Kabanata 7

8 3 0
                                    

Here comes the real updates! Buti sinipag. Harhar. Enjoy *Heart emojis*

Sungit

Safira

Tulog na tulog sila. Wala akong magawa kaya nilibot ko na lang yung bahay nila na nakaattach sa malaking puno.

Kapag lumabas ka sa kahoy na pinto ay malulula ka sa taas ng kinalalagakan ng bahay na ito. Kakaloka. Nasa pinakatuktok pala to ng isang bundok at napakaganda ng tanawin dito. Mahangin at breath taking a view.

Sa kaliwa ay may asul na dagat na napakapayapa. Palitaw naman ang araw sa kanan at nakita ko doon ang mas maraming treehouse, iisa lang ang hitsura. Bakit ang layo ng bahay nila sa iba nilang katribo? Ang malapit lang na bahay dito ay yung bahay nila Jayco na pinuntahan namin kagabi.

Ang sarap kuhanan ng picture!

Bigla akong napasinghap. "Yung camera ko!!" Omg! Nasaan na yun?! Kasama ba yun sakin nung niligtas ako dun sa may sipon na halimaw?! Omygash! Pinag-ipunan ko yun tas mawawala lang? Noooo.

Bumusangot ang mukha ko. Baka naman nakuha din nila? Sige. Tatanungin ko sila pag-gising nila mamaya. Huhu.

Napalingon ako sa langit ng makarinig ako ng pagpagaspas ng mga pakpak. Napakurap-kurap ako ng makita kong lumilipad papunta rito ang shet... gwapo?! Oo gwapo! Takte yan. Swiftly and mystifying, lumapag siya sa terris kung saan ako nakatayo.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Kunyari tumatanaw sa view kahit siya naman talaga yung tinatanaw ko kanina.

Naramdaman kong huminto siya para tumitig sa akin. Iginilid ko ang mata ko at nasamid ng malaman na tama ako. Titig na titig siya sa akin na para bang inaanalyze niya ako.

"Oh baket?" Taas noo kong tanong sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Seryosong tanong niya. Wala na ang pakpak niya at napakurap ako.

"Wala. Tumitingin sa view." Nakanguso kong sabi.

"Sige lang. Tumanaw tanaw ka lang diyan at wag kang mag-ingat para ikamatay mo ng mas maaga." Sabi niya pa atsaka pumasok sa loob.

Tsss! Sungit!!

Nang bigla kong maalala yung tungkol sa camera ay agad akong pumasok para sundan siya.

"Hey, hey, Green!" Sigaw ko sa kaniya.

"Shhh! Hindi mo ba nakikitang natutulog na ang mga tao dito?" Impit na inis na sigaw niya ng nilingon niya ako.

Kumunot ang noo ko. Umirap ako sa hangin.

"Sungit mo! Magtatanong lang eh! Yung camera ko nakita mo ba? Yung DSLR ko? Dala ko yun sa gubat nung araw na hinabol ako nung halimaw." I put my hopes up. I wish he would say yes. Please, Lord. Sana nasa kaniya.

Pero gumuho ang mundo ko ng sabihin niyang;

"Nahulog sa bangin kasabay mo. Hindi ko na sinalo dahil akala ko---"

"Bakit hindi mo sinalo?!" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kaniya.

Natigilan siya. "Edi sana sinabi mo sakin na iyon muna ang saluin ko kesa inuna kitang sagipin sa pagkakahulog." Mariin ang titig niya sa akin. Hindi ako sure pero parang may galit. Ewan ko kung bakit.

Nocturnal's LairWhere stories live. Discover now