Chapter 5: Aleks...

21 1 0
                                    


"Hi! Readers, mapapansin niyo na nakafocus sa mga dialect ang chapter na 'to, hindi ang POV ng mismong karakter, dahil, hango rin sa mga katotohanan ang mga sinasabi dito, at mga bini-visualize, at wala ring masyadong mahabang POV ng karakter dito. Yun lang at happy reading, magcomment at likes naman kayo jan, please :)"

Samuel Claws:

Isa na siguro kung bakit hindi ako nagkalove-life ay yung, may alam ako tungkol sa bible. Yes, sabihin na natin, na kaya kong makipag-debate sa bible, pero hindi naman yung marahas tulad ng sugong pindot diyan.

Nalaman ko kasi sa biblia, na masama sa mata ng Dios ang ganitong klaseng seksuwalidad, hindi kaaya-ayang tignan, Kaya nga sinunog ng Dios ang Sodomo at Gomora dahil sa ganitong kasalanan... Oo... Ganon nga ako, pero hindi ko, pinapakita, ako lang ang nakaka-alam, natatakot akong magdusa ang kaluluwa ko sa impiyerno, kaya hangga't maari, tinatago ko ang pagiging ganito ko.. Ang pagiging bakla...

Pero, isinumpa na nga yata akong maging ganito.. Mula pagkabata ko palang, ramdam ko nang kakaiba ako... Nahilig ako sa mga bulaklak, mga pambabaeng kasuotan o mga pabango, pero nasubukan ko, ngunit itiggil ko rin yun agad.

Natatakot ako... Kung mapunta sa kamay ni satanas ang kaluluwa ko... Oo sobra akong natatakot, na hindi ako tanggapin sa langit sa kabila ng pagiging ganito ko.

Nasa church ako ngayon, nagpapangaral ang mga priest dito, at naisabay pa ang aking sex preference, "Kailanman, hindi tinanggap ng Dios, ang mga bakla at tomboy sa kaniyang kaharian, dahil sinuway nila ang kaaya-ayang seksuwalidad." sabi ng priest dito..

Nakakaramdam ako ng awa... Awa sa lahat ng katulad ko, at higit sa lahat awa rin sa sarili...

Hindi ko ginustong maging ganito... Pero pinuspos na ata ni Satanas ang aking puso, at nasunod ang gusto niya, hindi ang sa Dios...

Nagsisisi ako.. Habang buhay at maging sa kamatayan dala-dala ko 'to...

Natapos ang pagsimba namin, at naka-hinga ako ng maluwag...

"Bro, mauna na kami." Paalam namin sa priest dito.

Nakauwi na kami sa bahay at kumain ng tanghalian, kahit papaano, gumagaan din ang loob ko, at feeling ko, na maganda sa tainga yung makinig sa Bible.

Lumabas ako ng bahay para maglibot, actually tumambay ako dito sa plaza, in particular place, nasa garden ako nito, kung saan naroroon din ang mga tindera ng mga bulaklak at mga panananim.

Nagbihis ng blue sando, at maigsing shorts dahil mainit ang panahon, samahan pa ng maalinsangang paligi, hay grabe na talaga dito sa Earth.

May pond kasi dito, at mapuno, kaya relxing.

Nakita ko ang mga grupo o isang puno ng makahiya, pinuntahan ko ito, umupo sa harap nito't isa-isang, hinipuan para magsarado ito.

Habang ginagawa ko iyon, sobra naman akong naaliw, samahan pa ng tunog ng mga dahon na nahahanginan, sobrang peaceful.

"Oh! Narito ka pala." Saad ng nasa likod ko.

Hay, napasimangot bigla ang mukha ko... Ano ba 'to naririto na naman ang lalaking 'to, sulpot nalang ng sulpot.

"Pinaglihi kaba sa kabute?" Tanong ko dito.

"Bakit?" Tanong nito at umupo sa pond at nanood sa mga isdang nandodoon.

"Sulpot ka ng sulpot eh." Saad ko rito ng magaspang ang boses, para bang handa na naman akong makipagsagutan.

"Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Mas lalo tuloy akong naningkit sa sinabi nito.

RelationShit (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon