Kabanata 4

13 3 0
                                    

Isang babae

Proxima

Binigay ni Etmere ang gamot kay Cespar. Lumuhod si Cespar at inabot ang gamot sa nilalang na hindi nila tukoy.

"Ano to?!" Sigaw niya.

Napakunot ang noo nilang lahat. Hindi maintindihan ang kaniyang sinabi.

"Ğímăķě Ýì řô Mį." (Ipainom mo sa kaniya.) Ang gamot na iyon ay makakatulog upang magkaintindihan sila. Madalas pinapainom ito sa mga Pherodax--- Mga nilalang na naninirahan sa pinakamalamig na parte ng Taetariam---- upang makausap ito ng mga Draxowyn kung sakaling may misyon ang mga sibil sa lugar na iyon. Ngayon ay sinubukang ipainom ito sa nilalang upang magkaintindihan sila.

"Ğįmaķě ij." (Inumin mo) sabi ni Cespar. Inakala ni Safira na ang gamot na binibigay sa kaniya ay para sa kaniyang napilayang paa. Kaya ito ay agad kaniyang kinuha at agad-agad na ininom. Nilunok niya ito ng buong-buo. Maya-maya ay nararamdaman niyang nahihilo siya.

"Magkakaintindihan tayo sa tuwing iinumin niya yan." Narinig ni Safira ang sinabi ng isang binatang may hawak na isa pang maliit na bote.

"Gaguuuuu!! Ang sakit! Sobrang sakit! Wahhhhh! Tulungan niyo ako! Napakasakit!" Nanlaki ang mata ng mga kalalakihan ng magsalita ang babae at ngayon ay naiintindihan na nila ang sinasabi nito.

"Naiintindihan na natin ang nilalang. Iniinda niya ang sakit kaya dapat natin siyang tulungan." Sabi ni Ault.

"Ngunit--" pigil pa ni Bydern.

"Bydern, mukha namang maamo ang nilalang na ito. Mukhang alam din yun ni Gryn kaya niya ito tinlungan. Hindi naman niya hahayaan na makalapit ang nilalang na ito sa atin kung alam niyang mapapahamak tayo."

Napabuntong hininga si Bydern at hinayaan na lamang angkaibigan na Cespar na buhatin na niya ang babae ng walang kahirap-hirap.

"Uy! Saan mo ko dadalhin?! Sino ba kayo?! Bitawan mo ko!" Tanong ni Safira sa lalaki. Kinakabahan siya at baka saktan siya ng mga lalaki at hindi niya alam na ganoon din ang nararamdaman ng mga lalaki tungo sa kaniya.

"Ipagagamot namin ang iyong nabaling paa. Wag kang malikot at baka mas lalong lumala ang iyong pilay." Natahan si Safira at hinayaan na lamang ang lalaki na dalhin siya dahil hindi narin niya kaya ang sakit na nararamdaman niya.

Safira

Kumakalabog ng malakas ang puso ko. Takot na takot ako sa mga maaring mangyari at idagdag mo pa ang napilayan kong paa na pakiramdam ko ay may umusling buto dun. Kanina ko pa pinagdadasal na mahimatay na lang ako kesa naman gising ako at nararamdaman ko ang sakit.

"Nasaang lugar ba ako?" Pagtataka ko sa kaniya. Napansin kong nilabas niya ako sa bahay nila at nakita ko na nakaattach pala ito sa isang higanteng puno. Nais ko sanang itanong kung bakit ganon yung hitsura ng kama nila pero natatakot ako sa makisig niyang mukha na napaka seryoso.

"Sa Taetariam." Kaswal niyang sagot. Naiilang pa din ako kasi nadidikit ako sa... hmmm... abs... niya na medyo mainit at nakakadistract ng bongga. Iniisip ko pa lang na may bakat 'down there' ay nanginginig na ako.

"B-bakit ganito lang ang suot niyo?" Napapikit ako ng tanungin iyon. Hawig nila manamit ang mga spartans pero wala silang mga kapa at talagang yung kulay pulang brief lang ang tumatakip.

"Dahil ito ang tamang kasuotan para sa mamamayan. Wala kaming kayamanan upang bumili ng mas magara pa dito." Sabi niya ng nakatingin sa dinadaanan na mabato at mapuno pero dahil madilim ay hindi ko na masyadong maaninag ang paligid.

Nocturnal's LairWhere stories live. Discover now