Beki Words
Safira
"Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap! Tinakasan mo na naman kami!" Ayan agad ang bungad ni Shiela na pawisan at Hagardo Verzosa ang peg.
"Sorry na. Nagpaiwan lang naman ako saglit dun sa garden eh." Tahimik at kakaiba ang tingin sakin ng mga kaklase ko. Pati daw kasi sila nadamay sa paghahanap sa akin.
"Safira, tandaan mong retreat 'to! Hindi to bakasyon para magliwaliw ka kung saan-saan! We are supposed to be in a group. Ang tigas talaga ng ulo mo!" Sabi niya sabay talikod at umupo siya sa isang upuan katabi ng mga kaklase ko na nakapalibot sa akin.
"Okay fine." Sabi ko sabay kunot ng noo.
"Alam mo ba kung anong nangyari kay maam?" Tanong ng isa kong kaklase na si Luisa.
"Ano?" Malamig kong utas.
"Muntik na siyang atakihin. Dahil alam niya, na kapag may masamang nangyari sa kahit na sino sa atin, siya ang sisisihin." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Really? I bit my lip. Sht.
"Sayang, akala ko masisiyahan ako ngayong araw. Nasira tuloy." Rinig kong sabi ni Chalie.
"Kaya nga ang saya na dun sa Maze eh!" Sabi naman ni Jam at lumingon sa akin para umirap.
"Saan ka ba kasi nagpunta?" Inis na tanong ng iba na di na ako nag-abalang sagutin pa.
Narinig ko ang bawat buntong hininga nila dahil sa sobrang tahimik. Hotseat parin ako at natigil lang ng dumating ang dalawa pa naming kaklase'ng lalaki. Lumakad ako at umupo sa isang bakanteng upuan sa gilid.
"I have an announcement!" Umangat ang tingin ko sa nagsalitang si Ronnie. Presidente namin. Matabang ang boses niya at wala sa mood.
"Ano?"
"Kamusta na si maam?"
"Ano nang nangyari?"
"Diba ang sabi isang linggo ang stay natin dito?" Tumango ang mga kaklase ko. "Ngayong araw na ang ikatlong araw natin. Imbis na isang linggo ay apat na araw na lang. Hanggang bukas na lang tayo ng gabi dito." Maaksyong nagsinghapan ang mga kaklase ko. Gulat na gulat at dismayado. Maging ako! Juskupo! Hindi ko kayang isuksok sa ulo ko na ako ang puno't dulo ng lahat.
Napatingin ang iba sa akin. Ang iba ay yumuko na lang.
"Ano ba yan! Safira naman kasi eh!" Angal ng iba sa akin.
"Sayang naman.." malungkot na sabi ng isa.
"Kala ko magiging masaya to. Hays. Nasira lang."
"BADTRIP!" Sabi ng mga lalaki na biglang nagsibabaan sa cottage. Napapikit ako ng mariin at napailing. Naramdaman kong may lumapit sa akin.
"Bakit ba kasi natagalan sa Garden?" Maarteng tanong ng isa sa mga kaibigan ni Tara sa kaniya. Nagkibit balikat si Tara at nagtaas ng kilay. Tumingin siya sakin at agad naman akong umiwas ng tingin.
"Natagalan! Syempre, nag reunion sila ng mga kamag-anak niyang higad!" Sagot ni Tara na pagkalakas-lakas. Nagtawanan ang mga kaibigan niya.
Bumilis ang paghinga ko at napakagat sa aking labi. Gusto ko sanang sumagot kaso sumabat si Shiela.
"Oh talaga?! Tara?! Bakit di mo kaya ikwento sa mga kamag-anak mong Chimpanzee doon sa zoo yang kagagahan mo?!" Hiyaw niya. Napatayo ako bigla doon. Napatingin sa kaniya ang grupo nila Tara. Nagulat sa pagsagot niya.
"Lah? Sino ka po? Kausap ka teh?" Sagot ni Tara.
"Aba't marunong ka palang mag-po? Magalang ka pala? Kung ganon pala eh bat di mo magalang yang sarili mo? Sa sobrang landi lahat na ata ng lalaki sa schol natin kinamot ka na sa sobrang kati mo!" Nanlaki ang mata ng lahat ng nanonood.
YOU ARE READING
Nocturnal's Lair
FantasyAira Safira Minerva's known for being reckless and adventurous. Mahilig siyang tumuklas ng mga bagay at lugar na maari niyang kuhaan ng litrato para sa kaniyang hilig sa photography. She never thought that violating rules may harm her until one day...