Chapter 4: Inattendu!

31 1 0
                                    

Samuel Claws POV

Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang pagkainis ko sa kaniya, hindi ko talaga alam kung bakit di mawala yung inis ko sa kaniya, alam kong medyo matagal na yung nangyari sa gap namin pareho, di ko naman sinabing nagtanim ako ng galit dito sa puso ko, parang ayaw mawala ng inis ko sa kaniya, 'di ko ugaling maging mainisin, pero nagagawa ko sa kaniya eh.

Nakikita ko naman na mabait 'tong tao eh, kasi naniniwala talaga ako dun sa bagay na 'yon, wala namang taong masama sa totoo lang, nagiging masama lang ang to dahil nagiging mali lang ang tao sa desisyon nila sa buhay.

Nakita kong nagmarka ang ginawa kong ganti sa kaniya, medyo nakonsensya ako... Para tuloy akong nahulog sa kung ano, ganon yung pakiramdam eh.

Inawasan ko nalang siya, sa totoo lang natatakot ako sa kung ano man sasabihin nito eh, baka isisi niya sakin talaga kung bakit siya nagkaroon ng ganon, 'eh handa akong harapin 'yon kung ibubuntong niya sa akin yung galit niya, total kasalananan rin naman niya eh, pumatol sa madaya.

Umihi na lamang ako sa loob ng isang cubicle, 'di ko alam kung nariyan pa ba siya sa labas.

Paglabas ko na lamang nakita kong kausap niya si Aleks, magkakilala pala silang dalawa, magkumpare siguro.

Hinintay ko munang umalis sa lugar na 'to yong lalaking iyon, Hindi ko na maalala ang pangalan niya eh, pero hindi siya umalis sa lugar na 'to kundi bumalik lamang siya sa puwesto kung saan siya nakaupo, saka na rin ako bumalik sa upuan ko para maubos ko na rin 'tong kinakain ko.

"Mukhang aalis na rin ako, tapos na akong kumain eh." Sabi niyang bigla sa akin, natawa na lamang ako.

"Ano pa eh, wala ka rin namang gagawin eh haha." Actually, ako meron pang gagawin saka ko nalang sasabihin, hindi ko pa muna 'yon pinoproblema pa.

"Sige kita nalang tayo sa pasokan, madali nalang ang panahon gagraduate na tayo." Saad niya, at nakipagfist-bump siya sakin bilang pamamaalam at respeto narin siguro.

Matapos ang araw na iyon, siguro... Sa tingin ko lang ahh, feeling ko huli na siguro naming pagsasama yon, alam mo kung bakit? Maraming pinagtutuonan ng pansin yon, malaki ang naging impact ng audience view sa kanya, respetado din silang pamilya, at higit sa lahat may girlfriend na ang lalaking iyon.

Okay, way back high school day, lagi yan nasa listahan ng mga nanalo or runner up ng mga pacontest ng skwelahan namin, pero iyong tumatak samin, well for me personally, saming lahat iyong ibalik ang Lakan at Lakambini, lahat nanghula at lahat kay Aleks agad sila unang naghila.

Kasali rin ako nun, pero di ako nanalo, well sya actually ang nanalo, and King and Prince sya noon sa JS Prom namin, oh di ba ang ganda ng mga records, walang makakatalo, kahit ako sinubukan ko, sadyang ang mga dabarkads natin loyal sa ating model.

Moving on, narito ako sa isang event na pupuntahan ko, actually kasama si Mama, nainbitahan si Mama dahil kakilala niya yong Misis ng may-ari ng hotel na 'to, in fairness, nung dumating ako at si Mama, aba 'di ko naman inexpect na red carpet ang lalakaran mo papunta sa main event o lugar dito sa hotel na 'to, imagine-in mo nalang na nakatapak ka sa lugar ng mga 4 star place, ganon iyong feeling.

Gaano kaya katagal bago sila naging ganitong kasuccesful, wala lang, naisip ko lang, kasi ang mga magulang ko, naghahanap buhay lang, yung bang sakto lang, di masyadong maarte, ako lang kasi ang maarte, san ko ba iyon nakuha?

Well base narin naman sa mga katangian ko, bunso, at spoiled ako, oo alam ko naman yun. Hindi ko naman masisi yung mga magulang ko, eh sa, talagang mabait sila sakin, kasi nga bunso ako.

kung tatanggi ako eh, para namang nahihiya ako kung mangyari ang ganon, di ko feel.

Mahigit dalawang linggo nalang, magsisimula na ang aming klase, 3rd year na ako sa kasalukuyang nagaaral diyan lamang sa UST (Hindi ito totoong UST na nariyan haha), mababait kasi ang mga prof doon, isapa, mas maganda ang mga masusungit kasi bet ko sila, at alam ko kung paano pakisamahan.

RelationShit (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon