CHAPTER 1 - SCHOOL

8.1K 209 3
                                    


Ella's POV

"Princess gising na." Paggising sa akin ni Yron. My twin.

"5 minutes." Saad ko at nagtakip ng unan sa mukha. Hinila niya naman iyong unan. Hmmp. Nakakainis itong baklang to.

"Kuya naman eh! -3- I'm sleepy!" Saad ko at akmang hihiga ulit ng binuhat niya ako at ibinagsak sa bath tub! Shit! Ang lamig ng tubig! Kaya ayokong dito siya natutulog eh!

"Ngayong araw darating si Mom and Dad. Nakalimutan mo ata?" Nakataas kilay niyang tanong. Psshhh. Bakla.

"Bakla!" Saad ko. Naghagis naman siya ng Ice sa tub. Shit. Lalong lumamig! Nagtataka ba kayo kung bakit may ice? Pshh. Edi magtaka kayo. Pfft. Joke lang.

Meron kaming powers. Hindi kayo naniniwala? Hindi rin ako naniniwala noong una hanggang sa lumabas iyong powers ko. Hmmp. Hindi ko nga alam kung kami lang ang mayroon nito. Actually lahat kaming magkakaibigan meron. Nakakapagtaka nga eh. Noong una nakakagulat pero ang cool rin pala. Ang saya kaya. Kung 'yung iba nagfi-freak out pwes ibahin niyo kami. Haha. Nalaman ko ang about sa powers na ito last year.

Flashback

Dilim. Puro dilim ang nakikita ko.

"Sana magising na siya." Rinig kong saad ng isang lalaki. Nasaan ba ako. Bakit wala akong makita? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Pshh. Nakapikit lang pala ako. Unti unti kong binuksan ang nga mata ko at may nakita akong lalaki sa may bandang side ko at pinapalutang ang mga prutas. Sa sobrang gulat ko ay nalaglag ako sa kama.

"Naku." Saad ng babae na nasa mid 40's na ata. Inalalayan nila akong makaupo ulit. Pinakatignan ko sila. Sino ba sila? Nasan na ba ako? Teka. S-sino ako?

"S-sino kayo?" Saad ko. Hinawakan ko naman ang ulo ko ng bigla itong sumakit.

"Okay ka lang ba Ella?" Tanong ng lalaking nagpalutang ng prutas.

"E-ella? Iyon ba ang pangalan ko?" Tanong ko. Nagulat naman siya at tumingin sa babae at lalaking mukhang matanda na.

"Ah. O-Oo. Ikaw si Jamilla Mikaella Yzyra Montellano. A-ako naman ang Mommy mo." Teka. Parang may mali. Pshh. Nevermind na nga lang.

Ikinuwento nila ang lahat sa akin. Pamilya ko sila. Ang nagpalutang ng prutas ay kambal ko raw na si Jefferson Mavi Yron Montellano. Mary and John naman ang pangalan ng parents namin.

Naaksidente raw kami ng nga kaibigan ko. May nagsabotahe raw ng sinasakyan namin. Tinanong ko sila kung bakit kami sinabotahe. Ang sagot nila ay dala ng inggit ng pagiging Rank 1 sa Underworld City. Wala akong maintindihan. Ano iyon?

Ipinaliwanag rin nila sa akin na may kapangyarihan kami. Pati na rin ang mga kaibigan ko. Kailangan naming itago sa mga tao ang totoong kami.

"N-nasaan na po ang mga sinasabi niyo na kaibigan ko?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa kabilang kwarto sila anak. Ang sabi ng Healer na nagpagaling sayo ay maaari ka na raw madischarge. Sa pagkakaalam ko ay gising na rin ang mga kaibigan mo." Saad ni M-Mommy at ngumiti. Nginitian ko na lang rin siya. Hindi pa ako sanay eh.

After kong madischarge ay pumunta kami sa kwarto na sinasabi nila Mom.

Nakita kong may nakaupong dalawang lalaki at apat na babae. Sila na siguro iyon. Mukha silang pamilyar sa akin eh.

"I-Ikaw ba si Zyra?" Alanganing tanong ng isang babae.

"A-ako nga." Saad ko at yumuko. Mukhang hindi ata nila ako ituturing na kaibigan ulit.

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now