Chapter 24 - PRINCESS AMBER OF LIGHT KINGDOM

2.4K 105 0
                                    


Amber's POV

On the way na kami papuntang Light Kingdom. Nakapagpaalam na kami kina Tito at Tita even Aysha. Nagpaiwan na rin si Kyle doon syempre para may makasama si Aysha.

Sumama na sa amin si Kirra kasi nakilala na siya ng parents ni Aysha. Kailangan nilang makilala ang guardian ng anak nila kaya sumama rin si Kirra sa akin para makilala siya ng parents ko.

Kasama namin ngayon sina Xandra and Zach ofcourse. Alam niyo tingin ko nagkapalit kami ng personality ni Aysha. I should ve the one who is Jolly and energetic because I'm a light user pero kabaligtaran kami hahaha.

As of now, wala pa akong naaalala, kahit konti wala.

Nakarating na rin kami sa wakas.

"Princess Alexandra Lily Zayn, Lady Kirra, Prince Zachary Jan Villa and Princess Amber Liane Zayn. Welcome to Light Kingdom." saad ng araw na nakadisplay doon sa gate. Basta 'yun na 'yon. Natanaw ko naman ang isang babae at isang lalaki na nasa mid 40's ang tumatakbo sa gawi namin.

Poker face lang akong tumingin sa kanila. Sila siguro ang hari at reyna. Niyakap naman nila kami ni Xandra. Tinugunan ni Xandra ang yakap pero ako hindi. Hindi ko sila kilala eh. Ang babae naman ay bumalik sa harapan ko at hinaplos ang pisngi ko.

"A-Amber anak." saad ng babae at tuluyan ng napahagulgol at niyakap ako. Anak? I guess sila ang parents ko.

"Hindi ko po kayo kilala at hindi ko po kayo maalala." straight forward na sagot ko. What the sense of hiding or not telling the truth if in the ay malalaman rin nila? Commonsense.

Dahil sa sinabi kong iyon ay napabitaw siya sa akin at tinignan ako ng may lungkot at sakit sa mga mata. Tinignan naman ako ng lalaki at ngumiti ng tipid sa akin atsaka niyakap ang babae. If they were really my parents tingin ko doon sa guy ako nagmana. Silent type.

Pinipilit namang tumahan ng reyna ngunit hindi paawat ang mga luha niya sa pagpatak pero kahit ganoon ay nagawa niya pa ring ngumiti. Pilit nga lang.

"Halina kayo. Magtatanghalian na at sigurado akong hindi pa kayo kumakain." saad ng reyna at nauna ng maglakad. Malalaman mo na pinipigilan niya ang paghikbi dahil sa paggalaw ng mga balikat niya. I'm sorry po. Hindi ko po talaga kayo maalala. Gusto kong isatinig iyan kaso napag-isip-isip ko na mas lalo lang siyang masasaktan kapag ganoon kaya pinili ko na lang manahimik at sumunod.




****

Katatapos lang naming maglunch sa palasyo. Awkward. Iyon lang ang masasabi ko. Pinili kong pumunta sa garden ng palasyo. Wala pa talaga akong naaalala.

'grrrrrrr'

Ano iyong tunog na iyon? Sinubukan kong hanapin ang tunog na iyon at may natagpuan akong isang dragon?! Lumapit pa akong mabuti. Isang dragon nga. Isang yellow na dragon.

'Master'

Sino 'yun?! Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang nagsalita per wala namang tao. Napunta ang mga tingin ko sa dragon.

"Ikaw ba 'yon?" weird man pero ti anong ko 'yung dragon.

'Oo Master. Ako ito Lowel'

Lowel....


****

'Baby may regalo kami sa inyong dalawa ng Papa mo.' masiglang saad ng babae na yumakap sa amin kanina. Bakit parang mahal na mahal ko sila? Naaalala na ba sila ng puso ko?

'Talaga Mama?! Nasan po?!' excited na saad ng dalawang batang babae na sa tingin ko ay ako at si Xandra. Dinala nila kami sa garden at doon namin nakita ang dalawang nakahawlang dragon. Kulay yellow ang isa at ang isa naman ay sobra ang pagkadilaw. Lumapit ang batang ako sa kulay yellow na dragon.

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now