-Isang Draxowyn-
Safira
"Ngayon lang talaga kayo nakakita ng babae?" Tanong ko pa. Wala na ang sakit na nararamdan ko sa binti ko kanina. Mukhang epektibo at magaling ang mga dahong binigay niya sa akin.
"Oo. Noong bata pa kami ay sobrang inggit na inggit kami kay Gryn. Isa siyang magiting na mandirigma kaya may karapata siyang lumabas ng gubat. Noon daw ay nakakakita na siya ng mga babae. Ngunit ngayon, nandito ka na!" Kanina pa yang Green na yan kanina pa siya nababanggit. Tatay ba nila yun?
"Magiting na mandirigma? Ano ba siya sundalo?!" Tanong ko.
"Sundalo? Ano iyon?" Napakunot ang noo niya.
"Hindi mo alam kung ano ang isang sundalo?" Mangha kong tanong. "Yung mga lalaki at babaeng may mahahabang baril at nakikipagbakbakan sa mga kaaway." Paliwanag ko pa with imaginaring mahabang baril tapos may kunyari may niraratrat.
"Baril? Ano iyon?" Mas lalong nadagdagan ang pagtataka ko. Bakit parang ang dami nilang hindi alam? Ganito na lamang ba kasukal ang gubat na ito na wala na silang alam sa kung anong meron sa lungsod?
"Hayy! Yung nakakamatay! Hindi mo yun alam?" Napairap ako sa kaniya. Napansin ko naman na naigagalaw ko na ang aking binti at hindi na ako gaanong nasasaktan..
"Pasensiya na." Napansin niyang nairita ako. "Oo nga pala. Ano ang iyong pangalan babae?"
"Ako si Safira. Ikaw si Jayco hindi ba?"
"Kilala mo ako? Paano mo nalaman?" Manghang tanong niya.
"Rinig kong sabi ni Cespar na yun eh." Sabi ko sabay irap ulit sa kaniya.
"Jayco, nandirito na sila." Biglaang sulpot ni Cespar dala ang kaniyang mga hubad na.... katropa. Nakakainis. Nakakadistract naman talaga yung mga abs nila oh. Bakit lahat kasi sila ganyan yung damit? Tapos yung bakat pa nakakawalang respeto. Napapikit ako kaagad at napaiwas ng tingin.
"Totoo ba ang sinabi ni Cespar?" Biglang lumapit sa akin ang isa at tinanong ako.
"Ano? Kung babae ako?" Tumango silang lima. Napabuntong hininga ako.
"Oo. Isa akong tunay na babae. Hindi bakla at mas lalong hindi tomboy. Hindi transgender!" Sabi ko sabay taas ng kilay sa kanila. Gabi na pala. Napatingin ako sa labas at nakita kong may usok. Nakakatakot.
"Kung ganoon. Natutuwa kaming lahat na makilala ka." Isang karangalan na sa wakas ay makakita na kami ng babaeng tulad mo.
"Hindi nga? Ngayon lang kayo nakakita ng babae? Nasaan ang nanay niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mga nanay? Isa lamang ang aming Ina. Nasa paligid lamang siya at ginagabayan kami." Naningkit ang mga mata ko.
"Isa lang? Paano nangyari yun?"
"Biyaya siya ng Diyos samin at siya ang ina namin lahat."
"Huh? Joke time ba to? Pakipaliwanag nga!" Sabi ko sabay tayo ng maayos. Woah. Effective talaga yung mga dahon. Kung sa hospital to tiyak sesementuhin yung paa ko o baka putulin! Nyaaah! Nooo!
"Ipapaliwanag namin ang lahat. Nais lamang naming makilala ka at makilala mo din kami."
"Okay. Kayo ang bahala." Napahikab ako. Inaantok ako bigla at malamig pa dito kaya masarap matulog.
"Ako si Ault. Labing pitong taong gulang. Ikinagagalak ko makakita na sa wakas ng isang babaeng tulad mo." Sabi niya sabay luhod ng isang tuhod sa sahig. Luh siya oh, napangiwi ako sa ginawa niya.
YOU ARE READING
Nocturnal's Lair
FantasyAira Safira Minerva's known for being reckless and adventurous. Mahilig siyang tumuklas ng mga bagay at lugar na maari niyang kuhaan ng litrato para sa kaniyang hilig sa photography. She never thought that violating rules may harm her until one day...