Kabanata 1

24 5 0
                                    

Blue and Pink

Safira

"Uy! Saan ka pupunta?" Tanong ng kaibigan kong si Shiela ng mahuli niya akong dahan-dahang naglalakad papalabas ng kubo. Mabilis kong nilagay ang hintuturo ko sa labi niya.

"Shh! Wag kang maingay!" Pabulong kong sabi.

"Anong wag maingay? Gabi na ah, Alas-nuebe na! Ang sabi ni Mrs. Aliado, bawal ng lumabas!"

Balak ko sanang lumabas para pumunta at gumala sa kagubatan. Mas maganda daw kasi doon. May ilog sa kabilang dako nitong camp namin at magaganda daw yung view. Kaso pinagbawalan kami ng Teacher naming masungit na pumunta doon. Kung ayaw niya edi wag siyang pumunta, basta ako, gogora ako don.

"Kaya nga sabi ko nga e. Halika na, matutulog na nga tayo eh.." Hinila ko siya papasok sa kwarto namin.

"Tigas talaga ng ulo mo, day! Kahit kailan ka talaga. Siguro kung di kita nakita, natakasan mo na naman ako. Naku!" Sinapo niya ang kanyang noo at kala mo'y problemadong-problemado.

"Shh. Ikaw na nagsabing gabi na.. Tulog ka na." Sabi ko sabay hila sa kaniya pahiga sa kamang hinihagaan ko na.

"Ewan ko sayo, Aira Safira Minerva! Goodnight. I love you. Subukan mong takasan ulit ako, nako, makakatikim ka sakin. Humiga na siya at pumikit na. Niyakap niya ako.

"Opo.. I love you too. Morlogs na!" Sabi ko at huminga ng malalim.

Bukas na lang siguro ako pupunta. Tatakas ulit ako. Hehehe.

"Magandang umaga mga binibini!" Napanguso ako kaagad ng salubungin ako ng nakakaasar na mukha ng lalaking to.

"Goodmorning din, Natan." Bati ni Shiela pabalik sa kaniya sabay ngiti. Ako ngpatuloy lang sa paglalakad at hindi man lang siya tinignan.

Siya si Natan Lopez. Malandi siya at nakakainis. Pinagkakalat niya sa buong batch ang pagkakagusto niya sakin. Palagi tuloy akong inaasar. Argh. Porket may hitsura at maykaya ay napakayabang na niya akala naman niya tutuwa akong malaman na may crush sa akin. Neknek niya.

"Oh! Mukhang masama ata ang gising ng aking prinsesa. Bakit nakasimangot ka kaagad, Babes?" Isa pa yan sa kinaiinisan ko. Tinatawag niya akong 'Babes' kahit na rinding rindi na ako.

"Paano ba naman kasi ang aga aga e mukha mo agad ang nakita ko." Sabi ko at sarcastic na ngumiti sa kaniya.

"Huh? Grabe naman, Babes. Sakit nun ah.." Napalaki ang butas ng ilong ko lalo na nung tinawanan niya lang yun.

Umirap ako at inunahan na sila sa paglalakad.

Retreat kasi namin ngayon kaya nandito kami sa isang resort. Maganda naman dito at nakakaenjoy at mas masaya dahil isang linggo kami dito idagdag mo pang kasama ang aking bestfriend. Kaso nga lang classmate ko din ang kumag kaya nandito din siya.

"Pagpasensiyahan mo na, Tan. Meron kase yan ngayon." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Pinamulahan ako ng pisngi. Agad akong nagprotesta. Napahalakhak si Natan.

"Talaga? Kailanga mo ng Napkin, Babe? Modess o Whisper? Bibilhan kita." Mas lalong uminit ang pisngi ko ng narinig ko yun.

"No need. Kaya kong bilhin yun para sa sarili ko. Isang truck pa kung gugustuhin ko!" Hiyaw ko sa mukha niya.

Tumakbo na agad sa pila si Shiela na malapit kay Maam Aliado. Ang galing niya talaga! Hindi ko siya malalapitan dahil nandoon ang teacher namin na palaging mainit ang dugo sa akin. Ewan ko kung bakit.

"Loko talaga to si Shiela. Sorry babes." Sinimangutan ko siya.

"Don't you dare talk to me this afternoon Natan! Or even this whole day! Give me peace for even a day! Jesus!" Sabi ko atsaka pumila sa bandang dulo. Matangkad naman ako kaya okay lang. Atsaka, isa pa ayokong magpakita sa teacher namin dahil baka mapagbuntungan na naman ako ng galit niya sa buhay.

Nocturnal's LairWhere stories live. Discover now