Kabanata 3

14 3 2
                                    

Walang saplot

Proxima

"Áņwē ķľàwžìņğ Ñđőý Čūř?" (Translation: Anong klaseng nilalang siya?) Tanong ng isang lalaki na ang pangalan ay Ayri sa kaniyang mga kasamahan na sina Bydern, Cespar, Ault, Etmere at Etran. Pinagtatakahan nila ngayon kung anong klaseng nilalang ba ang nakalatag ngayon sa kanilang kahoy na kamang tulugan.

"Þāhūņ Đāwțēř mí Kolsoko?" (Transalation: Baka anak ni Kolsoko?) Suhestiyon ni Cespar na ngayon ay iniinspeksyon na ang katawan ng babae.

"Lohin! Řìğāťú! Môřhëñ Yì Ķăãyä úpăř Móğhìņ Sūpłə mí Kolsoko!" (Translation: Hindi! Imposible! Masyado siyang maganda para maging anak ni Kolsoko!) Sigaw ni Ault sabay tapik sa kamay ni Etmere na ngayon ay hawak na ang mukha ng babae. Nagiingat sa di tuloy na nilalang sa kanilang harapan.

"Wêñ Ýí éņ Ķìņőķøwêī 'Diyosa'!" (Transalation: Baka siya ang tinatawag na 'Diyosa!') Sabi naman ni Bydern na agad naman inilingan ng lahat na para bang napakahamak ng ideya niya.

"Řìğāťú!" Iling naman agad ni Etran.

"Ýůķwëń Ñîhăýú síyăú mì Yna!" (Translation: Baka kapatid siya ni Ina!) Naisip na naman ni Ayri.

Tulog na tulog ang dalaga at walang kaalam alam na kanina pa siya pinagmamasdan at iniispeksyon ng mga lalaking nandoon sa bahay na kaniyang kinalalagakan.

Napatango ang lahat sa sinabi ni Ayri.

"Húśýí! Ķąłô Ķāfĕzei Mí Yna! Húśýí! Húśýí! Ķāfĕzei Mí Yna!" (Translation: Tama! Kahawig niya si Ina! Tama! Tama! Kahawig niya si Ina!) Nagsi-sangayunan ang lahat ng nandoon sa loob ng bahay. Magkababata sila lahat at naninirahan sa iisang tahanan.

Samantalang si Safira at tulog parin dahil sa pinainom sa kaniyang gamot kanina. Pinatulog siya dahil hindi pa nila alam kung anong uri ng nilalang si Safira. Baka sila ay saktan nito o kaya naman kainin tulad ng ginagawa ni Kolsoko na halimaw na lahat ng maaamoy niyang lalaki sa paligid. Papatayin at kakainin.

"Şłô mí Gryn?" (Translation: Ang tagal naman ata ni Gryn?) Pagtataka ni Cespar.

"Hûmé mí Hăłţã Meshophan. Įłýãmî đæg Bôýúś!" (Translation: Baka inutusan ni Haring Mesophan. Alam niyo namang maraming gawain ang taong iyon.) Sabi naman agad ni Bydern.

Sa gilid ay nagtitimpla ng kung ano-anong gamot ang kambal na sina Etmete at Etran. Puno doon ng mga halamang gamot at mga kabuteng iba't-iba ang kulay. Ang kambal na ito ay nagbebenta ng mga Potion at gamot na binibente nila sa kanilang mga katribo sa murang halaga.

"Cespar! Ault! Míńwé ĺú bă ķăwê, přwé? Wæŕ āříķâw mířéýķã.." (Translation: Cespar! Ault! Hindi ba kayo nababagala sa maaring mangyari sa atin? Baka tayo ay mapasama sa ating Hari..) Wika ni Bydern na salungat na sa planong pagdala ng babae sa kanilang tahanan noong una pa lang dahil alam niyang may batas na nakasaad na bawal silang basta bastang magpasok ng ibang nilalang sa kanilang bayan ng walang pahintulot sa kaharia.

"Lohin.. Mî Gryn Ýį Łãříhā.." (Translation: Hindi.. Si Gryn ang bahala sa atin.) Sabi ni Cespar na buo ang tiwala sa kanilang pinuno na si Gryn.

Samantala, si Safira naman ay unti-inti nang naaalimpungatan dahil sa kanilang ingay. Tapos na din ang epekto ng gamot na pinainom ni Etran sa kaniya. Napatigil ang anim sapagk-kwentuhan.

