Kabanata 8

18 3 2
                                    

Salu-salo
part 1


"Anong nangyari? Ninakawan ka ba ng mga gabelon? Sinaktan ka ba?" Sunod-sunod na tanong niya na di ko nasagot dahil sa ayos ko ngayon.

"Green! Sandali lang! Ilapag mo muna ako!" I yell at him dahil sobrang hiyang-hiya ako. This is the first time na may nakakita sakin sa ganitong ayos. Nakapanty't bra lang ako.

"Bakit?" Sabi niya at agad naman akong sinunod. Binaba niya ako sa isang malaking bato. Umupo ako doon at tinakpan ang sarili ko sa abot ng aking makakayang takpan.

"H-hini mo ba nakikita? Nakahubad ako!" Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko pero siya ay nananatiling walang reaksyon. If Natan is in his place right now, aba'y hindi ko na lang talaga alam! Baka tumulo na laway nun pero siya ayan parang walang babaeng nakahubad sa harapan niya.

"Nakahubad din naman kami." Mas lalong nag-init ang mukha ko. Napapikit ako. Shit. Anubato!

"Look, dito sa inyo walang kaso ang paglalantad ng katawan, pero sa amin, meron! Hindi ako tulad ng ibang babae samin na kayang ilantad ang katawan sa harap ng ibang tao mas lalo na sa harap ng isang lalaki!" Paliwanag ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay. Parang may inaalala siya at ilang saglit lang ay tumingin muli siya sa akin. Ngayon ay nagkaroon na ng pagka-ilang sa mata.

"Patawad." Biglaan niyang sabi. "Hindi na natin makukuha ang mga damit mo sa gabelon na iyon." Tumigil siya at malalim na nag-isip.

"Hahanapan kita ng ipantatakip. Sandali lamang." Utas niya atsaka naglabas ng pakpak at lumipad.

Sobrang dilim na ngayon at kung tutuusin hindi na naman niya makikita ng maayos ang katawan ko. Pero syempre dahil dalagang pilipina ako kaya kailangan.

Mabilis siyang bumalik dala ang dalawang dahon ng saging---na extra large----oh, pag di pa natakpan buong katawan ko niyan ewan ko na lang.

Binaling niya sa ibang direksyon ang tingin niya habang iniikot ko sa katawan ko yung dalawang saging.

"Salamat. 'Lika na, bes. Diba may pupuntahan pa kayo?" Sabi ko. Ibinalik na niya ang tingin niya sa akin. Hindi siya sumagot. Binuhat lang niya ako at lumipad na para makabalik sa tree house nila.

Pagkarating namin ay nakita ko ang anim sa tanggapan at mukhang kanina pa sila naghihintay.

Gulat sila ng makita ang ayos ko. Basa ang buhok at tinatakpan ng dahon ang saging ang katawan ko. Nanginginig na din ako sa lamig.

"A-anong nangyari? Bakit ganyan ang ayos mo, Safira?" Gulat na tanong ni Ayri at nilapitan ako.

"May violet na nilalang na nagnakaw ng damit ko sa ilog. Haysss!" Inis na utas ko habang inaalala yung panget na mukha nung ala-goblin na yun.

"Ninakawan siya ng isang gabelon." Sabi ni Green. Bumaling siya sa Kambal na ngayon ay may dalang mga tela. Gray at yung isang mahaba maroon. "Akin na yan." Matigas na sabi ni Green at inabot naman ng kambal sa kaniya.

"Isuot mo yan." Sabi ni Gryn sa akin.

"Ayos ka lang ba, Safira? Sinaktan kaba ng mga gabelon? Nakalmot ka ba?" Nagaalalang tanong ni Bydern, Cespar at Ault. Umiling agad ako sa kanila at ngumiti.

"Hindi naman. Ayos lang. Don't worry boys!" Kumindat ako sa kanila. Napakunot ang noo nila at naloka ako ng ipikit din nila yung isang mata nila. Para bang ginagaya nila yung ginawa ko. Tumawa ako sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nocturnal's LairWhere stories live. Discover now