman ang top saming dalawang magkapatid.
Nasa room niya ako dito sa sarili naming bahay sa Cavite, for some reasons, gusto kong umiwas sa masamang usok ng siyudad na punom-puno ng karumal-dumal na dumi at polusyon.
Nagwowork si Daddy sa isang banking company sa ibang bansa sabihin na natin na isa siya sa may puwesto siya sa kompanya nila, habang si Mommy ay nagaasikaso sa kaniyang Botique Shop niya sa Makati.
"Ay oo nga pala, bago ko makalimutan mamaya na pala yung concert ng Coldplay." Saad ko kay Manuel, I do mind it, kasi napagastos ba naman ako ng 30k sa mga concert na 'to, once in a lifetime lang kasi ang makita sila sa sariling bansa.
"Wooooaw, talagang may ticket siya oh." Hinablot niya yung ticket ko.
"Akin na iyan! Palibhasa gastador." Saad ko rito habang binabawi
"Sumbong kita ahh, kami nga hanggang nood lang sa net, ikaw may pa-VIP-VIP pang nalalaman." Sabay bigay agad ng Ticket ko, mahal kaya nito.
"Mag-ipon rin kasi minsan." Habang pinapaypay ko ang ticket na hawak ko.
-
Nasa loob ako ng stadium kung saan ginanap ang concert ng Coldplay, ewan ko, feeling ko, ang baduy kung mag-isa lang akong pumunta, kadalasan kasi kasa-kasama ko si Pasquale, lalo na sa harapan pa.
Nag-vibrate ang cell ko, 'A new message from: Topsflaps and +639768--' dalawa talaga oh.
Inuna ko yung +639768-- ang sabi "Hi, musta, nakita kita ahh" alam niyo mga misteriyoso ang mga tong nagmemessage sakin, saka ito pang isa nasa dating app ko, nakalagay naman, "Uy! pwede ba kitang samahan?" sa tingin niyo, kayo nang humusga.
Nagreply ako kay +639768-- ng 'Saan?' at sa kabila naman kay Topsflaps na 'Nasa Concert ako ng Coldplay?' yun lang.
Sabay din silang nagreply sabi ni Topsflaps ay Narito in daw siya, ang sabi nung number hehe nasa bahay lang daw siya, ang kulit ano..
Lumingon lingon lang ako sa paligid baka narito yung Topsflaps, parang flatops ang pangalan sarap haha.
Would they mind na mga hints nila laos na ano.
Kalagitnaan ng show dito sa dome nang may nagkober talaga sa mga mata ko.
Nagsasalita man ako hindi naman marinig dahil sa lakas ng mga sound system dito! Hindi ko alam kung sino ba to.
Hanggang sa siya nalang mismo ang nagtanggal nito, hay, buti naman, If you don't mind darling ang matso nung braso, nahimas ko kanina habang nagpapanik ako.
Ugh!!!! Si Aleksander!!
"Aleksander!!!" inakbayan niya ako bigla saka sumabay sa tugtugin.
Paano naman niya nalaman na dito ako nakapuwesto ang layo ko kung ako nakapuwesto ahh, infairness ang bango niya, wala paring kupas, di na ba siya nagpalit ng perfume niya, kasi noong high school palang ito na yung pabango niya, amoy nakakaadik kung maamoy mo, yung mga astigin ang kilos saka yung pabango nagdadala na nagpapaangat ng sex appeal, hay ano ba itong mga naiisip ko.
Grabe, bat may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko, parang may lumilipad sa tiyan ko, noon pa ito ehh, pagkasama ko itong si Aleks, baka mapansin niya iyon kaya tinanggal ko pagkakaakbay nito.
BINABASA MO ANG
RelationShit (BxB)
RomanceI may seems to be Simple, but Terrible - Claws Claws was a Confused Bisexual or Gay, and a Religious ones, he likes to be feel lonely, and quiet but a Kalog Type of Millenial to be true! Another publishing under the Direction of my GREAT MIND. All R...