Yzada's POVBinuksan na ni Apoy ang pinto. Nagkasalubong kaming lahat doon malapit sa clinic eh tapos heto kami ngayon nagtutulakan kung sinong magbubukas ng pinto at si Apoy na nga ang nagbukas.
Pumasok naman si Apoy at nag-unahan naman silang pumasok kaya heto nahuli ako. Biglang tumahimik ng makapasok ako at napako ang mga mata ko sa isang nilalang.
Yko's POV
"Tito how's everything? Maayos ba ang first day?" Tanong ko kay H.M at nangalkal ng makakain sa ref niya. May nakita naman akong ube ice cream na nakalalagyan at kinuha iyon. Yzada's favorite. Kumuha naman ako ng kutsara sa itaas ng ref.
"Everything is fine pamangkin. No worries." Punta naman ako sa sofa at doon kumain.
"How about the unidentified for or Ally?" I ask.
"They aren't allies. No updates about that."
"Hey that's not mine! Give it back to me!" Eh?? Ngayon niya lang ata napansin na kinuha ko ito. Ang busy ksi ni Tito eh. No wonder kung bakit walang nagkakagusto sa kaniya. Maliban na lang kay Goddess Tasha.
"Ehh? Bakit nasa ref mo kung hindi sa'yo? Ayaw mo lang na kainin ko eh. Tss." Saad ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang mga royalties. Teka? Si Cassy ba 'yon? Hindi kaya....
Natuon ang paningin ko sa huling pumasok at parang naghalo halo ang emosyon ko. Lalapitan ko na sana siya ng...
"Fire Blast!" Magbuga siya ng apoy. Tumakbo naman ako para iwasan iyon. Teka bakit ba siya nagagalit?
"Ice Freeze!" Saad niya and this time nafreeze na ako pero ang nakakapagtaka ay hindi na Freeze yung ice cream na hawak ko. Agad naman siyang lumapit sa akin. Akala ko finreeze niya ako para yakapin 'yun pala para kunin yung ice cream na nasa kamay ko at nakita ko siyang nangingilid ang luha.
Padabog naman siyang lumapit kay H.M at ibinaba 'yung ice cream doon.
"Tito naman eh! Bakit mo pinakain sa kaniya?! Alam mo naman na favorite ko 'yun eh!" At bumuhos na nga ang mga luha n'ya. Nilapitan naman siya ni Jade at binuhat. Umupo naman siya ni Jade sa lap nito at nagngangangawa.
"Hey. Stop crying. Ibibili kita ng ice cream mamaya. Kahit ilan. Just stop crying. Please." Saad ni Jade habang pinupunasan ang luha niya. Mana talaga kay Mommy. Parehong galit kapag nakuhanan ng pagkain. Lagot ako nito kay mommy. Pero hindi ngayon ang oras para doon. Pinagmasdan ko lang siya mula dito. Ang laki ng pinagbago niya. May laman na siya at mas pumuti siya. Bumagay sa kaniya yung buhok niyang hanggang balikat. Naiiyak na ako. Naiiyak ako sa lamig at sa pangungulila sa kaniya. Na-miss ko siya. Gusto ko siyang yakapin ang kaso nandito ako. Nafreeze.
Nilalamig na ako dito wala bang gustong tumulong?
Napansin naman ako ni Brother Yvan. Hays. Buti naman napansin ako ni Lil Bro. Unti unti namang natutunaw ang mga yelo sa tingin niya. Tila nanlambot ako ng mawala ang yelo.
Tumahan na rin si Zada sa kakaiyak. Lumapit naman ako sa kanila at nakita ko'ng may ibinulong si Jade sa kaniya. Tumayo naman siya at nakatulong lumapit sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip na sunggaban siya ng yakap. Doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Na-miss ko siya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik at pagtapos ng mahina sa likod ko.
"Zada. Our baby." Saad ko habang lumuluha. Wala akong pakialam kung mukha akong bakla sa paningin niyo ang importante ay nakita na namin si bunso.
"My ghad! Na-miss kita bunso." Saad ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap.
"Matutuwa sila Mommy at Daddy kapag nalaman nilang buhay ka. Kahit ang anak mo." Puro ako salita dito pero wala siyang ni isang sinabi at doon na ako humiwalay sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha niya at itinaas ito. Lungkot at saya ang makikita mo rito pero walang pangungulila.
"I'm sorry." Saad niya habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Bakit ka nagso-sorry? Hindi ka dapat mag-sorry." Saad ko sa kaniya at pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata niya.
"Kung 'yung kanina ang iniisip mo okay lang, kasalanan ko, pinakialaman ko kasi----"
"Hindi kita maalala. Hindi ko sila maalala. Wala kaming maalala. Wala akong maalala." Pagpapahinto niya sa akin na nagpasikat sa akin. Niyakap ko siya ulit at buhos ng naman ang luha ko.
"Huwag kang mag-alala tutulungan ka naming makaalala Zada. Tutulungan namin kayong makaalala." Saad ko habang umiiyak. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng hindi ka maalala ng kapatid mo. Ang sakit.
Third Person's POV
"Nga pala. Ipinatawag ko kayong lahat para sabihin na bukas ang balik ng mga prinsesa sa kanilang kaharian. Kris sasamahan mo si Yza dahil ikaw ang guardian niya. Jade at Jake sasamahan niyo rin siya. And Irene alam ko gusto mo ring sumama sa kanila. Sumama ka na rin sa kanila Jeff. Cassy sasamahan ka ni Zion na guardian mo at ni Matt and Azul. Aysha and Amber sasamahan kayo ni Kirra na guardian niyo and Kyle, Xandra, at Zach. Now it's settled. 'Yun lang." Mahabang paliwanag ni H.M sa mga ito. Iniisip niya na wala ng dapat na sayangin na oras at kailangan na nilang makaalala sa lalong madaling panahon dahil hindi pa nila matukoy kung anong klase ang kalaban.
"Tito, bukas na ako babalik sasamahan ko sila. Dito ako matutulog kasama nila." Pagpapaalam naman ni Yko sa kaniyang tiyo ng si Yvo.
"Magpaalam ka sa mga magulang mo Yko dahil mag-aalala 'yung mga 'yon."
"Copy."
dreamhope_s
![](https://img.wattpad.com/cover/149601532-288-k373977.jpg)
YOU ARE READING
MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)
FantasíaMAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESSES (BOOK 2) Enchant World: Zanaira has discovered who she is. Jade Yzada Slytherin is her name. A demigod who has somehow passed away, along with her friends' disappearance. She had found herself, but she had al...