Kabanata 6

6 3 0
                                    

Wide awake

"Pero bakit ka may pakpak? Pinaglihi ka ba sa manananggal?" Tanong kong nahihintakutan.

"Kasi nga draxowyn ako at hindi ako pinaglihi sa nilalang na iyon. Hindi naman nahahati ang katawan ko." Kumunot ang noo niya.

Pilosopo to si pogi. Hmp. "Bakit sila ano, sila, yung mga nandun kanina-- sila Cespar? Bat walang ganyan? Tukoy ko sa pakpak niya na nakatago na ngayon. Ngumuso ako ng mas lalong kumunot ang noo niya.

"Mayroon din silang mga pakpak."

"Ha? Wala ah!" Giit ko pa kahit hindi ko naman talaga sure.

"Mayroon. Magiging Draxowyn ba ang mga iyon kung wala silang pakpak ng Dragon?" Napasinghap ako. So means yung mga lalaking iyon kanina ay halimaw din?!

"Lahat ng tao dito may pakpak?! Goash. Ano ba to! Ang lupet ng panaginip na to."

"Sinong nagsabi sayong nananaginip ka lamang? Taas kilay niyang tanong. Natatawa. Kanino? Sakin!

"Panaginip lang to!" Kumbinsi ko sa sarili ko. "O kaya naman sabog lang ako kaya kung anu-ano na lang naiimagine ko." Ngumisi siya at umupo sa gilid ng mga bato.

"Hindi nga sabi. Totoo kami dito sa Taetariam pero sa mundo niyo hindi." Iling niya atsaka dumampot ng bato at ibinato sa ilog.

"Weh? Talaga? No way! Hindi ako naniniwala. Sa buong buhay ko nga di pa ako nakakakita ng multo eh, kahit ilang beses na akong nagtry na gumamit ng Quija board. Sa gaya niyo pa kaya? What the hell! Sana gisingin na ako ni Shiella. Sht. Todo tulo na siguro laway ko ngayon." Sabi ko sabay iling sa sarili. Isinusuksok ko sa utak ko na nananaginip lamang ako. Hindi maaaring totoo sila. Hindi. Juskonamawn.

"Paano ka gigising kung hindi ka naman talaga natutulog, hindi ba?" Napalunok ako sa sinabi niya. Puno ng senseridad at kaseryosohan ang bawat salita niya. Kinakabahan na ako. Mabubuang na yata ako, gosh!

"Pero masyadong imposible to!" Sigaw ko sa kaniya.

"Posible ito. Kaya hinaan mo yang boses mo para hindi ka marinig ng mga sibil at nang makabalik ka pa sa inyo." Kumalabog ang puso ko doon.

"Bakit ano bang mangyayari kung mahahanap ako ng mga sibil na iyon?" Curious kong tanong.

"Ikukulong at lilitisin. Ang mas malala pa, papatayin ka sa pinakamasakit na paraan ng pagkamatay." Bahagya niya akong nilingon at mapaglarong ngumisi sa akin. I hate that smirk!

"Bakit naman?"

"Dahil iyon ang patakaran dito sa amin. Kapag ilegal ka, patay ka. Kaya kung ayaw mo pang mamatay ay manahimik ka diyan." Agad kong sinara ang bibig ko sa takot na totoo nga ang mga sinasabi niya.

Pinili kong manahimik habang nakaupo sa malaking bato. Tahimik din siya. Nakaupo sa batuhan at nakakalumbaba. Napako ang tingin ko sa likuran niya. May malaking peklat doon pero di ko masyadong makita ng maayos dahil buwan lang ang ilaw namin.

Napasinghap ako at napaiwas ng tingin. Nilingon niya kasi ako at natatakot ako na mahuli niya akong nakatingin sa kaniya, particularly sa likod niya.

"Tss." Yun lang ang narinig ko sa kaniya. Nilingon ko siya at nakatingin na naman siya ngayon sa kawalan.

Napahikab ako. Inaantok na ako at naboboring dahil wala na akong ibang naririnig na ingay sa buong paligid bukod sa mga kuliglig sa paligid.

"Hindi ka ba inaantok?" Tanong ko sa kaniya na may halong pagpaparinig. Gusto ko kasing bumalik na doon para makatulog na ng maayos. Feeling close man at makapal ang mukha pero ganoon talaga, kailangan ko ng kama!

Nocturnal's LairWhere stories live. Discover now