"Hìķāmœ! Mijăņí!" (Trns: Magigising na siya! Tago!) Kinakabahang utas ni Etmere. Pinangangambahan nila na baka delikadong nilalang babae. Ang suspetya pa nila ay kalahati ito ng halimaw na si Kolsoko na kaninang humahabol kay Safira.

Lumipad sa baba ang anim at nagtago sa mga sulok ng tahanan. Lahat sila ay kabado sa maaring gawin sa kanila ng nilalang.

Dahan-dahang namulat si Safira. Agad siyang nagtaka dahil hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung nasaan siya. Napkunot ang kaniyang noo ng makita ang taas ng kisame. May mga dahon-dahon ng puno. Luminga siya sa paligid at umupo sa kahoy na kama. Napanguso siya at agad na tumayo. Ngunit isang apak pa lamang niya ay agad siyang nawalan ng balanse at agad na nahulog sa unang palapag ng bahay.

"Arayyyy!!!!" Sigaw niya ng mauna ang kanang paa sa sahig. Naramdaman niya na may nabaling buto doon at agad siyang namilipit sa sakit. Umiyak siya ng pagkalakas-lakas at agad na nataranta ang anim na binata.

Nagtataka siya kung paano siya nalaglag. Tumingala siya at nakita niya ang isang kama na nakalagay sa halos bingit na ng sahig na kahoy. Umiyak siya dahil sa sakit na nararamdaman sa kaniyang paa. Minura niya ang sarili dahil sa katangahan.

"Put@n]~€a ka Safira! PaK<€₩. G@gœ$@!*!" Lahat na ata ng alam niyang mura ay nabanggit na niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Mî ýæmô!" (Tulungan natin siya!) Agad na nagtangkang lumipad si Cespar sa babae ngunit agad siyang pinigilan ni Bydren na nagdadalawang isip pa din.

"Ņîýâťé Śíķąwě Lįyó kwāțà!" (Hindi tayo siguro na ligtas nga siya!) Sabi ni Bydern kay Cespar.

"Jęķí ýí! Ĺîmāķè hímbâñá." (Nasaktan siya! Kailanga natin siyang tulungan.) Sabi naman ni Etmere.

"Műýé!" (Tama!) Pagsangayon naman ni Ault at ni Ayri. Wala ng nagawa si Bydern at hinayaan na lamang ang kaniyang mga kaibigan sa kanilang gustong gawin.

Halos mawalan ng hininga si Safira sa sobrang sakit na nararamdaman niya isabay pa ang kaniyang pag-ngawa. Pakiramdam niyang iniiwan siya ng kaniyang hininga at kaluluwa.

Imbis na gamitin ang mga pakpak ay lumakad na lang si Cespar at Ault patungo sa kaniya. Nagulantang si Safira ng makita sila sa kaniyang harapan.

"Juskupo!" Napaiwas siya ng tingin sa mga lalaki at tinagilid ang ulo. Paanong hindi sya magugulat? Isang kapirasong tela lamang ang tumatakip sa pang ibabang parte nila at puro na sila mga hubad! Jusko. Ang birhen niyang mga mata!

Inakala niya na sa sobrang sakit ng pilay niya at ng kaniyang nananakit na balakang ay nag hahalucinate lang sya at nag-iimagine ng mga lalaking mala machete ala James Reid, Daniel Padilla, Enrique Gil at marami pang iba. Ngunit hindi... totoo sila. Totoong totoo sila.

"Kãříhā! Kãříhā! Etran! Miķāņű!" (Bilis Etran, Gamot!) Sigaw ni Etmere sa kaniyang kambal na agad namang kinuha ang dalawang bote na may pulang likido. Naningkit ang mata ni Safira. Anong salita yun? Parang ngayon lamang niya narinig ang lenggwaheng yun.

"Sikalu! Mi pilaeh." (Ipainom mo sa kaniya.) Magalang na sabi ni Etmere sa nakatatandang si Cespar. Napalunok si Safira habang tinitignan ang anim na lalaki. B-bakit wala silang mga saplot? Sa sobrang kirot ng paa ay hindi na niya kaya pang magsalita.

Be! Nasa langit na ba ako? Bakit parang heaven yung view na to? Kingina. Ang ggwapo oh! Napasinghap siya dahil sa kaniyang naiisip. Bakit niya pa naiisip yun eh namimilpit na siya sa sakit dahil sa nabali niyang binti? Hayss! Iba ka talaga Safira!

Nocturnal's LairWhere stories live. Discover now