Chapter 7: Cocktails and War

24 1 0
                                    

Before you read, please read this - Actually, hindi ko sinama yung pagkukwento ni Claws kay Marina (Aka Frenny) ng past niya kung matatandaan niyo yung sinabi niya na "Sige sisimulan natin sa lumuwag ang magulang ko sakin.", may gagawin kasi akong twist para duon.

Samuel Claws POV

Naparami ang kwento ko kay Frenny a.K.a Marina, ito nga palang si Marina, maitim na babae at sadista, yung mapapamura kana lang talaga dahil wala 'tong sinasanto, kahit na ikaw pa ang pinakamatapang na tao sa mundo.

As usual, gawi namin ang maglibang; bale, ang pinaglibangan namin ay ang maglakad sa kalye ng Quezon City, hindi biro lang, narito kami sa loob ng kaniyang boarding house, working student si Marina, at kahit kailan, sa mga inapplyan niya, never siyang hindi natanggap, kasi kung titignan mo palang sa interview, HINDI IKAW ang matatakot kundi yung MANAGER mismo ang nanginginig sa takot kapag nakaharap mo 'tong hinayupak na 'to, totoo 'yun pramis!

"Oh, uminom ka muna." Tinanggap ko ang kalahating-baso ng tubig, "Ito talaga?" Tanong ko, habang bahagya ko itong inalog.

"Oo, bakit may reklamo ka?" Tanong nito at nakapili na rin siya ng kaniyang susuotin, mataba si Marina at malaki ang mga mata, at maninipis naman ang mga kilay.

"Oo, baka kasi 'di safe, kasi-" Ni hindi ko pa nga natatapos ang mga sinasabi ko ehh.

"Nako, nag-inarte kapa, malinis yan, 'di 'yan marumi!" Napatango nalang ako, at nilagay nalang ang baso, sa katabi kong maliit na table. "Nga pala, si Pasquale??" Tanong niya, oo nga pala, hindi ko alam kung asan 'yun, bespren ko ba talaga 'yun?

"Sandali, te-text ko."

'Text:

Pasq! Kasama ko si Frenny, pupunta kami ng bar! Sumama ka!'

then send; alam ni Pasquale na kapag nagyaya ako, may ibig sabihin yun.

"May mga boylet pa bang nangliligaw sa'yo?" Tanong niya, sakto namang nagreply din si Pasquale

'Pasquale:

Ah! Sige-sige, send mo sa'kin 'yung address ni Marina.'

"Ok, sasama si Pasquale..." Saka nireply ko yung place ni Marina o Frenny, napatango naman si Frenny.

"Hmm, sa tanong mo uhmm..." Napailing naman ako, pero alam din ni Marina ang ibig sabihin nun, alam naman niyang meron ehh.

Matagal na ang nakalipas mula nung isa-isa kong hinarap ang mga nanligaw sa akin, nung 16 pa ako, dalawa sila ni Pasquale ang mga saksi sa mga pambabusted ko sa mga ulupong na mga makukulit kong manliligaw.

Pero, ang isa lang na hindi ko ina-yawan ay, siya rin palang aayaw, siguro 17 na ako noon, tas nagkaroon naman ulit nung 1st year na ako sa college, iba't-ibang mga colleges ang mga naglutangan, mga bisexual saka mga straight, lahat may itsura, kasi college na, pero sa lahat ding 'yon, wala rin akong pinalampas, kahit na magalit ang mga fans nila sa akin, eh hamak na ginugulo ako ng mga iniidolo nila.

"Meron? At wala ka namang balak na ibigay sa akin 'yan kung iba-busted mo?" Hindi ko naman mawari kung sine-sermonan ba ako nitong matabang ito, o nagbibiro.

Napailing nalang ulit ako, at ngumiti sa kaniya.

Alam naman niya ulit ang ibig sabihin non.

Ang busted-in ulit ang manliligaw ko.

-

Bar

-

Hindi ako masyadong naglalasing kapag nasa bar ako, maraming posibilidad na magalaw ako, kaya lagi kong kasama si Pasquale sa bar para may acting-boyfriend ako, last time may masamang nangyari sa amin, at duon sa lalaking gusto akong iuwi sa bahay nila, ayun, may giyera sa buong bar, sira lahat ng pwedeng masira, dahil lang duon sa sadistang lalaki na 'yun! Pero buti nalang nandoon si Pasquale, na bespren ko.

RelationShit (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon